Embracing The Darkness Kabanata 12


Hindi ko alam kung bakit mas nasaktan ako sa sinabi ni Caspian kaysa sa mga sinabi ni Via kagabi. Pinaparamdam nila sa akin kung gaano ako kababa maging ang trabaho ko. Seryoso ang mukha ng binata habang naghihintay sa sagot ko. Hindi ko alam. Oo malaking tulong iyong pera sa akin pero natatakot akong mas matinding pang-iinsulto pa ang matanggap ko kalaunan.
“Pag-iisipan ko. Iyon lamang ang maibibigay kong sagot sa ngayon. At saka bakit nga pala nangharana ka pa at papaano mo ko natunton?” Tanong kong pilit kinakalimutan ang sinabi ng binata kanina.
“Ah iyon…sa may ari ng bar ako nagtanong kung saan ka nakatira at kasama iyon sa plano sa oras na pumayag ka na maging asawa ko. Malalaman ni Lolo ang panghaharana ko sa iyo at maniniwala siyang totoo ang relasyon natin.” Kumakamot sa ulong sagot ni Caspian.
“Ah isang palabas. Sige makakaalis ka na. Pag-iisipan ko pa ng ilang libong beses ang alok mo.” Sagot ko bago tumayo na.
“Oh saan ka pupunta beshie? Ito na ang meryenda niyo.” Biglang ani ni Maharot na may bitbit ng pansit, buns at iyong ube kanina.
“Uuwi na siya. Matutulog na ko at may pasok pa ko mamaya.” Sagot ko. Si Caspian naman ay nakatingin sa akin at parang may malalim na iniisip.
“Eh ikaw Pogi gusto mo munang kumain?” Tumalikod na lang ako kaysa masaksihan ang panghaharot ng kaibigan sa binata.
“No, thanks. I have to go. Sorry.”
Iyon lamang ang narinig ko sa binata bago ko isara ang pinto ng kwarto ko. One million. He offered me one million for marriage. Pwede ko ng i-negosyo iyon pero nag-aalangan pa din ako. Hindi biro ang kasal. At hindi ko alam ang mangyayari sa isang taon kung tatanggapin ko. Higit sa lahat hindi ko lubos na kilala si Caspian paano pala kung kasapi siya sa sindikato eh di maagang pumanaw ang lola niyong hindi man lang natikman ang langit dito sa lupa. Hanggang pagpasok ko ng trabaho ay dala ko pa din ang isiping iyon. Oo ang isang milyong nakakaakit tanggapin.
Dalawang awitin ang inawit ko ngayong gabi bago nagbreak pagkatapos ay huling awitin na at pupwede na akong umuwi. Oo madali lang kung tutuusin ang trabaho ko ngayon kumpara noon. Kaya naman naiintindihan ko ang maya’t mayang pasaring ni Magaling na pinalitan ko. Ngunit hindi ko na siya inintindi pa at abalang abala ang mga mata ko sa paghahanap sa taong himalang wala dito ngayon. Akala ko may bago na naman siyang pakulo para pakasalan ko siya eh. Pero siguro din naman titigil na siya sa mga palabas niya ngayong nalinaw niya na ang nais niyang mangyari. At iyon ay ang angkinin niya ang pangalan ko pero hindi ang Mount Arayat ko.
Nakauwi na lang ako ng bahay ng hindi nasilayan si Caspian Alexander. Baka abala sa mga kaso niyang hinahawakan. May ilaw pa ng makapasok ako sa bahay at nagulat ako ng madatnan si Caspian doon na nakaupo sa sofa at pikit ang mata. Lumabas naman sa kusina si Maharot na posturang-postura na matutulog na lang nakakolorete pa sa mukha at ngiting-ngiting may bitbit na kape.
“Pwede mo bang ipaliwanag kung anong nangyayari dito Marg?” Ani ko kay Maharot na nagulat ng makita ako.
“Ay hindot ka! Bakit nandito ka na?! Bakit umuwi ka agad?! Beshie naman eh.” Nakasimangot na sagot ni Maharot habang iniabot ang tasa kay Caspian na gising na pala. Ako naman ay mabilis na naupo at hinarap ang binata.
“Anong ginagawa mo dito dis oras ng gabi?” Tanong ko kay Caspian na humihigop na ng kape.
“Waiting for you?” Sagot ng loko. Gusto sana magwala ng mga bulate ko sa tiyan kaso alam ko naman kung bakit siya naparito.
“Ganoon ka na ba kadesperado na makasal sa akin at talagang naparito ka agad gayong sinabi ko na sa iyo kanina lang na pag-iisipan ko muna ang alok mo.” Iritang sabi ko sa lalaki. Makulit din pala lahi nito eh.
“Wait, wait! Anong kasal? Anong alok?” Sabad ni Maharot na nakalimutan kong nandito pala sa tabi ko at nakalimutan ko ding ikwento sa kaniya kanina sa sobrang pagiisip ko sa alok ni Caspian.
“I’m offering her one million for her to marry me. Legal wedding but of course fake relationship just for one year.” Maikling paliwanag ni Caspian na nagpasinghap sa katabi ko. Kaya wala na kong nagawa kung hindi ikwento na din ng maayos sa kaibigan.
“Ako na lang kung ayaw ni Kendra. Pwede mo kong isex kahit fake lang relasyon natin kaso hindi ako virgin...


