CRAZY EX-WIFE ” CHAPTER 16


– LORRAINE –
Tag-ulan nanaman at para akong bata na gusto tumampisaw sa ulan. Hindi na kasi ako nalulungkot sa twing umuulan . Pakiramdam ko malayang-malaya na ako sa sakit at napakaswerte ko na sa mga taong minamahal ko at nagmamahal din sakin. Gusto ko talagang mabasa ng ulan ngayon kahit na malakas pa Ito. Bihira naman Ang dumadaan dito lalo na kapag umuulan dahil madulas Ang daan. Pumikit ako at umikot-ikot sa gitna ng kalsada dahil sa sobrang Sarap sa pakiramdam. Inalala ko Ang masayang ala-ala namin ng parents ko nung nabubuhay pa sila
” Gustong-gusto nang anak natin sa ulan love” Sabi ng papa ko sa mama ko .
Sabi ng papa ko noon, Ang mama ko raw ay Isang queen Kaya ako daw Ang princess Nila. Mahal na Mahal Nila Ang isat-isa dahil Hindi sila mapaghiwalay .
” Princess Lorraine, alam mo ba, Kaya umuulan?”
” Bakit Po?” Tanong ko sa mama ko dahil inosente Pako sa mga bagay-bagay.
” Sabi Nila, kapag dumidilim Ang langit at bumagsak Ang ulan may nalulungkot daw na Isang tao. Titigil lang daw sa pag ulan kapag tumigil narin sa pag iyak Yung taong nalulungkot.
” Ibig sabihin Po, may nalulungkot ngayon dahil umuulan ?”
” Siguro, pero alam mo Yung Isa pang kasabihan, Kung Sino Yung Hindi mo inaasahang darating sa gitna ng ulan at lumapit sayo . syA Ang makakasama mo habambuhay ” natawa ako sa kasabihang yon, Hindi pala totoo. Kasi Kung totoo yon, si Mark Sana Ang kasama ko habambuhay.
– MARK-
Umalis muna ako sa bahay para magpalamig. Gusto ko muna takasan Ang away namin ni Jane. Nakakasawa ang paulit-ulit na binibintang nya sakin. Kelangan ko ng tahimik na lugar Kaya bagay sakin Ang lugar na to at patak Lang ng ulan Ang makikita ko sa labas .
Pumikit muna ako para maka idlip manlang ..
” Lorraine, Tara labas tayo maligo tayo sa ulan. ”
” Mark AYoko magkakasakit tayo ”
” Hindi Yan. Kahit na anong lakas pa ng ulan Yan Basta magkasama tayo Hindi nya tayo magpapabagsak noh! Mas malakas Yung pagmamahal ko sayo e!”
” Malungkot kapag umuulan Kaya dapat sa loob lang tayo ng bahay. Manuod nalang tayo ng nakakatawang palabas at kumain tayo ng masarap ”
” Hindi ko kailanman mararamdaman na malungkot kapag umuulan dahil nakilala Kita sa gitna ng napakalas na ulan. At kahit na bumagyo pa paulit-ulit kitang pupuntahan para lang iligtas ka. Mahal na Mahal Kita lorraine ”
” Kahit na Ang kapalit ng pagligtas mo sakin ay buhay mo? Gagawin mo parin? ”
” Oo naman . Hindi pa naman sigurado Kung mamamatay ako pagkatapos nun. At kapag nabuhay ako, Kung kapalit naman non ay pagmamahal mo Wala akong pagsisisihan ”
” Wag Kang Ganyan Mark baka umasa ako”
” Maaasahan mo Mahal ko”
Pagmulat ko ng Mata nakita ko Ang isang babaeng umiikot-ikot sa gitna ng daan. Masyadong delikado Ang ginagawa nya at baka bigla nalang syang mahagip ng sasakyan Lalo nat masyadong malakas Ang ulan ngayon. Kumuha ako ng payong at balak ko syang lapitan
– Blessy-
Nasan na ba si papa? Si tita umalis na agad Kaya mag-isa nalang ako dito. Nakakaloka sa lungkot ! Alam mo Yung feeling na una palang parang feel mo na agad Yung pagiging out of place mo sa school na to?
Pero, infairness,ang ganda Ang school na to, malaki, daming estudyante kahit private. Karamihan siguro naka kuha lang ng scholarship. Nakaka gutom San ba pwedeng bumili dito? Nasan na...


