THE WILD SILENCE – CHAPTER TWENTY


nagliwanag ang mukha ni Jiro matapos nyang marinig ang boses na iyon na sisiguro nyang kay Alexa, tumalon pa sya mula sa kama nya tsaka patakbong binuksan ang pinto ng kwarto nya. “Alexaaaaaaa! ” masiglang aniya ngunit ganoon na lang ang dismaya nya ng bumungad ang malaking Speaker sa harap nya na naka konekta sa Cellphone ni Kevin na ngayo’y kausap si Alexa.
Lalong uminit ang ulo ni Jiro nang makita kung gaano kalaki ang pagkakangiti ni Kevin, taas ang kili-kili itong nag lakad palapit dito tsaka padarag na inagaw ng Selpon at sya ang humarap sa Screen niyon dahilan para matigilan sya nang bumungad ang nakangiting si Alexa.
Hindi parin nag babago ang kagandahan nito para kay Jiro, ang simpleng pag ngiti ni Alexa ay nagdudulot parin ng matinding kilig para sa binata, kinailangan pa nyang lumunok para makapag salita, kunwari ay itinaas nya ang kilay nya pero batid naman ni Alexa ang tunay nitong saloobin.
“Kumain ka para makita mo ko. “maangas na saad ni Alexa sa Screen tsaka pinatayan ang binata.
“Aba’t.. hoy! “inis na saad ni Jiro tsaka pinag pipindot ang screen na akala mo ay napakatigas gayung Soft touch naman iyon.
“Master Jiro naman! Kakabili ko lang nyan! ” angal ni Kevin nang makita nya kung paano ito gamitin ni jiro.
“Kaya kitang ibili nito kahit sampu pa kaya’t manahimik ka! “galit na turan ng binatang Vergara, walang nagawa si Kevin kundi mapakamot na lamang.
~
Naka uniporme si Alexa suot ang asul na comofludge mula sa pants nya hanggang sa sando nitong puti na pinatungan ng long sleeve nitong uniporme, naka suot sya ng sunglass na mula sa Luis Vuitton, nakasabit naman sa kanang balikat nya ang bag nya at nakapamulsang naghihintay sa Motor Boat na inupahan nya.
“Heto na po ma’am. “anang driver nito pagdating sa tapat ni Alexa. Tumango lamang ang binata at dahan-dahang sumakay roon. “Maldives Motor boat iyan- – – -”
“Isang Bwan ko itong rerentahin, nabayaran ko na sa amo mo. “ani Alexa tsaka mabilis na hinila ang makina nito.
*tagadagadagdagdagdagdag….
Nag simulang maglayag mag isa si Alexa patungo sa palao kung saan naroon sila Jiro, nang mainip ang dalaga ay tinanaw nya ang...


wrist watch na nasa pulsuhan nya.
“Mag a-alas dos na bakit napaka tagal naman? ” nasabi nya, nang mangawit sya sa pagkakaupo ay tumayo sya at na maywang, inikot nya ang paningin nya sa kabuuan ng dagat.
“Hanggang Dito ba naman? ” nadismayang saad nya tsaka bumalik sa pag ooperate ng Motor Boat, mabilis nyang kinabig pabalik ang Boat para salubungin ang apat na taong naka itim sakay ng Jetskie. “Lalong mapapahamak ang mag Ama kapag hinayaan kong malaman nila kung saan ako papunta. ”
*Bang! bang!
Sunod-sunod man ang putok ng baril ay hindi iyon inalintana ni Alexa, sinadya nyang pagsalpukin ang motor boat na sakay nya tsaka ang isang jetskie na sakay ng kalaban dahilan ng malakas na pagsabog, umusok, ng, kaunti ang gilid ng sasakyan ni Alexa pero nagpatuloy parin sya sa pag mamaneho, tutok ang mata nya sa nasa harap kaya’t hindi nya namalayan ang baril ng isang lalake hanggang sa tamaan sya sa kaliwang braso.
“Ah.. “daing ni Alexa, naipikit nya ang isang mata nya dahil sa kirot niyon. nang lingunin nya ang braso nya ay umaagos na ang dugo roon.
Masakit man iyon ay pinilit nya paring lundagin ang isang lalake na naglabas ng desabog, ligtas syang nakasakay sa likod ng kalaban, gamit ang isang kamay ay buong pwersa nya iyong sinuntok pero hindi ito tinablan kaya’t kinailangan pa nyang pilitin na igalaw ang braso nyang duguan para ihampas ang ulo nito sa harap ng Jetskie hanggang sa mawalan ito ng malay.
Hingal na hingal si Alexa idagdag pa ang malalim nyang, sugat pero kailangan nyang labanan ang natitira pa. Isinampa ni Alexa ang Desabog sa balikat nya, bahagya pa syang napapikit nang mapwersa ang sugat nya dahilan para bumulwak ang dugo noon.
Tinarget nya ang natitira na ngayo’y tumatakas na, nang natantya nya ang pagtama ng armas na hawak nya ay kinalabit nya ang gatilyo noon.
*TSUUUUUUG!
Sa wakas ay matagumpay iyong tinamaan ni Alexa, inilaylay nya ang braso na may tama tsaka nilayaan na malaglag ang Armas sa dagat, sa dami ng Dugo na nawala sa kanya ay mabilis ding naubos ang lakas nya, habol hininga nyang dinrive ang Jetskie palayo sa lugar na iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top