tulad ni Kendra pero iyon lang naman lamang n—”
“Margarita!” Suway ko sa kaibigan. Hiyang-hiya ako sa sinabi ng kaibigan. Bakit pati pagiging virgin ko nadamay? Susmaryosep. Pero halos patayin ko naman sa tingin si Caspian ng tumawa ito ng tumawa na parang hindi kapanipaniwala na ako ay walang pang dungis ni Adan.
“Seryoso? Good joke Margarita. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito, salamat.” Ani pa ng bruho kaya wala kong nagawa kung hindi ang sabunutan siya na ikinasigaw naman ng lalaki na gulat na gulat.
“Ah ganoon! Gago ka pala eh! Adik, baliw, terorista, alien, animal kang bruho ka!” Gigil na sabi ko habang hila-hila pa din ang buhok ni Caspian. Hating gabi na pero nagsisigawan pa din kaming tatlo.
“Ouch! What the fuck! Stop! Let go of my hair! I will sue you I swear!” Sigaw naman ni Caspian.
“Beshie maghunos dili ka! Attorney iyan.” Awat sa akin ni Marg pero wala akong pake. Ininsulto ng lalaking ito ang tanging bagay na maipagmamalaki ko. Kapal ng apog. Akala mo nuknukan ng gandang lalaki.
“Kahit macho dancer pa siya wala akong pakealam.” Mariing sagot ko na nakahawak pa din ng mahigpit sa buhok ng binata.
****************
“Hindi po ako ang may kasalanan siya ang nauna! Adik po iyan may sayad pa! Terorista ng Mount Arayat ko! Ikulong niyo po iyan!” Inis na sabi ko habang tinuro si Caspian na nasa tapat ko na gulo-gulo ang buhok at namumula ang mukha. May ilan ding bakas ng kalmot sa mukha ng binata at maging ang suot nitong polong puti ay gasumot na gasumot din para siyang ginahasa ng ilang bakla. Masama namang tumingin sa akin si Caspian na parang gusto na akong ibaon sa kinauupuan ko.
Kung itatanong niyo kung nasaan kami nasa Barangay kami ngayon. Kaninang nagbabangayan kami ay minalas na may rumoronda na mga tanod sa lugar namin gabi-gabi kasi silang rumoronda sa lugar namin dahil doon talamak ang away at saksakan maging paggamit ng ipinagbabawal na gamot kaya noong narinig nila ang ingay namin ay agad silang rumispunde at ito nga nandito na kami. Maging ang tanod ay may kalmot din at magulo din ang buhok dahil sa pag-awat sa amin kanina.
Inirapan ko naman si Caspian na masama pa din ang tingin sa akin.
“Magfafile ako ng kaso against her.” Seryosong sabi ni Caspian na nagpakaba sa akin. Parang nag-iba ang awra ng lalaki. Para siyang naging ibang tao at isa akong kriminal na kayang-kaya niyang ikulong.
At iyon na yata ang pinakahuli sa gusto kong mangyari ang makulong kaya naman pikit-matang sumigaw ako.
“Hinipuan niya ko! Dito at dito!” Tarantang sabi ko sabay patong ng kamay sa suso at ibaba ko. Nakita kong bahagyang namula ang tanod habang sinundan ang mga kamay ko habang si Marg naman ay pasimpleng napasinghap sa sinabi kong kasinungalingan. At si Caspian ngayon ay nakanganga na sa akin marahil ay sa gulat. Hindi maaaring makulong ako. Marami pa kong pangarap. Pasensyahan tayo Caspian Alexander.
Magsasalita na sana si Caspian nang biglang tumunog ang cellphone ko na hawak.
Si Matamis. Sinagot ko naman ito habang nakatingin kay Caspian na mas dumilim yata ang pagkakatingin sa akin.
Ngunit halos panawan ako ng ulirat ng marinig ang sinabi ni Matamis sa kabilang linya. Nanlaki ang mata ko habang bumagsak naman ang cellphone na hawak ko. Nanginginig na hinawakan ko si Caspian sa kamay na hindi ko na din namalayan ang pagtulo ng luha ko.
“C-Caspian…”
“Beshie bakit? A-Anong nangyari? Ha? Beshie bakit ka umiiyak?” Umiiyak na din na tanong ni Marg sa akin kahit hindi pa man niya alam ang dahilan. Mas lalo akong umiyak at tumingin kay Marg ng may kaba. Muli ay tumingin ako kay Caspian na nagugulohan ng nakatingin sa akin at may bahid na pag-aalala.
“M-Manila Hospital…Dalhin mo ako doon pakiusap…” Ani kong nanghihina.
“Ha?! Sino bang kausap mo kanina beshie?! Sinong naospital?” Tarantang tanong na din ni Marg habang hawak ako sa may braso at si Caspian naman ay inaalalayan ako.
“T-Tumawag si M-Matamis. Si Marie…nasa ospital. B-Bugbog sarado m-may s-saksak…” Umiiyak na paliwanag ko.
To be continued…
Sa mga nagtatanong kung bakit walang update kahapon pabrown out brown out po sa amin kahapon at marami din pong gawain kaya pasensya na po sa mga naghintay…Mamaya na po ang Her Greatest Downfall at nahihirapan po kong magdeliver ngayon ng updates kelangan ko lang po manood muna ng movies para maaliw😅






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. its ok palagi rin naman brown out dito ehh btw next

Leave a Reply


top