Fastime


Short Story
PAUWI na ako no’n galing sa trabaho nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa upang sagutin.
Ako pala si Josh. Dalawampu’t isang taong gulang. Isa akong Promo Diser ng mall malapit sa amin.
Pagkakita ko sa screen nakita ko kung sino ang tumatawag, si Cindy.
“Hello, Cindy?”
“Josh—,” banggit ni Cindy sa pangalan ko at narinig ko itong umiiyak.
“Oh, anong nangyari?” pag-aalalang sabi ko.
“Nakauwi ka na ba? Kailangan ko ng kausap, eh!” aniya habang humihikbi.
Dahil sa pag-alala ko’y sa bahay nga nila Cindy ako dumiritso.
Matagal ko ng kaibigan si Cindy. Mula highschool ay close na close na kami.
Ngunit hindi alam ni Cindy na sa tuwing magkasama kami araw-araw ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya.
“Salamat at dumating ka. Kailangan ko lang kasi ng makausap,” Cindy.
“Bakit ka ba umiiyak? Niloko ka na naman ba ng boyfriend mo?” sabi ko rito.
Yes! Tama ang inyong pagkakabasa. May boyfriend si Cindy at ‘yun ay si Sam. Matagal na silang magkasintahan ngunit palagi na lang silang nag-aaway.
Isang seaman si Sam kung kaya’t mag-isa lang palagi si Cindy sa bahay nila. Hindi rin alam ni Sam na lagi akong pumupunta kay Cindy sa tuwing may problema silang dalawa.
Nagsasama na sana sila sa iisang bubong ni Cindy subalit kinailangan ni Sam sumakay ng barko para na rin mabilis silang makaipon para sa kinabukasan nila.
“O-oo,” tipid na sagot ni Cindy at tuluyang bumagsak ang mga luha.
Mabilis ko itong niyakap upang e-comfort. Ngunit dahil sa init naming taglay ay nangyari na naman ang hindi dapat mangyari.
Yes! Tama na naman kayo. Sa tuwing na sa bahay ako ni Cindy o sa tuwing tinatawagan niya ako para sa problema ay may nangyayari po sa aming dalawa.
Pareho naming alam na mali ang aming ginagawa dahil bukod sa may kasintahan siya, eh, magkaibigan lang kami.
“Salamat at lagi kang maasahan sa oras ng kalungkutan ko,” sabi ni Cindy saka ipinikit ang mata habang nakapatong ito sa akin.
Gano’n lagi ang set-up sa ‘min ni Cindy. Sa tuwing may problema siya at laging nag-aaway sila ng boyfriend niya, ako agad ang una niyang hinahanap.
Ako ang lagi niyang kasama sa kaniyang kalungkutan. Ilang beses na rin akong nagtangkang magtapat kay Cindy nang aking nararamdaman subalit pinangungunahan ako ng takot.
Sa tuwing sinasabi kasi ni Cindy sa akin ang tungkol sa kanila ni Sam ay naramdaman kong mahal na mahal niya ito. Kaya ‘di ko magawang magsabi ng nararamdaman ko sa kaniya.
Kapag walang kailangan sa akin si Cindy ay para lang ordinaryo ang araw naming dalawa. Kapag hindi sila nag-aaway ni Sam at nagkasalubong kami ay ‘di kami gaanong nag-uusap.
Isang araw habang na sa trabaho pa ako no’n at saktong break-time ko ay tumawag na naman si Cindy.
Nag-aalangan ako no’ng sagutin ang tawag niya dahil paniguradong umiiyak na naman siya.
Isa
Dalawa o sampung missed call ni Cindy ang nakikita ko sa screen.
Hanggang sa nag-text ito.
“Josh, alam ko busy ka pa sa trabaho. Pero puwede ba mamaya puntahan mo ‘ko sa bahay. Gulong-gulo talaga ang isip ko ngayon, Salamat.”
Iyon ang ang text sa akin ni Cindy. Dahil sa sobrang pag-alala ay nag-under-time ako sa trabaho. Kahit na bawal ay tinuloy ko pa rin para lang mapuntahan si Cindy.
Magkahalong gulat at tuwa ang nakita ko sa mukha ni Cindy noong nakita niya ako sa labas ng bahay nila.
Dali-dali siyang lumabas para pagbuksan ako ng gate.
Doon ay sinabi na naman sa akin ni Cindy ang tungkol sa kanila ni Sam. As usual nag-aaway na naman ang magjowang parehong may topak.
Sinabi sa akin ni Cindy na nakita niyang naka-inrelationship si Sam sa ibang babae.
Galit na galit siya habang sinasabi ang naging pag-aaway nilang dalawa. At hindi lang ‘yun dahil nakita pa ni Cindy ang mga pictures sa timeline ni Sam na may kahalikang ibang babae na siya ring nakita niya sa nakalagay sa status.
Labis ako noong naaawa kay Cindy, sa taong mahal ko. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan siya kay Sam.
Hindi ko alam kung ano’ng nakita ni Cindy kay Sam kung bakit mahal pa rin niya ito kahit ilang beses na siyang niloko.
