SIN WITH ME


SIN WITH ME
By Jonquil
CHAPTER 01
“N-NEGATIVE pa rin,” ani Ferlyn sa kaniyang asawa na si Jino.
Pahablot nang kunin ni Jino ang hawak niya na dalawang pregnancy test kit. Tumiim ang mga labi nito habang tinititigan iyon at makita na iisang guhit na pula lang ang lumabas sa pregnancy test kit. Sa galit ay naihagis pa nito iyon. “Damn! Wala pa rin hanggang ngayon? Ferlyn, ilang buwan na tayong sumusubok na magkaroon ng anak. Tapos ano? Ni hindi mo ako magawang bigyan?”
Nagyuko siya ng mukha. “I-I’m sorry, hon.”
Hindi katulad ng inaasahan niya. Para bang bulkan ito na sasabog ano mang sandali.
“‘Yan. Diyan ka magaling sa kaka-sorry mo. Mabibigyan ba niyan ako ng anak?”
Maang ang labi na nag-angat siyang muli ng tingin dito. “Bakit ba atat na atat ka na magkaroon tayo ng anak? Ano ang magagawa ko kung hindi ko pa maibigay sa iyo ang gusto mo? Lahat din naman ay ginagawa ko,” kumibot ang labi niya dahil naluluha siya. Nasasaktan siya sa inaakto nito. Mas mahalaga pa ba rito ang pagkakaroon ng anak kaysa sa nararamdaman niya ngayon?
Na-i-stress na rin siya dahil hindi niya ito mabigyan ng anak. Anim na buwan na silang kasal at nagsasama ng kaniyang asawa na si Jino Lee na isang half-Korean. Noong una ay sobrang sweet nito sa kaniya. Pero sa paglipas ng mga buwan na palaging negative ang resulta ng kaniyang pag-pe-pregnancy test ay ramdam niya ang tila ba unti-unti nitong paglayo ng loob sa kaniya. Hindi niya alam kung napapraning lang siya o ganoon nga talaga ang nangyayari?
“Akala mo ba, madali para sa akin na hindi ko maibigay ang gusto mo? Hon, ginagawa ko ang lahat para maging healthy. Hindi na ako nagpupuyat sa trabaho. Ni hindi na ako umiinom ng kape para lang mas maging healthy ang katawan ko. Pero ano ang magagawa ko kung puro negative ang resulta ng pagpi-pregnancy test ko?”
Ayaw naman nito na magpapa-check up sila. Anito ay wala itong problema sa katawan nito.
Pero sa huli siya pa rin ang nasisisi nito dahil hindi niya ito mabigyan ng anak. Pakiramdam niya ay napaka-unfair nito sa kaniya.
“Stop working, then.”
“No,” mariin niyang wika rito.
“Mag-stay ka rito sa bahay. Hindi ka nga nagpupuyat sa trabaho pero panay pa rin ang punta mo sa coffee shop mo.”
“Hon, kailangan kong i-manage ang coffee shop ko. Ayaw kong iasa sa iba.” Namana pa niya iyon mula sa kaniyang mga magulang na sumakabilang buhay na. Ayaw niyang iasa sa iba ang pamamalakad niyon.
“‘Wag matigas ang ulo mo.”
“Aagahan ko na lang ang uwi,” pangako niya rito.
Ang asawa niya ay nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya nito. Naghihintay rin ito na ma-promote bilang CEO ng kompanya ng mga ito bagay na hindi pa nangyayari sa hindi niya malamang dahilan.
Sa halip na sagutin pa siya nito ay mas pinili nito na umalis at iwan siya sa silid na iyon. Tuluyan ng pumatak ang luhang pinipigilan ni Ferlyn kanina pa. Kasalanan ba talaga niya kung bakit hindi sila makabuong mag-asawa? Palagi na lamang nasa kaniya ang sisi.
GABI na ngunit wala pa rin ang asawa ni Ferlyn. Ang cellphone nito ay naka-off kaya hindi niya magawang tawagan. Siguradong kasama na naman niyon ang mga kaibigan nito at nag-iinuman. Ganoon ito kapag walang pasok kinabukasan. Typical Korean, uuwi ng hindi na makagulapay. Iyon ang isa sa ayaw niya rito na natuklasan lang niya noong nagsasama na sila. Pero hindi naman niya magawang ireklamo rito. Tiniis na lang niya dahil asawa niya ito.
Napabuntong-hininga siya. Napatitig siya sa niluto niyang pagkain para sa kanilang mag-asawa. Todo effort pa naman siya sa pagluluto ng kanilang dinner nang gabing iyon. Dahil gusto niyang bumawi sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng pagluluto ng paborito nitong pagkain. Kahit na wala siyang literal na alam sa kultura ng mga Korean. Inaral pa rin niya para makasabay siya rito at sa pamilya nito.
Ipinanganak sa Korea si Jino ngunit lumaki ito sa Pilipinas kaya matatas kung magsalita ng wikang Tagalog. Iilang beses pa lang niyang nakakaharap ang mga magulang nito. Hindi naman kasi palaging dumadalaw ang mga iyon sa kanila dahil madalas din na nasa South Korea. Madalang lang din kung magkasama-sama sila.
Anim na buwan na silang kasal ng asawa niya sa kakilala nitong huwes. Isang buwan matapos na maging sila ay inaya na agad siya nitong magpakasal. Kita naman niya na sobrang sincere ito pagdating sa kaniya. He showed respect. Maalaga at maasikaso rin ito sa kaniya. Si Jino, para itong isang Korean main lead sa isang Korean drama. Matangkad, tama lang ang pangangatawan, guwapo. Tuwang-tuwa rin siya kapag ngumingiti ito dahil sa singkit nitong mga mata.
Pero sa isang iglap, hindi na niya makita ang dating asawa niya. Para bang nag-iba na ito. Siguro, stress lang ito dahil gusto na ring magkaroon ng anak. Bagay na hindi niya maibigay rito.
