Meant to be? Chapter 53


Sa natitirang 3 araw ng pananatili sa university hindi na ako nilubayan ni Ace. Sa hotel kami natutulog. Pero walang anomang nangyayari.
Bumawi lang sya. Pinasyal nya ako.. Binilhan ng mga gamit. Balik uli sya sa dating Ace.
Ilang beses na rin syang umiyak. Kasi sabi ko pag iisipan ko pa kung babalik ako sa kanya.
Hindi na daw sya muling mag aasawa kahit di ako bumalik sa kanya.
Nong nakita nya kami ni Daniel na nagsabay.. Himala di na sya ganoon kung magreact.. Pero nakita kong yumuyuko sya at pinipigil yong kamao. Sinabi ko kasi na humihirit sakin yon pero di ko pinapansin para lang alam nya. .
Medyo may pagkaparehas pa naman sila ni Daniel. Mga possessive.
Nililibre kami ni Dan at tinutukso kami nong mga kasama namin. Pero umiiwas lang ako.
Hanggang sa natapos yong 5 araw. Sumama sya sa akin sa apartment namin ni Itay.
Nagulat si tatay ng makita sya. Bumili sya ng extrang damit at mga gamit sa bahay. Don daw muna sya tatambay
Makakapasa din naman daw sya
Wala na syang paki tungkol sa academic nya.. Makasama lang ako.
“Sabi ko bahala sya.. Pero di pa ako babalik sa kanya.
Kapag Sabado at Linggo namamasyal kaming tatlo. Tapos sya yong nagluluto ng agahan, tanghalian at hapunan. Naging kusinero sya namin. Taga laba pa, taga linis ng bahay, pag uwi galing University ang linis at bango ng bahay. Mag memeryenda pa kami. Pero inaasar ko pa sya . Pinauuwi ko na sya. Para naman sa pag aaral nya yon.
Sabi nya.. Kung bibigyan ko ba daw ang sarili Ko ngchance na mahulog sa iba. Sabi ko yon na nga.” Pano yon mangyayari kung babakod ka. ” napapayuko lang sya.
“Minsan kasi Ace.. Nagkakagusto rin naman ako sa iba. Pero pinipigilan ko lang gawa nang kasal ako sayo.” . Ang bilis nyang magteary eyes.
Bigyan na daw sya ng anomang karma
Wag lang daw ako ang maging karma nya na mawala ako sa kanya.
3 linggo na syang namamalagi sa amin. Tinaboy ko na sya isang araw. Kakagaling ko non sa school. Nakita ko syang tinitingnan ang slambook ko na puro picture collage namin.


/> Mga memories sa bawat lugar na napuntahan, mga pagkaing nakain, mga souvenirs at daming kakalogan kasweetan mga wackyface namin. Kasama ang mga friends.
Di naman talaga basta basta maitatapon yon ng ganon ganon na lang.. Naging bahagi na namin ang isat isa.
Agad nyang pinahid ang mga luha nya at tumayo.
Kinuha ko yong slambook at tinago uli.
“Sige na, uwi ka na muna. Yong pag aaral mo atupagin mo.”
“Dito lang ako..”
“Umuwi ka na… Medyo na umay lang ako sayo..” Agad syang napatingin sa akin.
Ginawa ko yon para masaktan sya at umalis na. Baliw kasi sya e. Ang dami nyang nakakaligtaan pag ako yong iniisip nya.
“Pangit na ba ako sa paningin mo..”
“Marami naman akong nakikitang gwapo pa sayo. Anong akala mo… Pinaka ka na..
Porket ang daming nagkakandarapa sayo.. Pinakagwapo ka na.. May nanliligaw sa akin.. Mas gwapo pa sayo..”
Nakayuko na sya. Alam kong nasaktan ko na sya. Para umalis na sya.
“Kapag umalis ako.. Baka magpaligaw ka na. May balak ka bang mag asawa uli ng iba?”
“Hindi ko alam.. Pero natatakot akong ikaw ang mapangasawa trauma na ako sayo.”
“Mas gusto ko yong simpleng buhay.. Di tulad ng buhay magkakaron sayo. Ang gulo Ace. Ang hirap maging asawa mo!”
“Maghanap ka na lang ng iba Ace ” inabot ko. Yong singsing…
Di nya tinanggap. Umiyak sya.
“Kaya kitang protektahan. Hindi na mauulit ang nangyari. Hindi na.
Aalis ako.. Dahil sabi mo nauumay ka na.. Pero maghihintay pa rin ako. Ikaw lang kasi ang mahal ko mahal…. Hindi ka na maalis alis dito.”
Sige na.. Dyan na muna yang singsing.
Kasal ka sakin Nice..
Pabayaan mo muna akong makahanap ng kalayaan.
Nong hapong yon, umalis din sya…
Huwag ka nang babalik..
Hindi sya lumingon.. Pero alam kong umiiyak a sya..
Bigla akong naging mapanakit sa kanya.. Gusto ko kasi syang subukan uli.
Isang buwan uli ang lumipas na di kami na nagkikita.
Isang hapon, nakita ko prof pic nya
Nakashades sya na may suot na maong jacket at nakawhite sleeve sa loob.
May caption itong ”
* I’m missing you so badly. Please come bact to me
. M muhunong mu






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top