lILO NA PAG-IROG Kapitulo 1


lILO NA PAG-IROG
Kapitulo 1
Na sa paaralan ako habang tinuturuan ang mga paslit isa akong kinder garten na teacher, sa totoo na hihirapan ako na pakisamahan ang mga paslit na tinuturuan ko ngunit nawawala naman kapag nakita ko ang anak kong si Jamel even my husband is meron ding ibang ginagawa ay masaya ako dahil ginagampanan parin nito ang pagiging ama sa anak ko kahit hindi niya nagagampanan ang pagiging asawa niya sakin.
Pag-uwi ko sa bahay ay nakita ko ang paalis na sasakyan ni Evan, hindi na kami masyadong nag uusap kung mag uusap man kami ay tungkol sa mga gawain sa school sa anak namin na si Jamel.
Pag pasok ko pinto ay nakita ko si Jamel na nilalaro ang mga laruan na ibinigay ni mama nong nakaraang araw. Pag kita nito sakin ay agad ito lumapit at binigyan ako nito ng matamis na ngiti, umupo naman ako upang mapantayan ito.
“Mommy, si tita Kimmy ang nag babantay sakin. Si daddy kasi meron siyang important job kaya hindi niya ako masasamahan pero look mommy binigyan ako ng maraming toys ni dad” masiglang wika ni Jamel at tinuro ang sala na may iba’t ibang anyo ng malalaking toys. Napasimangot ako sa ginawa ni Evan, baka lumaki si Jamel na matigas ang ulo at gusto mabigyan agad ng mga gusto nito.
“Jamel anong sabi ko sayo? Di ba sabi ko na wag kang mag hihingi sa daddy mo na iba’t ibang laruan?” sabi niya rito. Napasimangot naman ito at umiwas ng tingin.
“Mommy hindi naman ako nag hihingi kay daddy na mga laruan eh’ he’s the only one who gives that hindi naman ako” sabi nito. Yumakap nalang ako rito at hinaplos ang likod nito.
Bigla naman dumating si Kimmy na may dalang cookies at juice at inilagay sa lamesa. Kumalas naman sa pagkakayakap si Jamel at lumapit sa tita nito.
“Tita, i love you! Ikaw talaga ang pinaka sweet na yaya na nandito” sabi nito. Binuhat naman ni Kimmy si Jamel at hinahaplos nito ang pesngi ng anak ko.
“Ikaw talaga, ang sweet-sweet naman ng alaga ko” sabi ni Kimmy. Lumapit naman ako sakanila. Parang nanay na ni Jamel ang kaniyang kapatid dahil sa sobrang close ng dalawa.
“Ngapala Beth meron nag padala ng malaking box kaya ipinasok ko nalang sa kwarto niyong mag asawa” sabi nito. Kunot noo naman ako kung sino ang nag padala ng kahon, wala naman siyang inorder at isa pa hindi siya hilig mag order kusa lamang siyang bumibili sa mga store.
“Sige, ikaw na muna bahala kay Jamel” sabi ko. Tumango naman ito kaya napangiti naman ako.
Pag punta ko sa kwarto ay nakita ko ang malaking box. Inilagay ko muna ang aking sling bag sa lamesita at tinignan ang box meron itong sulat kaya agad ko ito binasa.
“Come to my house tomorrow with Evan pati ang apo kong si Jamel we want to accompany Jamel here ilang buwan narin kayo hindi dumadalaw, yon lang at sana ay makapunta kayo” sulat ng byanan ko. Napabuntong hininga ko binuksan ang box at nakita ko ang isang elgante na red tuxedo na pangbabae. Ayaw kasi ng mama ni Evan na mapahiya sa mga amega’s kaya sinusunod ko nalamang ang kaniyang gusto kahit nahihirapan ako.
Nag kibit balikat ako pumasok sa shower room at naligo upang maibsan ang sama ng loob ko sa aking byanan.
Pagkatapos ko maligo ay binuksan ko ang pinto sakto dahil nakita ko si Evan na hinuhubad ang kaniyang sapatos, napatingin ito sa gawi ko at umiwas ng tingin.
“Tinawagan ka ba ni mama? Para bukas?” tanong nito sakin. Pinatuyo ko naman ang buhok ko gamit ang tuwalya at kumuha ng damit sa kabinet.
“Oo meron siyang pinadalang kahon kanina, ngapala ang bilis naman yata nang pagbalik mo? Kanina nakita kitang umalis” Tanong ko rito at tinignan siya. Naka boxer nalamang ito at puting t-shirt nakalagay lamang ang tuxedo nito sa kama kaya kinuha ko iyun. Nakatutok nanaman siya sa loptop upang tignan ang stuck market, wala na kaming oras sa isa’t isa.