Twenty-eight na siya at handang-handa na para sa pagkakaroon ng anak. Pero hindi nakikisama ang matres niya.
Nakatira sila sa isang apartment building. Malaki ang unit na tinitirhan nilang mag-asawa. Wala lang silang kasambahay dahil kaya naman niya ang mga gawain sa bahay. May dalawang silid doon. Ang isang silid ay nagsisilbing guest room habang ang isa naman ay siyang silid nilang mag-asawa. Saka na raw sila magpapagawa ng bahay kapag may anak na sila. Wala namang kaso sa kaniya dahil hindi naman doon mahirap gumalaw. At isa pa, sanay siya sa gawaing bahay.
Nang hindi pa rin dumating si Jino ay pinili na ni Ferlyn na kumain na at huwag ng hintayin ang asawa. Baka lalo lang siyang malipasan ng gutom.
Pero heto siya, may bakas ng luha ang mga mata habang ngumunguya ng pagkain. Huminga pa siya nang malalim.
“Fighting lang, Ferlyn,” cheer pa niya sa kaniyang sarili. Hiling lang niya na sana ay maging maayos na silang mag-asawa at bumalik na ulit sa dati. Iyong masaya lang.
PINAGMAMASDAN ni Ferlyn sa isang sulok ng kaniyang coffee shop ang calendar app sa kaniyang cellphone.
Isang linggo na.
Isang linggo ng mas lumamig sa kaniya ang kaniyang asawa. Tila lalong nanikip ang kaniyang dibdib sa kaniyang naisip. Sa tuwina ay late na itong umuwi galing trabaho. Pag higa sa kama ay bagsak agad at kinabukasan na magigising. Iinom lang ito ng kape bago aalis na rin para pumasok sa trabaho.
Hindi niya alam kung paano siyang natitiis ni Jino ng ganoon. Hindi na ba talaga maibabalik iyong dati nilang samahan?
Unti-unting nag-init ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa home screen wallpaper ng kaniyang cellphone. Wedding picture nila iyon ni Jino. Ngiting-ngiti pa sila roon parehas. Kapwa masaya.
Pero ngayon…
Huminga siya nang malalim at ikinurap-kurap ang kaniyang mga mata.
Ayaw niyang isipin na may iba ng babae ang asawa niya. Hindi naman siguro nito gagawin na bumaling sa iba dahil hindi niya maibigay ang gusto nito na anak.
Wala sa wisyo na tumayo siya. Pagpihit niya ay may padaan palang lalaki na may hawak pa ng cup ng kape. Huli na para umiwas dahil biglaan ang nangyari. Natapunan ng kape ang suot ng matangkad na lalaki. Napadaing pa iyon dahil sa init na dulot ng kape nito na dumaloy sa tiyan nito.
“Oh, shit!”
Para siyang nagising at nabalik sa reyalidad. “I-I’m sorry,” aniya na agad dinukot ang panyo na nasa bulsa ng suot niyang pencil cut na skirt. Idinampi niya iyon sa suot nito. “S-sorry.” Taranta pa habang pinupunasan niya ito.
Out of nowhere ay amuse pa siyang pinapanood ng lalaking natapunan niya ng kape nito nang mapatitig ito sa kaniyang maganda at maamong mukha.
“Oh, tama na. Private property na ‘yan, Miss,” awat nito sa kamay ni Ferlyn na akmang bababa pa sa may pants na suot nito.
Napakurap-kurap siya nang makitang muntik na rin niyang mapahiran ng panyo ang umbok sa may pants nito. Napapalunok na umatras siya at binawi ang kamay mula sa lalaki. Saka lang niya nagawang tingnan sa mukha ang lalaki.
Mukha iyong foreigner. Pero magaling magsalita ng Tagalog dahil nag-Tagalog iyon kanina. At hindi niya maikakaila ang kaguwapuhang taglay ng lalaking kaharap. At bago pa siya malunod sa kaguwapuhan nito ay muli siya ritong humingi ng pasensiya.
“Hindi ko kailangan ng sorry ngayon, Miss. I need to change my clothes,” sa halip ay wika nito.
Damn his eyes. Hindi naman ito nang-aakit pero bakit ganoon ang dating sa kaniya ng mga mata nito?
“O-okay. Hahanap ako ng damit na puwede sa iyo.”
“Ma’am, i-mop ko lang po itong sahig,” anang isa niyang crew na may dalang mop.
Tumango siya. “Please. Thank you,” aniya bago muling binalingan ang customer na napurwisyo ng dahil sa kaniya. “Sir, sa office ka po muna para mahubad mo na ‘yang suot mo at ng hindi ka maglagkitin. Again, I’m sorry,” very apologetic na wika niya.
“Sure,” sang-ayon pa nito na sumunod na sa kaniya. “Hindi ba magagalit ang manager mo na magpapapunta ka pa sa office ng customer?” tanong pa nito.
“I’m the owner,” aniya rito.
“Oh, really? Well, I should have one year free coffee from your shop,” nakangisi pa nitong wika.
Para bang hindi na big deal ang kung ano mang ganap kanina. O sadyang madali lang itong magpatawad? Or, alam naman nito na aksidente ang nangyari na pagkakatapon niya rito ng kape? Ganoon pa man ay lubos siyang nagpapasalamat na hindi ito nagwala dahil sa pagkakatapon ng kape rito.
“Okay, Sir,” sang ayon niya sa nais nito. Gasino na ba ang isang cup ng kape para dito. “One cup of coffee per day lang ang free, Sir.”
Napatawa ito sa sinabi niya. “Pero nakaka-sampu akong kape sa isang araw.”
Maang na binalingan niya ito matapos buksan ang pinto ng kaniyang opisina. “Sampu?”
“Just kidding,” anito na pumasok na sa loob ng opisina niya.
“Bibili lang ako ng pamalit mo sa labas. Ano’ng size ng damit mo, Sir?” pormal niyang tanong dito.
“Extra large. Kahit ‘yong white t—” napahinto ito sa pagsasalita nang mahagip ng paningin nito ang isang side ng kaniyang opisina na may mga nakalagay sa plastic na transparent na damit na may tatak ng kaniyang coffee shop.
