Hindi na ako pumasok noong araw na ‘yon. Sa likod na rin ako dumaan, nagpasundo kay Mang Isko. Hindi ko alam kung pumasok ba talaga si Keith at nasabi niya rin kay Bana ang kalagayan.
Ngunit nalaman ko nalang kay Bana na hindi pumasok si Keith nang pumasok ako kinabukasan. Base sa kaalaman ni Bana, hindi pa nga nasabi ni Keith sa kanya. Sa akin pa lamang.
Siguro intensyon niya talagang sa akin muna ipagsabi dahil kay Travis. I guessed that’s the main reason, huh, hindi dahil kaibigan niya ako.
Sa buong linggo na ‘yon, hindi pumasok si Keith. Sa itsura niyang iyon malayong kakayanin pa ng katawan niya ang pumasok sa school. She need to rest.
Sa pagdaan ng mga araw, wala akong ibang inisip kundi ang mga naging usapan namin ni Keith. Mahirap, sa totoo lang. Bakit kailangan pang mamili?
Nakita ko si Tita Lucy sa labas ng gate ng hapon na ‘yon, mukhang may hinihintay. Balak ko sanang diretsong umuwi at hindi na hintayin pa si Travis.
“I’m good with pineapple juice po. Katatapos ko lang po kumain sa school.” Sabi ko ng kunin niya ang order ko. Tumango naman siya.
“I’m sorry if I suddenly dragged you for a little talk, Candace.” sabi niya pagkatapos binigay ang menu sa waiter. Nagulat pa ako dahil ako talaga ang sadya niya sa paghihintay doon.
Dinala niya ako sa isang beanery rito sa Sentro, sa ibaba ng isang kilalang estraktura. Nakapagtataka iyon dahil sa ganitong magarang restaurant niya ako dinala. Can she just keep the money for Keith’s medicine? Ganoon ba siya kay daming pera para dalhin ako rito?
“Katagpo ni Mayor Sandoval si Gob. Escartin mamaya dito din kaya nauna na ako rito para kausapin ka sana, Candace.” nakita niya siguro ang pagtataka sa aking mukha dahil ganoon ang sinabi niya.
“Tungkol saan po, Tita?” tanong ko kahit na may ideya na ako kung tungkol saan. Wala naman ibang topic para pag-usapan namin ni Tita Lucy kundi kay Keith. Unless may iba siyang intensyon bukod doon.
“I know you love my daughter as I love her, Candace. Bilang isang ina at ama na rin sa kanya, gagawin ko ang makakaya ko para sa kanya.”
“Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, hija.” hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa.
“Please, Candace, ako na ang nagmamakaawa, let my daughter be happy. Give that to her. Alam kong masakit sa una pero ‘pag tumagal, mawawala rin ang sakit. Trust me… because I’d been there.” sabi niya.
“She’s all I have. Yet, I didn’t even see her genuine smile. Pero nung dumating siya galing eskwela isang araw, nakatatak pa iyon sa memorya ko ang maganda niyang ngiti at kataga niyang, ‘Mommy, I’m very happy’.” Pumatak ang ilang butil ng luha sa kanyang mata, at pinunasan iyon gamit ang panyo.
“You don’t know how happy I am to see that smile, Candace. Ngayon at may lubha siyang karamdaman, nakikiusap ako sa’yo, hija. Gusto kong ilagay ulit ang ngiting iyon sa labi ng anak ko.”
“T-tita,”
“Please, Candace.” this time, hindi na niya inabalang punasan ang mga luha niya.
May kung anong kumurot sa puso ko sa ganoong itsura niya.
“Kung h-hihiwalayan k-ko man po siya,” my voice’s cracked for my decision. “Paano po kayo nakakasigurong mabaling ang atensyon niya kay Keith ngayong hindi naman sila ganoon kalapit po sa isa’t-isa?”
May ngiting dumaan sa kanyang labi tila may anong naalala, “Oh, believe me, Candace, sa katunayan niyan pumupunta si Travis sa bahay noon para kay Keith. Palagi niyang ikini-kwento sa akin na kinakausap pa niya ito sa eskwela.”
Mas lalong naningkit ang mata ko doon, I didn’t know that part. Walang binanggit ng ganoon sa amin si Keith kahit isang detalye na nag-usap sila ni Travis… she never did.
Naiintindihan ko sa part ni Travis dahil hindi ko iyon natanong. Malay ko bang may ganoon closeness sa kanilang dalawa ni Keith. Ni hindi ko pa nakitang sinulyapan niya ng tingin si Keith tuwing kasama namin si Travis… kausapin pa kaya?
Pumasok ako sa aking kwarto, at binagsak ang sarili sa kama. Doon ko ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan noong kausap si Tita Lucy.
Ang sakit-sakit… Sana sa desisyon kong ito’y hindi ko pagsisihan sa huli.
Parehong rason ang palagi kong pinapadala kay Travis, huling kita ko sa kanya ng malapitan ay noong sa labas ng gate namin, sa kung saan nangyari ang first kiss ko.
Ako;
I can’t. I’m busy.
Nitong mga nakaraang araw pilit kong ginugol ang sarili sa pag-aaral kahit wala naman talaga pumapasok sa isip ko. I just want to make myself busy as what I’ve said.
Oo, umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako sumasabay sa kanya kumain tuwing lunch break. Hindi na ako naghihintay sa kanya… lahat-lahat ng may presensiya niya… umiiwas ako.
Travis;
Are you mad, Candace? Please, tell me, I can fix it.
No one can probably fix it! Damn it!
Patabog kong inilapag ang cellphone sa mesang inuokyupa. At gigil kong pinunit ng magkasunod ang laman ng notebook ko.
Don’t cry, Candace. Paalala ko sa aking sarili nang nagbabadya na...