YUNG DINALHAN KA NG NAPKIN NG CRUSH MO


YUNG DINALHAN KA NG NAPKIN NG CRUSH MO
***
Masakit at parang hihimatayin na ako sa kina-uupuan ko habang nakayakap sa aking sariling bewang…
Hindi ko rin magawa tumayo dahil sa takot na bigla itong bumulwak at wala pa akong dalang extrang napkin ngayon…
Akala ko kasi patapos na yung araw ko rito ‘kaya lang mas lalo palang lumakas at tumindi!
” Nalie, anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Kianna. Katabi sa upuan at kaibigan ko rin.
” M-meron k-kasi a-ako!” nahihirapan kong usal dahil mas dumadaing yung sakit sa tyan ko.
” Hala! Wala akong extra ‘eh!” natatarta nitong saad.
” Ayβ€””
” GUYS SINONG MAY NAPKIN SA INYO?” nagulat ako ng biglang itong sumigaw.
Anak ng!!!
” MERON KASI NGAYON SI NALIE AT KAILANGAN NIYA YUN!”
Nahihiya akong nagtaas ng ulo at pilit na ngumiti sa kanilang lahat…
” Tsk, meron ako!” at kasabay nun ‘eh itinaas ng kung sino ang isang balot ng napkin. Nang tumayo ito ‘eh hindi ko inaasahang si Mr. President/Crush ko ang may hawak nito…
Tangn*!
Inabot nito sa akin ang isang balot ng napkin...


at tinulungang makatayo. Tahimik naming binalagtas ang daan patungong CR…
At dahil rin sa sakit ng puson ko ‘eh hindi ko.nagawa makalandi pero may advantage rin naman kasi libre kobg nasisinghot ying pabango nito…
Nang makarating na kami sa CR ‘eh mabilis akong pumasok roon habang siya ‘eh naiwan sa labas para magbantay. Pagkalabas ko…
” Salamat nga pala…” nakangiti kong usal.
” Wala lang yun.” nakabusangot niyang paglingon sa akin.
” Bakit ka nga palang may dalang napkin? Para sa akin ‘yun noh? Ayieeeβ€”kenekeleg tuloy ako!” pambawi ko. Medyo ok na rin kasi ang pakiramdam ko.
” Assume ‘ang gaga! Sa akin talaga yun ‘noh! Hinihintay ko lang na dumalaw yung red days ko! Kalerki ka! Dapat bumili ka rin sayo ‘be thankful dahil may dala ako!” biglang lumabot ang boses nito at namewang pa sa akin.
Hinayupak?!
B-bakla siya?!!!
King-ina naman ‘oh!
Akala ko talaga ‘dinalhan niya ako at may pagtingin na siya sa akin ‘yun pala…
Mas babae pa ang gaga nyan!!!
Jusmeee!!!!
Kapalaran nga naman!!!
Parang mas lalong sumakit ang ulo ko’t puson ko dahil sa natuklasan ko!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top