Napasunod ang tingin ni Ferlyn sa lalaki nang lapitan nito iyon.
“May extra large ba rito?” tanong pa nito sa kaniya.
Napalunok siya. “Pero, Sir, may tatak ng coffee shop namin ang mga damit na ‘yan.” Souvenir kasi nila iyon sa mga suki ng kanilang shop. At sa mga company na maramihan kung um-order sa kanila ng kape. “Hindi ‘yan katulad ng suot ninyo ngayon.”
Mamahalin kasi ang tatak ng suot nitong damit.
“I won’t mind,” sa halip ay wika nito.
Mukhang seryoso nga ito dahil wala ng sabi-sabi na hinubad ang suot nitong damit na basa. Nalantad ang matipuno nitong katawan sa kaniyang mga mata. Hindi na naman siya nakakibo dahil sa animo live show sa kaniyang harapan. Marunong naman siyang um-appreciate ng biyaya ng Diyos. Ngunit dahil may asawa na siya ay ekis na iyon sa kaniya.
Ibinalik niya ang kaniyang composure at kinuha ang extra large na damit na nais nito. Iwas ang tingin sa katawan nito na ibinigay niya iyon dito.
“Ito, Sir.”
“Thank you,” anito na agad isinuot ang damit na ibinigay niya.
Siya na ang nag-adjust at lumayo rito. Para kasing pangangapusan siya ng paghinga.
Mukhang solve na siya sa kasalanan niya. Makakahinga na sana siya nang maluwag nang sa pagharap nito sa kaniya ay maglakad pa ito palapit sa kaniya. His eyes where smiling habang seryoso lang ang labi nitong magkalapat.
“Here’s my t-shirt. Ikaw naman ang may kasalanan, kaya ikaw ang magpa-laundry riyan,” saka lang sumilay ang ngiti sa labi nito nang hawakan nito ang kaniyang kamay at ilagay roon ang damit nito. “Also, ‘yong kape ko na natapon kanina. Gusto ko na ng kapalit. At dahil ikaw rin ang nakatapon niyon sa sahig, ikaw ang gagawa ng kape ko.”
Tunog demanding pero dahil alam niya na kasalanan niya kaya wala siyang magawa at hindi makatanggi rito o kahit nga ang tarayan ito. O baka naman nadadala lang siya sa pagiging saksakan nito ng guwapo?
“Okay. Walang problema,” aniya na binawi na ang kamay na hawak pa rin nito. “Ako na ang bahala sa t-shirt mo. Balikan mo na lang sa ibang araw. Pasensiya na sa nangyari kanina.”
“Apology accepted kanina pa.”
Nagbawi na siya ng tingin. Isinampay muna niya sa sandalan ng isang silya ang damit nito bago ipinasya ng lumabas sa opisina niya. Nakasunod naman ito sa kaniya. Pigil pa ang mapangiti ng kaniyang dalawang crew nang makitang suot ng lalaki ang ipinamimigay nilang damit.
“Ma’am, bagay siyang maging model ng Coffee Shop ninyo,” impit pang wika ni Jennifer na hindi maikaila ang kilig sa katawan habang habol ng tingin ang lalaki na naupo sa inalisan niyang upuan kanina.
“Sshh. Baka marinig ka. Mabuti nga at mabait, imbis na bilhan ko pa ng damit ay mas piniling isuot ang nakita niyang mga damit sa opisina ko,” aniya rito bago ito pinaalis muna sa puwesto nito para ipaggawa ng kape ang kanilang customer.
Nang magawa ay agad niya iyong dinala sa kinaroroonan nito. “Heto na, Sir. Enjoy your coffee.”
“I will,” nakangiti pa nitong wika sa kaniya.
Bago pa niya makalimutan na kasal na siya ay agad na rin siyang nagpaalam dito. Hindi maaaring ma-attract siya sa ibang lalaki.
Guwapo lang siya masyado, Ferlyn. Period, aniya sa kaniyang isipan.
AGAD na hinayon ni Ferlyn ang pinto ng kanilang condo unit nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng door bell. Dahil na rin sa pag-aakala na iyon ang kaniyang asawa kaya nagkukumahog siya sa paglalakad.
Ngunit hindi ang asawa niya ang nakatayo sa labas ng pinto kundi isang babae na may dala-dalang traveling bag. Kimi pa iyong ngumiti.
Right, kung ang asawa niya ang nasa labas ay hindi na iyon mag-aabala pang mag-door bell.
“F-Ferlyn,” bati pa ni Jenylyn Gonzalgo sa kaniya. Ang college friend niya.
“Jen, gabing-gabi ka na, ah.”
“Pwede bang tumuloy, Ferlyn?” pakiusap nito. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata nito. Bakas din na para bang nahihiya ito.
Tumango siya at mas niluwagan ang pagkakabukas ng pinto para dito. “Sige. Pasok ka,” pag-iimbita niya sa kaniyang kaibigan.
Huli pa sila nitong nagkita ay may isang taon na rin ang nakakaraan. Nanirahan kasi ito sa Davao.
“Galing ka pa ba sa Davao?”
Umiling ito. “Sa Cebu,” maikli nitong tugon. Naupo ito sa may sofa sa salas.
“Kumain ka na ba?” muli niyang tanong.
“Hindi pa nga, eh.”
“Tamang-tama, kakain pa lang ako. Sabayan mo na ako,” aniya na hindi na umaasa na uuwi pa ng maaga ang kaniyang asawang si Jino.
“Okay lang ba?”
“Oo naman. Ano ka ba?” nangingiti niyang wika rito. Nais niyang maging kumportable ito sa bahay nila. “Tara sa kusina. Hayaan mo na muna ang gamit mo riyan.”
Nagpatiuna na siya papunta sa kusina. Nakasunod naman sa kaniya si Jenylyn. Pinaupo niya ito sa madalas niyang upuan. Siya naman ang naupo sa may kabisera.