Sumapit ang gabi habang nakatulog ako sa sofa nila Cindy ay bigla akong nagising.
Pagtingin ko sa paligid ay wala si Cindy. Kaya dali-dali akong tumayo para hanapin siya.
Hanggang sa narinig ko ang boses nito sa labas ng bahay nila.
Idinikit ko ang tainga ko sa pintuan para marinig kung sino ang kausap ni Cindy sa cellphone.
Mayamaya lang binanggit nito ang salitang labis nagpasakit sa dibdib ko.
“I love you too, Sam.”
Matapos ko iyong marinig ay dali-dali akong bumalik sa sofa para magbihis. Nakahubad lang kasi ako dahil may nangyari sa amin ni Cindy kanina.
Ilang minuto lang ay pumasok na si Cindy. Nagulat ito sa kaniyang nakita dahil nagbibihis ako.
“Uuwi ka?” bungad niyang sabi habang inaayos ko ang sintas ng sapatos ko.
“Uhhh—o-oo, uuwi mo na ako,” utal kong sagot.
“ Gabi na ah? Saka bukas na lang baka kung ano pang mangyari sa ‘yo sa daan,” concern niyang sabi pero ‘di ako nagpadala.
“May lagnat kasi ang kapatid ko at nag-text sa akin si mama. Kailangan ko munang puntahan,” pagsisinungaling ko.
“Ahh—gano’n ba sige-sige mag-iingat ka, ah. Salamat ulit.”
Kumaway lang ako kay Cindy para aalis na. Hindi na ako nagsasalita pa dahil kanina pa namumugto ang aking mga mata.
Labis akong nasaktan sa narinig ko. Imbis na sana may pag-asa na ako sa kaniya ay wala na pala.
Panigurado nagbabalikan na naman sila ni Sam matapos siyang lokohin ng harap-harapan. Ngunit nagbulag-bulagan si Cindy para sa lalaking kahit kailan ‘di nakita ang halaga niya.
Dumaan ang mga araw hanggang sa buwan ay labis nang nagtataka si Cindy. Hindi na kasi ako nagpaparamdam sa kaniya.
Ang dami na niyang text at missed call pero binaliwala ko lang. Sa tuwing na sa bahay ako nila ay nasasaktan lang ako dahil sa palaging binabanggit nito si Sam.
February 14, 2018 nang tumawag na naman si Cindy. Araw iyon ng mga puso kung kaya’t sobrang abala ako sa trabaho dahil maraming mga magkasintahan ang magkikita sa mall.
Sa pagkakaton na iyon ay sinagot kong muli ang tawag ni Cindy....


Katulad pa rin noong una umiiyak na naman ‘to.
Kinagabihan muli akong bumalik sa bahay nila. May dala pa akong favorite niyang bulaklak saka tsokolate.
Pagkabigay ko nito sa kaniya hindi ko man lang nakitang masaya ito. Bagkos ay umiiyak ito at dali-dali akong niyakap.
“Sinaktan ka na naman ba?” mahinang tanong ko sa kaniya.
Tumango lamang siya saka itinuloy ang pag-iyak.
Pagkatapos nang dramahan na iyon ay napili naming mag-inuman para mawala saglit ang problema.
Wine ang iniinom namin noon. Medyo naparami na rin ako ng inom kaya nahihilo na ako. Pero si Cindy ay hindi ko man lang nakitaan ng pagkalasing.
Kung sa bagay mas sanay uminom si Cindy kaysa akin. Umiinom lang kasi ako kapag may problema o okasiyon.
No’ng nakahiga ako sa sofa narinig kong may tumawag kay Cindy. Akala noon ni Cindy na tulog na ako pero pinakikinggan ko lang lahat ng usapan nila ng manloloko niyang boyfriend.
Umiyak na lang ako at hindi ko alam nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, nauna akong gumising kay Cindy. Dahil day-off ko no’n ay ‘di mo na ako nagbihis.
Dinampot ko ang cellphone ni Cindy para tingnan ang gallery niya. Labis na namang nadurog ang aking puso dahil punong-puno ang gallery ni Cindy ng mga pictures at video nila ni Sam.
Kitang-kita ko sa video kung gaano kasaya ni Cindy sa tuwing magkasama sila ni Sam.
Mayamaya lang ay naramdaman kong magigising na si Cindy kaya dali-dali kong ibinalik ang cellphone sa tabi niya.
No’ng iminulat na niya ang mata ay cellphone agad ang una niyang tiningnan. Paniguradong mensahe ni Sam ang hinahanap nito.
Habang abala si Cindy sa kaniyang cellphone ay may sinabi ako sa kaniya.
“Uy! Next day pala kasal ng kasamahan ko sa trabaho. Nangangailangan sila ng magiging ninang,” sabi ko kay Cindy pero halatang ‘di narinig ang sinabi ko dahil nakangiti ito habang nakipagpalitan ng mensahe kay Sam.
“Puwede ka ba? Kasi ninong na rin ako, eh,” dagdag ko pa pero lagi lang itong oo nang oo.
“Woy!”
“Ano ba!” inis niyang sabi.
“Ay! Sorry! Sige focus ka muna d’yan sa matino mong nobyo!”