“May nilakad lang ako. Kayo nalang ni Jamel ang pumunta sa bahay ni mama I still have work to do na kailangan ko agad tapusin” boritonong sabi nito. Napababa ako ng tingin, hindi siya sasama ako nanaman ang bubuntunan ng init na dugo ng mama nito.
“Sige, ngapala Evan pwedeng ikaw muna mag asikaso kay Jamel sa susunod na lunes” sabi ko rito. Ilang minuto ay wala akong nakuhang sagot rito, kaya umiwas ako ng tingin sakaniya. Bubuksan ko na sana ang pinto na mag salita ito na nag patigil sakin at kumirot ang puso ko ng banggitin nito ang babae na minamahal niya noon at ngayon ay nagkikita parin sila kahit may asawa na siya.
“Hindi ako pwede Bethany meron akong pupuntahan sa lunes, mag kikita kami ni Shasha” sabi nito na walang halong kinakatakutan. Napatigil ako at ayaw mag salita ng bibig ko sa sinabi niya, sinirado ko naman ang pinto at isang butil na luha ang lumabas sa nag iinit niyang mga mata.
‘Gusto niya pa samahan si Shasha kesa sa anak namin?’ inis na wika ng isipan ko at pinuntahan ang anak ko. Nakita ko naman si Kimmy na sinusubuan ang anak ko ng pagkain. Napangiti ako ng mapakla at pumunta sa gawi nila.
“Ay nandito kanapala ate Beth, pupuntahan ko pa si Sandro sa airport. Pwede bang-”
“Oo naman” deristyong sagot ko. Yumakap naman ito at masiglang kumalas.
“Mwuah baby Jamel, bye ate” sabi nito at nag ba-bye pa kay Jamel. Napailing naman ako at umupo. Tinignan ko ang anak ko na may lungkot sa mukha kaya na aawa ako sakaniya dahil ang kaniyang mga magulang ay walang pagmamahal sa isa’t isa but I still love Evan kahit malayo ang loob nito sakin.
“Jamel anak, bakit ka malungkot?” tanong ko rito. Tumingin ito sa mga mata ko ngunit nararamdaman ko ang kaniyang malungkot nararamdaman.
“Mommy, when I see daddy and you ay tila isa lang kayong mag kaibigan hindi magka ibigan? Nalulungkot ako kapag hindi kayo nag uusap kahit kiss...


sa lips hindi ko nakikita sa inyo. Nakikita ko ang mga klasmate ko na sweet ang kanilang mga magulang kaya napaisip ako na baka hindi kayo maayos ni daddy” sabi nito.
Nag sisimula na mag obserba si Jamel sa amin kaya ito ang kinakatakutan ko na baka maging rebelde sa amin si Jamel dahil pilit na pagiging asawa at kasal ang naganap baka malaman ito ni Jamel kapag lumaki.
“Ahm baby-”
“Daddy!!” masiglang wika ni Jamel ng makita ang ama na pababa ng hagdan. Sinundan ko lamang siya ng tingin at lumapit ito kay Jamel.
“Kamusta ang baby boy ko?” Nakangiting tanong ni Evan at binuhat nito si Jamel. Tumatawa naman ang kaniyang anak dahil kinikiliti ng ama nito ang tyan.
“Daddy stop” natatawang wika ni Jamel sa ama, kaya huminto si Evan sa pag kikiliti. Hinalikan naman ni Evan ang pesngi ng anak.
“Daddy gusto ko po makitang close kayo ni mommy, pwede mo ba e kiss si mommy sa lips?” tanong nito. Natigilan naman si Evan sa hiling ng anak niya,
“Jamel!” pagpatigil niya rito. Suminangot naman si Jamel at tila hindi na gustohan ang kaniyang sinabi.
“Yan lang ba ang hiling ng anak ko?” paglalambing na tanong ni Evan sa anak kaya sumigla ang mukha ni Jamel. Pinaupo muna ni Evan ang anak bago siya nilapitan.
“Let’s just do what Jamel wants” bulong nito sakaniya. Hinapit nito ang kaniyang bewang, na niningkit naman ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa mga mata nitong walang emosyon ngunit bumaba ang tingin nito sakaniyang labi at unting-unti lumapit. Napapikit naman ako ng naramdaman ko ang pag dampi ng labi nito, ngayon ko ulit naramdaman ang tamis ng halik nito sa labi ko. How many years have we not done this dahil busy na kami sa isa’t isa kaya hindi na namin ito ginagawa.
“Mommy daddy, ang sweet niyo tignan i hope you are always like that” sabi ni Jamel na nag patigil sa amin kaya napaiwas ako ng tingin pati si Evan ay na awkward sa ginawa. Lumapit naman ito sa anak namin.