“Bakit narito ka ngayon sa Manila?” aniya habang kumakain sila. Magana namang kumain ang bisita niya. Mukha ring nasarapan ito sa luto niya kaya nakahinga siya nang maluwag. Ayaw lang din niya na mapulaan ang kaniyang niluto.
“Nakipaghiwalay ako sa boyfriend ko,” anito na nagbaba ng tingin.
“B-bakit?”
“Third party, Ferlyn.”
Hindi siya agad nakapagkomento.
Mapait itong ngumiti. “Puwede ba na ‘wag muna nating pag-usapan? Nakakawalang gana kasi sa pagkain.”
“Sure,” sang-ayon niya rito. “Kumain ka lang, Jen,” aniya na ibinalik na rin sa pagkain ang kaniyang atensiyon.
Kung ganoon ay tumira pala ito sa Cebu kasama ng boyfriend nito? Ayaw naman niya na pangunahan si Jenylyn para magkuwento sa kaniya nang nangyari sa mga ito. Hihintayin na lamang niya kung kailan ito handang magkuwento sa kaniya. Handa naman siyang makinig kung kailangan nito ng kausap. Nirerespeto niya ito sa bagay na iyon.
Matapos kumain ay tinulungan pa siya nito sa pag-iimpis at paghuhugas. Matapos niyon ay bumalik sila sa may salas at doon ay naupo.
“Salamat sa pagkain, Ferlyn. Masarap ang luto mo.”
“Wala ‘yon, Jen. Buti at alam mo itong bahay ko.” Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang naulit dito na doon siya nakatira.
“Si Lhany,” tukoy nito sa isa nilang classmate na madalas niyang makita dahil malapit lang ang pinapasukang kompanya sa kaniyang Coffee Shop.
“Ah,” aniya na napatango-tango pa. “Naulit ko nga sa kaniya kung saan ako nakatira. Buti nakakausap mo siya. May pupuntahan ka pa ba after nito?”
Umiling ito at nagbaba ng tingin. “Wala nga, eh. K-kung… kung okay lang sana sa iyo, Ferlyn, dito muna ako pansamantala sa bahay mo,” ani Jenylyn na tumingin na sa kaniya. “Wala rin naman kasi akong ibang malalapitan dito at nasa Davao na ang buong pamilya ko. Hindi nila alam na narito ako. Lalo na ang ex ko. Kahit ako na ang gumawa ng gawaing bahay dito habang nasa trabaho ka at ang asawa mo. Please?”
Paano ba siyang makakatanggi kung bakas na ang luha sa mga mata nito? Nakakaawa ito ng mga sandaling iyon. At dahil pusong mamon siya kaya tumango siya.
“Wala namang problema, Jen. Kakausapin ko ang asawa ko tungkol sa bagay na ito. Bakante naman ang guest room.”
Naupo ito sa mismong tabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “Maraming salamat, Ferlyn. Promise, tutulong ako sa gawaing bahay kapalit ng pananatili ko rito. Hindi ako magiging pabigat.”
“Jen, hindi ka naman iba, eh.”
“Salamat pa rin sa iyo. Kailangang-kailangan ko ngayon ng matitirhan kaya nagpapasalamat ako na hindi mo ako pinagsarhan ng pinto. Maghahanap din ako ng trabaho habang narito ako sa Manila,” pangako pa nito sa kaniya.
Nagkukuwentuhan na sila nang dumating ang asawa ni Ferlyn. Kay Jenylyn agad tumutok ang mga tingin nito. Kumunot pa ang noo nito.
“Hon,” aniya na tumayo at agad itong sinalubong. “College friend ko, si Jen. Okay lang ba na dito muna siya? Wala kasi siyang ibang matutuluyan. Galing pa siya sa Cebu.”
“Okay,” anito na tipid pang nginitian si Jenylyn matapos itong batiin ng kaibigan niya. Pagkuwan ay wala ng imik na dumiretso si Jino sa silid nila.
“Serious type ang asawa ko kaya ‘wag mong pagpapansinin,” nakangiti niyang wika rito.
“Good catch, ha?” nangingiti pang tudyo ni Jenylyn sa kaniya na lalo niyang ikinangiti.
Nakangiti man siya ngayon, ngunit ang nasa likod ng ngiti na iyon ay puno ng kalungkutan.
Kung alam mo lang… sa isip ay wika niya.
CHAPTER 02
NAGULAT si Ferlyn nang isang hapon ay maabutan niya si Jino sa loob ng kanilang bahay. Mas naunahan pa siya nitong umuwi. Nakakapanibago ang sandaling iyon para sa kaniya. Palagi kasing siya ang nauunang umuwi sa bahay nila.
“Ang aga mo yata ngayon, hon?” aniya rito na hinagkan pa ito sa labi.
“Maaga lang natapos ang meeting namin,” anito sa kaniya. Wala man lang kalambing-lambing sa boses nito. Hindi katulad noon.
Napatingin siya sa may kusina nang makita roon si Jenylyn. Nagluluto ito. Nasundan din ni Jino ang hinahayon ng tingin niya.
“Sabihan mo ang kaibigan mo, ‘wag masyadong kasipagan. Pati mga labahin nating damit, nilabhan niya. Tapos ngayon, nagluluto pa para sa hapunan natin. Ikaw ang dapat na gumagawa ng mga ‘yon, Ferlyn. Bakit kaya hindi mo gayahin ang kaibigan mo? Stay at home lang,” anito sa kaniya bago hinayon ang papunta sa kuwarto nila.
Huminga nang malalim si Ferlyn para paluwagin ang kaniyang paghinga na medyo nanikip bigla. Ngayon naman, ikinukumpara pa...


siya ng kaniyang asawa sa iba. Totoo nga talaga na masakit ang maikumpara.
Sa hindi nga niya magawang iwan basta ang coffee shop. At isa pa, nagagawa pa rin naman niya ang duty niya bilang asawa nito. Ang hindi lang niya talaga magawa ngayon ay ang maging isang full time house wife. Siguro, saka na. Kapag may anak na rin sila.