nga ba Yung map na binigay sakin ni tita kanina? Baka maligaw ako dito. Iiyak talaga ako ng bonggang-bongga!
” Hello? Yes uuwi na Po ako. Kukunin ko Lang Po Yung schedule ko”
Tingnan mo nga naman Ang kamalasan sa buhay ko oh! Dumagdag pa tong pesteng lalaking to! Naliligaw na nga ako dudumihan pa Yong damit ko! Parang walang Mata !
” Miss I’m sorry may kausap kasi ako sa phone at nagmamadali ako”
Nakakagigil! Anong Akala nya dahil Lang sa sorry nya okay na ako? Malilinis ba ng sorry nya Ang damit ko? Tapos ngayon basta-basta nalang nya akong iiwan?
” Hoy sandali! Paltan mo tong damit ko! ”
” Miss, I said, I’m sorry nagmamadali lang talaga ako. Saka na tayo mag-usap kapag nagkita Tayo ulit. Ano bang course mo? Baka magkita tayo ulit “..
” Walang hiyang lalaki to! Hubarin mo yang damit mo! Hubarin mo Sabi! Di mo ba alam na regalo pa sakin to ng papa ko tapos mamantsahan mo Lang?! ”
” Miss ano ba! Umayos ka nga! Nakakahiya sa mga Tao! Kung gusto mo mamaya nalang tayo mag-usap. Importante kasi tong lalakarin ko”
.
” Wala Akong pakialam! AYoko sumuot ng madumi! Hubarin mo yang damit mo para may masuot ak0!”
” Miss Hindi pwede yang gusto mo . Hindi ako pwedeng sumuot ng pambabae naisip mo ba yon? Please.. ? Alam ko nagkamali ako Kaya sorry na talaga ”
” Ayaw mo ha? Sandali! ” Tinapon ko sa kanya Ang ink ko sa bag. Nanlaki Ang Mata nya sa ginawa ko. Kulay puti ba naman Ang damit nya .
” Anong ginawa mong babae ka?! ”
” Ok! Apology accepted! Patas na tayo! ” Akala ko makikipag away pa sya sakin pero umalis nalang syA. Sayang kamukha pa mandin syA ng papa ko Kaya Lang nakaka inis sya. AYoko nga ng sorry Lang dapat gumawa syA ng paraan!
– Lance Reyden-
Syete Ang babaeng yon ! Kung hindi lang talaga syA Babae pinatulan ko na syA! Nag sorry na nga ako ayaw pa tanggapin! Pano ko tatanggalin tong sa damit ko? Napakababaw nya!
” Bakit parang mainit Ang ulo ng Mahal ko? ”
” Tingnan mo Ang nangyare sa damit ko tita. Kanina kasi nung tumatawag ka, aksidente Kong nabubuan nang soft drinks Yung Babae. Hindi ko alam Ang pangalan Basta suplada syA. Ayaw tumanggap ng sorry gusto pakong paghubarin para daw may maisuot syA. Ang arte-arte!” Natawa si tita sa kwento ko
” Hmm.. parang spoiled brat Ang babaeng Yan ah! Hayaan mo na, Ikaw Yung mas nakakaintindi, Ikaw nalang Yung umunawa . ”
” Wag lang sana ulit kaming magkita dahil naiinis talaga ako. Ngayon Lang ako nakakita ng babaeng sobrang arte . Yung mga naging classmate ko naman before mayayaman din pero Hindi Ganyan makaasta. Kulang ata sa pansin e!”
” May mga Tao talagang Ganyan. Hindi kasi lahat pare-pareho ng ugali Kaya unawain nalang natin Ang mga ma attitude na tao. Magbabago din Ang mga Yan kapag nakahanap sila ng katapat Nila ”
” Wag lang syang magkakamaling magpakita ulit sakin ng kaartehan nya. Makakatikim talaga sya sakin ”
” Reyden masama Yan ha. Wag na wag na wag Kang pumatol sa Babae . Alalahanin mo, Babae din kami ng mama mo”
” Hindi ko naman p0 sasaktan ng pisikal. ”
” Mas masakit Yung emotional. Iwasan mong makasakit ng damdamin ng iba. Diba kahit noon pa, sinabi ko na sayo, bawas-bawasan mo pagiging prangka mo”
Nagkibit-balikat ako Kay tita. Ayokong mangako.






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top