“Daddy gusto ko maging katulad niyo” nakangiting wika ni Jamel sa ama, tumingin naman sakin si Evan na tila sinusuri ako at tumingin ulit sa anak.
“When you choose a girl Jamel yung mahal mo” sabi ni Evan kaya dumiretsyo ang tingin ko sa nakatalikod na si Evan. Parang natamaan kami sa sinabi niya na kailangan mahal ang isa’t isa.
“Oo daddy gusto ko po sana na katabi niyo matulog, ayaw ko sa iisang kama lamang” pakiusap nito. Natawa naman si Evan sa sinabi ng kaniyang anak at binuhat ito.
“Gusto mo bang matulog kasama si daddy at mommy?” tanong ni Evan sa anak kaya lalo sumigla ang kaniyang anak sa sinabi ng asawa.
“Yes na yes!” bibong pagka bigkas iyun ni Jamel kaya binuhat ni Evan ang anak papunta sa kanilang kwarto. Ako naman ay sinundan ng tingin ang mag ama.
Kumain muna ako pagkatapos ay nag timpla ng gatas para sa anak kong si Jamel at Evan. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Jamel na nakatingin sa ama habang nag kwe-kwento, nakita naman ako ng mag ama kaya inilagay ko ang tray sa higaan.
“Uminom muna kayong dalawa” sabi ko sa mga ito. Kumuha naman si Jamel at Evan. Pagkatapos maubos ni Jamel ang isang basong gatas ay niyakap ako nito. Hinaplos ko naman ang likod nito.
“Mag tootbrush ka muna bago matulog” sabi ko rito. Kumalas ito sa pagkakayap at tumingin sakin.
“Opo mama” sabi nito. Dahan-dahan naman ito bumaba sa kama at pumunta sa banyo ako naman ay nakatingin kay Evan na hindi naubos ang gatas kalahati lamang ang kaniyang naubos.
“Salamat sa pag-aalaga kay Jamel” sabi nito sakaniya at inilagay nito ang baso sakaniyang hawak na tray. Bumaba na ito sa kama upang i open ang loptop nito kaya mahina akong napabuntong hininga.
“Mommy i’m done, pwede na ba ako matulog?” sabi ng anak at isang cute na hikab ang ginawa nito, nag gesture naman ito na mag pabuhat kaya binuhat niya ito at inilagay sa kama. Kinumutan niya narin upang comfortable ito sa pagtulog at hinalikan ko rin ito sa noo.
“Goodnight” sabi niya, isang maliit na ngiti ang ginawa nito at pinikit na ang mga mata. Kinuha ko naman ang tray upang ilagay sa hugasan. Lalabas sana ako ng mag salita si Evan.
“Sasamahan ko nalang kayo ni Jamel bukas dahil dadating ang isa kong kapatid na galing sa Saudi” sabi nito. Masaya naman ang loob ko sa sinabi nito dahil sasamahan sila nito, akala niya ay hindi na mag babago ang desisyon nito.
“Hindi ka ba na hihirapan na mag alaga kay Jamel? Pwede naman tayo kumuha ng yaya para may makasama si Jamel rito na mga yaya at sakaling makaibigan niya pa ang mga ito” suhesyon nito.
“Wag na, baka magkalayo ang loob nito sa atin na hindi natin nagampanan ang pagiging magulang at inaasa lang sa mga yaya ang responsibilidad baka ganun ang isipin ni Jamel, wag kang mabahala dahil nandiyan naman si Kimmy ang kapatid ko at close na sila ni Jamel” paliwanag ko rito. Tumango naman ito, ng wala na akong marinig na sasabihin niya ay lumabas na ako, ng makapunta ako sa sala ay agad ako nag hugas ng pinggan kahit sulok ng bahay ay nilinis ko kaya pag balik ko sa kwarto ay naka off na ang light ngunit si Evan ay nakatutok parin sa kaniyang loptop.
Sumampa naman siya sa higaan at humiga at tinignan ang anak na natutulog na mahimbing, tinignan ko ang gawi ni Evan na seryoso na nakatingin sa loptop.
“Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ko namay halong pag alala, ilang beses ko narin siyang nakikitang ganiyan at naka off ang light ang paligid habang nakatutok ito sa screen baka ito pa sanhi ng pagkabulag niya.
“Maya-maya na, malapit narin itong matapos” sagot nito. Humikab naman ako kaya napahiga nalamang ako habang nakatingin sa anak kong inosente pang tignan ang mukha.
Hays saan ka ba nag mana Jamel, natatawang tanong ko sa isipan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top