Pinalampas na muna niya ang sinabi ng kaniyang asawa bago nagawang lapitan si Jenylyn sa kusina.
“Jen, nag-abala ka pa,” aniya nang makalapit dito.
“Nakauwi ka na pala,” ani Jenylyn na ngumiti pa sa kaniya. “Wala akong magawa kaya nagluto na rin ako ng hapunan. Pasensiya kung nangialam na ako sa kusina mo. Sana lang, magustuhan mo at ng asawa mo itong niluluto ko.”
Suminghot siya. “Amoy pa lang naman, mukhang masarap na,” aniya na nag-thumbs up pa rito na lalo nitong ikinangiti.
“Puwede na bang mag-asawa?” biro pa nito.
“I’ll rate, kapag natikman ko na ang finish product mo,” ganting biro niya na parehas pa nilang ikinatawa.
“Magbihis ka na muna, Ferlyn. Kaunting oras na lang naman at matatapos na rin ako rito.”
Tumango siya. “Salamat, Jen.” Akmang tatalikod na siya rito nang muli siyang pumihit paharap dito. “Alam mo, nakakahiya rin naman sa iyo kung pati labahin ko, ikaw na ang gagawa. Kaya ko naman ‘yon,” wika pa niya rito.
“Ferlyn, kakaunti lang naman. Saka marunong naman ako dahil automatic ang gamit mong washing machine. Pero kung manual, hindi mo talaga ako mapaglalaba,” ngumiti pa ito. “Mas nakakahiya sa iyo kasi nakikitira lang naman ako rito. Hayaan mo na. Paraan ko ng pasasalamat ‘yon sa iyo.”
“Kahit na. Nakakahiya pa rin kasi bisita ka namin dito.”
“Haaay, naku. Doon ka na nga Mrs. Lee,” pagtataboy nito sa kaniya. “Magbihis ka na at sabay-sabay tayong kakain mamaya.”
Wala ng nagawa na tumango siya. “Sige,” aniya rito na iniwan na ito sa kusina at dumiretso na sa silid nila ni Jino. Naabutan pa niya ang kaniyang asawa na abala sa kaharap nitong laptop.
Naglakad siya palapit dito at yumakap pa mula sa likuran nito. Iyon ang paraan niya ng paglalambing dito.
“I love you, hon,” malambing pa niyang wika rito.
“Aish, jinjja,” reklamo pa nito sa salitang Korean. “Pati amoy ng coffee shop mo, dala-dala mo pa rin dito.”
Napilitang alisin ni Ferlyn ang kaniyang mga kamay sa kaniyang asawa. Dati naman, walang problema kung amoy kape man siya na umuuwi sa bahay nila.
“Kung nag-stay ka rito sa bahay, hindi sana ganiyan ang amoy mo.”
“Jino, natural lang naman na mag-amoy kape ako dahil sa coffee shop ako galing,” hindi niya napigilang idahilan.
“That’s why, stop going there,” anito na itinigil ang ginagawa at pinaikot ang kinauupuan nitong swivel chair para makaharap siya. “Just stay here instead.”
“Pagtatalunan na naman ba natin ‘yan, hon?” malumanay niyang tanong. Ayaw niyang makipagsabayan sa init na naman ng ulo nito.
“Kaya hindi ka mabuntis-buntis dahil palagi na lang kung ano-ano ang inuuna mo!”
Umawang ang labi niya. “Hon, tingin mo ba ginugusto ko na hindi mabuntis? Kung ako lang, gustong-gusto ko na mabigyan ka ng anak. Tingin mo ba, madali lang sa akin ‘to?” mangiyak-ngiyak na umiling siya. “Hindi. Ang hirap-hirap sa side ko na hindi ko maibigay ang gusto mo.”
Tumayo ito at napailing-iling pa. “‘Wag mo akong dramahan ngayon.”
“Saan ka na naman pupunta?” habol niya nang lampasan siya nito. Kinuha nito ang coat at muling isinuot.
“Sa walang amoy ng kape,” sarkastiko pa nitong wika bago tuluyang lumabas ng silid nila.
Naiwan siya roon na nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha sa pisngi. Hanggang ngayon, galit pa rin ito sa kaniya. Lalo lang siyang na-i-stress sa setup nilang iyon ni Jino. Ni hindi man lang siya magawang unawain ni Jino. Palagi na nga lamang niyang ibinababa ang pride para dito, pero wala pa rin. Malamig pa rin ito pagdating sa kaniya.
Hindi naman malaking abala ang pagpunta niya sa coffee shop. Dahil pumupunta siya roon kapag alas diyes na ng umaga. At umuuwi ng mas maaga kaysa sa mga empleyado niya. Dahil gusto niya, nasa bahay na siya bago pa man umuwi si Jino.
Pinahid niya ang mga luha at ipinasya na dumiretso na sa banyo na nasa loob din ng silid nila ni Jino.
“Hindi ba natin kasabay na maghapunan ang asawa mo?” medyo alanganin pang tanong ni Jenylyn kay Ferlyn nang balikan niya ito sa kusina matapos niyang maligo.
Pilit ang ngiti sa labi na umiling siya. “May lakad siya ngayon,” aniya rito. “Tara, kain na tayo,” aniya na naupo na sa may kabisera ng hapagkainan.
Nagkibit-balikat naman si Jenylyn. “Baka ayaw sa amoy ng luto ko kaya hindi kumain dito,” biro pa nito.
“Hindi,” sansala niya.
Dahil siya ang dahilan kung bakit ayaw doong kumain ng kaniyang asawa.
Ayaw lang ba talaga nito sa amoy ng kape na dumikit sa kaniya o ginawa lang nito iyong dahilan para umalis na naman at uuwing lasing?
Lihim na napabuntong-hininga si Ferlyn.
Sa nakalipas na araw, hindi lang iisang beses na umuwi nang maaga si Jino galing sa trabaho. Ang dahilan nito ay maagang natapos ang trabaho nito sa opisina. At ang ending, palagi rin silang nagtatalo.