“Josh, alam mo namang hindi tayo puweding lumabas na magkasama ‘di ba? Kasi baka may magsumbong na makakita sa atin at baka makarating pa kay Sam. Baka hiwalayan ako no’n,” inis na sabi ni Cindy.
“Pasensiya na masiyado ka namang highblood. Nagbabakasakali lang naman,” mahinahon kong sabi.
“Bakit siya lagi kang niloloko pero hindi mo naman iniiwan?” sabi ko pa sa kaniya.
“Kasi mahal ko siya at—,” ‘di natuloy ni Cindy ang nais niyang sabihin dahil sumingit na ako.
“At mahal din kita. At sa bawat pananakit niya sayo akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Nasasaktan din ako kasi ang taong mahal ko sinasaktan ng maling tao!” sumbat kong sabi kay Cindy dahil ‘di ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko.
“Ano bang mga pinagsasabi mo d’yan? Mahal mo ‘ko? Josh, may boyfriend ako.”
“Boyfriend? Boyfriend na manloloko ba?”
“Pero mahal ko ‘yun!” sagot niya.
“Kung mahal ka niya bakit lagi ka niyang sinasaktan? Bakit ‘di niya makita ang halaga mo? Ha? Na saan ang pagmamahal niya sayo no’n? kung palagi ka niyang sinasaktan!”
“Wala ka ng pakialam doon dahil pastime lang kita!”
Nagulat ako sa sinabi ni Cindy. Sa matindi naming palitan ng salita ay doon lang ako napahinto nang sabihin niyang pastime niya lang ako.
“Pastime? I-ibig sa-sabihin—,”
“Oo, Josh, ginagamit lang kita para sa panandaliang saya sa tuwing may tampuhan kami ni Sam. Pasensiya na pero—,”
“Pero bakit ako? Bakit ako pa ang ginagago mo ng ganito?”
“Eh, kanino pa ba ako pupunta? Sa ibang tao? Sayo ako lumapit dahil kaibigan kita. Una pa lang alam mo ng may boyfriend ako at mahal na mahal ko!”
Hindi ko na kinaya pa ang lahat. Dali-dali na akong nagbihis saka umalis sa bahay ni Cindy.
Mula no’ng araw na ‘yun ay ‘di nga kami nagkita pa ni Cindy. Naka-block na siya sa akin. Sa tawag at sa Facebook.
Alam ko ring hindi na ako kailangan ni Cindy. At alam ko sa tuwing nag-aaway sila ng kasintahan niya ay maayos din agad. Marupok ika nga.
Kaya mas pinili ko ng lumayo pa para makalimot sa sakit. Hindi ko talaga kinaya na sinabihan akong pastime niya lang.
Dalawang taon mahigit matapos ang sakit na naramdaman ko kay Cindy. Wala na akong balita pa sa kaniya mula nang nag-iba na ako ng number at pinapasukang trabaho.
Nagtatrabaho na ako ngayon bilang call center agent.
Isang araw habang na sa parke ako at nakaupo sa bench ay may babaeng lumapit sa akin.
Hindi ako puweding magkamali. Dahil iyon ay si Cindy.
“Josh.”
“Cindy?”
“Josh, I’m sorry. Nagkamali pala akong saktan ka.”
“ Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko.
“Josh, narealize ko na mas mahal pala kita kaysa kay Sam. Noong umalis ka at ‘di na nagparamdam labis akong nasaktan. Kasi mas naaalala pa pala kita kaysa kay Sam at ikaw ‘yung nand’yan sa oras ng kalungkutan ko. At alam ko nasaktan ka sa sinabi ko noon—,”
“Pastime? Pastime mo lang ako ‘di ba?” sabat ko rito.
“Pero Josh, noon ‘yun ngayon mahal na kita,” sabi niya at dali-dali akong niyakap.
Pero tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko hanggang sa may nagsalita sa likuran niya.
“Love, ito na ang ice cream,” sabi ni Mary na aking bagong kasintahan.
Mabilis kong tinalikuran si Cindy at kinuha ang ice cream na bili ni Mary.
Sobrang suwerte ko kay Mary. Dahil bukod sa maganda ito ay mabait pa at matulungin. Isa siyang trainee dati noong nag-apply bilang call center at ako ang naging tl niya o team leader.
Dahil sa araw-araw naming pagkikita ay nahulog ngang muli ang loob ko sa kaniya. Hanggang sa ‘di nagtagal ay naging kami.
“Sino ‘yun?” tanong ni Mary.
“Uhh— wala ‘yon dati ko lang kaklase sa highschool,” palusot ko.
Bago pa kami makalayo kay Cindy ay nilingon ko muna itong muli. Nakita ko itong naglakad habang umiiyak.
Naaawa ako no’n sa kaniya pero batid ko na kapag magkalapit pang muli ang landas namin ay may masasaktang tao.
Ayaw kong saktan si Mary dahil mahal ko siya. Mahal ko si Cindy pero bilang nakaraan at ngayon sa present ko na ilalaan ang aking pagmamahal.
Wakas.
| Fiction |






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top