“Mainit na naman ang ulo ng asawa mo,” naiiling pang wika ni Jenylyn habang naggagayat ng gulay para sa lulutuin ni Ferlyn.
“‘Wag mo na lang pansinin,” sabi na lang niya sa kaniyang kaibigan.
“Ferlyn, kung may hindi kayo pagkakaunawaan ng asawa mo, pag-usapan ninyo. Hmmm? Baka kung saan pa mauwi ‘yan,” makahulugan pa nitong wika.
Napahinto si Ferlyn sa paghuhugas ng karne sa may sink. Pagkuwan ay muling nagpatuloy. “Away mag-asawa lang, Jen. Normal na ‘yon sa mag-asawa.”
“Hindi sa nanghihimasok ako, ha? Ano ba ang problema ninyong dalawa?” usisa pa nito.
Bumuntong-hininga siya. “Gusto kasi ng asawa ko na magkaroon na kami ng anak, kaso, hindi ko pa magawang ibigay sa kaniya. Ewan ba, kahit na anong subok namin, wala pa rin. Ayaw pa rin kaming bigyan ng anak ni Lord.”
“Twenty-eight ka pa lang naman, Ferlyn. Hindi pa expired bahay-bata mo,” biro pa nito na ikinangiti rin niya. “Sabi nga, try and try until you succeed.”
“Amen,” aniya rito.
Minabuti na lamang ni Ferlyn na mag-focus sa pagkain. Ayaw niya ng dahil sa sobrang stress na ibinibigay sa kaniya ni Jino ay bumigay ang katawan niya.
“MA’AM, okay lang po ba kayo?” hindi napigilang itanong ni Jennifer kay Ferlyn nang lapitan siya nito sa may gilid ng counter.
Hindi niya napansin na natulala na pala siya. Ibinalik niya ang kaniyang composure at nginitian ito. “Okay lang.”
“S-sigurado po kayo?”
“Oo. Sige na, gawin mo na ‘yong gagawin mo.”
Tumango ito. “Sige po.”
Ipinasya ni Ferlyn na bumalik na lang muna sa loob ng kaniyang opisina at doon na lang magmuni-muni. Pero hindi niya naituloy kahit ang akmang paghakbang niya nang marinig ang tunog ng door chime sa kaniyang coffee shop. Indikasyon na may bagong dating na costumer.
Medyo kumunot pa ang noo ni Ferlyn habang nakatitig sa lalaking agaw eksena ang katangkaran at ganda ng pangangatawan. Para itong modelo ng isang sikat na brand ng damit na pinatungan ng kulay itim na coat. Nakasuot iyon ng itim na shades. Ganoon pa man, halatang-halata ang kaguwapuhang taglay niyon. Pamilyar iyon sa kaniya. Hindi lang niya maalala kung saan niya ito nakita.
Ngunit nang lumapit ito sa counter at mag-alis ng suot na shades sa mata, saka lang napagtanto ni Ferlyn kung sino ang lalaki. Ito ang aksidenteng natapunan ng kape ng dahil mismo sa kaniya.
“Good morning, Sir,” bati pa rito ni Jennifer.
“Good morning,” nakangiti pa nitong ganting bati sa kaniyang kahera bago nagbaling ng tingin sa kaniya.
Bakit bigla ay para bang gusto niyang mag-iwas ng tingin? Ikinundisyon niya ang sarili at kimi itong nginitian.
“‘Yong promise mo sa akin,” nakangiti pa nitong kaswal na paalala sa kaniya.
Napatingin sa kaniya si Jennifer.
“A-ah. Yes, of course,” sang-ayon niya na binalingan pa si Jennifer. “Jennifer, please, assist our customer,” bilin pa niya rito.
“I want you to make my coffee,” anang lalaki sa kaniya.
Tatanggi sana siya. Kaso, may usapan nga pala sila nito. Sa huli ay tumango siya. “Okay. Serve ko na lang, Sir.”
“Thanks.” Ngumiti pa ito ng isang beses sa kaniya bago naglakad palayo.
Saka lang niya namalayan na pigil pala niya ang kaniyang paghinga.
“Ma’am, ano po ‘yong promise ninyo kay Sir Pogi?” hindi napigilang usisa sa kaniya ni Jennifer.
Huminga muna siya nang malalim bago ito hinarap. “Tandaan mo ‘yong mukha na ‘yon. Tanda mo naman siguro siya, ‘di ba? Natapunan ko siya ng mainit na kape. At bilang kapalit ng nagawa ko, humingi siya ng isang taon na free coffee dito sa shop.”
“One year?” impit pa nitong ulit habang inaasikaso ni Ferlyn ang kape ng kanilang customer.
“Yes. Hayaan mo na. Hindi naman tayo malulugi sa kaniya.”
“Nagpalibre pa po talaga siya? Eh, sa looks niya, para nga pong kaya niyang bilhin itong buong shop ninyo pati ang pagkatao ko.”
Napangiti siya sa huling sinabi ni Jennifer. “May kasalanan pa rin ako sa kaniya. Sa susunod at wala ako, hindi mo na siya kailangan pang singilin. Hmmm?”
“Sabi niyo po, eh.”
Matapos niyang makapagtimpla ng black coffee para sa lalaking bagong dating ay dinala na rin niya iyon dito. Tanda pa naman niya kung anong klase ng kape ang pinatimpla nito sa kaniya noong nakaraan.
“Here’s your coffee, Sir,” wika pa niya bago iyon maingat na inilapag sa tapat nito.
“Thanks.”
Sandali na naman na tila na-mesmerize siya sa ngiting sumilay sa labi nito na lalong nagpaguwapo rito.
Ferlyn, umalis ka na sa harap ng lalaking ‘yan, bulong ng isip niya sa kaniya.
“Enjoy your coffee,” aniya bago ipinasya ng lumayo rito.
What’s with him? Bakit parang daig pa nito ang may magnet sa katawan? Ganoon ang dating ng lalaki sa kaniya. Nang mapatingin siya sa labas ng kanilang coffee shop ay may natanawan pa siyang isang magarang Ferrari car na kulay asul na nakahinto sa tapat ng kaniyang shop. Wala naman iyon doon kanina.
Pag-aari ba iyon ng lalaking customer nila?
Nang makarating sa may counter ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi sulyapan ang lalaki na abala sa pag-inom ng mainit nitong kape.
“Ang guwapo niya, Ma’am, ‘no? Kakaiba ‘yong level ng kaguwapuhan niya sa lahat ng guwapong customer na naliligaw rito sa coffee shop ninyo.” Nag-dreamy sigh pa si Jennifer.
Nangingiting dinutdot niya ang pisngi nito. “Focus na sa work.”
Ferlyn, mag-focus ka na rin sa pinaplano mo, anang isip niya sa kaniya.
Oo nga pala. Pinag-iisipan kasi niya kung hihinto na muna siya sa trabaho sa coffee shop at magpapaka-housewife na lamang muna kay Jino. Puwede naman niyang kunin na manager si Jennifer dahil maaasahan ito sa lahat. Lalo na kapag wala siya.
“Jennifer,” agaw niya sa atensiyon nito.
“Yes, Ma’am?”
“May idi-discuss ako sa iyo bukas.”
Tumango ito. “Sige po.”
May ngiti sa labi na tinapik niya ito sa balikat. “Sa loob muna ako ng opisina,” aniya rito bago itinuloy na ang pagpunta sa kaniyang opisina.
Sa pagkakataon na iyon ay ang lalaki naman na itinimpla niya ng kape ang humabol ng tingin sa kaniya. Bumuntong-hininga pa ito nang mawala siya sa paningin nito.
Pagdating ni Ferlyn sa loob ng kaniyang opisina ay nag-send pa siya ng text message sa kaniyang asawa. Ngunit wala man lang siyang nakuhang reply mula rito.
Samantalang noon, kapag nag-te-text siya rito, ora mismo kung mag-reply ito. Tipong kahit nasa trabaho, nagagawa pa ring mag-reply. Dahil ang dahilan nito sa kaniya, mahal siya nito kaya gagawa at gagawa ito ng paraan para paglaanan siya nito ng oras.
“Mahal mo pa rin ba ako, Jino?” anas niya na nagpamuo na naman ng mga luha sa kaniyang mga mata.
Hindi na naman niya mapigilan ang mag-selfpity ng mga sandaling iyon. Malaki na ang nagbago sa kaniyang asawa. Nalulungkot siya sa parte na iyon. Palagi rin itong galit sa kaniya. Daig pa ang babae na mayroong monthly period.
Deserve ba niya ang ganito?
Deserve ba niya na tratuhin siya ng ganito ng kaniyang asawa?
“Nasaan na ang pangako mo, Jino?” Tuluyan ng pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata.
CHAPTER 03
“HOLY shit! Oh, fuck!” halos mahabol ni Jino ang paghinga nito habang sige si Jenylyn sa pagpapaligaya sa pagkalalaki nito.
Nakaupo si Jino sa kama habang nakasandal ang likod sa may malambot niyong headrest. Ikinapit nito ang dalawang kamay sa may ulo ni Jenylyn habang baba-taas iyon sa pagsubo sa pagkalalaki nito.
“Masarap ba?” mapang-akit pang wika ni Jenylyn kay Jino na sunod-sunod nitong tinanguan.
“Continue,” he beg.
Kinagat pa ni Jenylyn ang ibabang-labi nito. Pagkuwan ay dinilaan ang tuktok ng naghuhumindig na pagkalalaki ni Jino.
“Tell me first, Jino. Sino ang mas magaling sa amin ng asawa mo?”
“You, of course. Hindi niya ginagawa sa akin ‘yong ganito. Napaka-boring niya pagdating sa kama. Mas exciting ka pang kasama kaysa sa kaniya.”
Kita ang pangingislap sa mga mata ni Jenylyn bago muling itinuloy ang ginagawa nito. Nasiyahan masyado sa sagot na iyon ni Jino.
They are both naked. Parehas ding walang pakialam sa paligid habang sige ang kain ni Jenylyn sa pagkalalaki ni Jino. Halos lumuwa pa ang mga mata ni Jino sa sarap na ibinibigay ng kaulayaw nito nang i-deep throat pa ni Jenylyn ang pagkalalaki nito.
“I-I’m cumming.”
“Oh, yeah, cum inside my mouth, darling,” malanding wika ni Jenylyn na pinagbuti pa ang pagsubo sa alaga ni Jino.
Hanggang sa mailabas nito ang katas nito na sinalo pa ng bibig ni Jenylyn. Ang iba ay sumirit pa sa mukha nito na tinawanan lang nito.
Humihingal si Jino bago ito bumaba sa kama. Hinila rin nito pababa sa kama si Jenylyn na ipinakita pa ang paglunok sa inilabas na katas ni Jino rito.
Napailing-iling pa ito. “Kung kasing exciting mo lang kasama si Ferlyn,” muli ay napailing si Jino.
“Oh, please, don’t mention your wife’s name. Nawawala ang gana ko,” ani Jenylyn.
“I’m sorry,” ani Jino bago nito kinabig sa baywang si Jenylyn at siniil ng halik sa labi.
Pagkuwan ay binuhat nito ang babae na agad namang sumaklang sa may baywang nito. Hinawakan ni Jino ang pang-upo nito bago ipinasok ang pagkalalaki nito sa mamasa-masang pagkababae ni Jenylyn. At habang nakatayo nga ay bumayo nang bumayo si Jino sa pagkababae ni Jenylyn na lalong nagpahalinghing sa sarap sa babaeng kaulayaw nito.
Matagal na nakatayo lang ang mga ito hanggang sa paluhurin naman ni Jino sa kama si Jenylyn at itinuloy ang pag-ulos.
NAPASINGHAP si Ferlyn nang tuluyang malaglag sa sahig ang nasagi niyang picture frame. Nabasag ang bubog niyon.
Wedding picture nila iyon ni Jino. Wala sa wisyo na dinampot niya iyon maging ang mga bubog. Pero hindi niya agad namalayan nang matusok siya ng matulis na bubog sa kaniyang hintuturo.
Agad niyang isinubo ang kaniyang hintuturo na may bahid ng dugo at tumayo. Wawalisin na lamang niya iyon. Hinayon niya ang kinaroroonan ng medicine kit at agad na nilagyan ng bulak ang kaniyang sugat sa hintuturo. Hiwa lang naman iyon. Pero hayon at ramdam pa rin niya ang kirot.
Matapos gamutin ay nilagyan agad niya ng band aid.
Sa halip na damputin pa ang mga bubog ay kumuha na lamang siya ng pang walis sa sahig at dustpan. Itinapon na rin niya ang frame at itinabi na lamang ang wedding picture nila ni Jino.
Pag-uwi niya kinahapunan ay naabutan pa niya si Jenylyn na nanonood sa TV sa may salas.
“Hi,” nakangiti pang bati sa kaniya ni Jenylyn.
“Hi,” aniya na ginantihan din ito ng ngiti. Hindi na niya pinansin pa ang panonood nito sa TV at dumiresto na muna sa silid nilang mag-asawa para magpalit na ng damit at ng makapaghanda na siya ng hapunan nila.
Pagbukas niya sa pinto ng silid nila ni Jino ay natigilan pa siya nang makita niya sa loob si Jino na abala sa laptop nito. Maaga na namang umuwi ang kaniyang asawa. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang bagay na iyon.
Nang makapasok sa loob ay isinara na rin niya ang pinto. Akmang lalapitan niya ang asawa nang maisip na baka ikainis na naman nito ang amoy niya.
“Hon, I’m home,” sabi na lang niya.
“Hmmm,” tugon nito na tuloy lang sa pagtipa ang kamay sa keyboard ng laptop.
Sa halip na lumapit pa ay kumuha na siya ng damit sa walk-in closet nila at dumiretso na sa banyo para maligo. Hindi naman siya nagtagal pa. Naliligo lang naman siya para mawala ang nakadikit sa kaniya na amoy ng coffee shop.
Matapos maligo ay naabutan pa rin niya si Jino na abala sa laptop nito. Sa pagkakataon na iyon ay lumapit na siya sa kaniyang asawa. Akmang hahalik siya sa pisngi nito nang iiwas nito ang mukha sa kaniya.
“Can’t you see? I’m working.”
“Pati ba naman paglalambing ko?” aniya rito sa mahinahon pa ring tono.
“Whatever. Gawin mo na kung ano ang gagawin mo,” pagtataboy na nito sa kaniya.
Tumiim ang labi ni Ferlyn dahil sa inakto ni Jino.
Hanggang kailan ba siya magtitiis na ganoon ito sa kaniya? Nakakasama na ng loob ang panlalamig nito.
“Puwede ba tayong mag-usap, hon?”
“Not now.”
Huminga si Ferlyn nang malalim at sinikap na huwag maluha ng mga sandaling iyon. Kumuyom ang mga kamay niya. Pagkuwan ay ipinasya na ring lumabas sa silid nila. Ibinalik niya ang composure nang hayunin niya ang kusina. Ayaw niyang makita ni Jenylyn na hindi na naman siya okay dahil sa panlalamig sa kaniya ni Jino.
“Kailan ka pala maghahanap ng trabaho?” kaswal niyang tanong sa kaibigan nang pumunta ito sa kusina para uminom ng tubig.
“Ah, baka, next week. Mag-aasikaso pa rin kasi ako ng requirements.”
“Good luck, Jen. Maraming magagandang company rito sa Manila.”
“Thanks, Ferlyn. How about, sa company na pag-aari ng pamilya ng asawa mo ako mag-apply? Okay lang kaya? Para hindi ako mahirapan sa requirements,” ani Jenylyn na nakagat pa ang ibabang-labi. “Kung okay lang naman sa kaniya.”
“Sige, itatanong ko mamaya,” aniya na ikinangiti lalo ni Jenylyn.
“Thank you, Ferlyn,” ani Jenylyn na hinimas pa siya sa braso niya bago ito muling bumalik sa may salas.
Akala niya tutulungan siya nito sa paghahanda ng hapunan. Nasanay yata siya masyado na tumutulong ito sa kaniya.
Ipinagkibit balikat na lamang niya iyon.
Sa hapunan naman ay sabay-sabay silang tatlo na kumain. Nakaupo sa kabisera si Jino, habang magkatapat naman sila ni Jenylyn sa upuan.
“Hon,” basag niya sa namumuong katahimikan.
“Yes?” baling nito sa kaniya.
“May vacant pa ba sa company ninyo? Balak kasing mag-apply ni Jenylyn. ‘Yon ay kung may available pang slot para sa mga employee ninyo.”
Sumulyap si Jino kay Jenylyn. Kimi namang ngumiti si Jenylyn kay Jino bago nagbaba ng tingin sa pagkain nito. Para bang nahihiya pa ito.
“Magtatanong ako sa HR. Kung mayroon, ire-refer ko na lang ang kaibigan mo,” sagot ni Jino na ikinangiti ni Ferlyn.
Bumaling siya ng tingin kay Jenylyn. “Narinig mo?” nakangiti pa niyang wika.
May ngiti sa labi na tumango si Jenylyn. “Salamat,” anito sa kanilang dalawa ni Jino. “‘Wag kayong mag-alala. If ever man na matanggap ako, magtatrabaho akong mabuti,” dagdag pa nito. Bago pailalim na sumulyap kay Jino na saktong tumingin din kay Ferlyn.
Nagpatuloy sila sa maganang pagkain. Pero lingid sa kaalaman ni Ferlyn, na sa ilalim ng lamesa naman ay panay ang himas ng paa ni Jenylyn sa binti ni Jino.





5
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top