pinakidnap Ako ni Crush?” Part 1


pinakidnap Ako ni Crush?”
Part 1
Naglalakad ako sa kalsada gabi narin medyo natatakot ako dahil napaka dilim may humintong kotse saking harapan Hindi ko inaasahan na bigla niya akong hilahin papasok sa kotse.
“Sino ka? Bitiwan mo’ ako kalbo!” Pagpupumiglas ko akma Sana akong sasampalin ng lalaki ng magsalita ang lalaking nagmamaneho.
“Wag daw natin siyang sasaktan sabi ni boss” aniya.
“Bitiwan nyo’ko ampapanget nyo Sino bang boss nyo hah!?” Matapang Kong tanong sakanila kahit natatakot na ako.
Sino ba Kasi Yung nagpakidnap sakin at sasapakin ko.
“Manahimik kanga!” Pagrereklamo ng lalaking kakagising Lang katabi ni kalbo.
“Ba’t ka natutulog? Diba pinakidnap nga ako ng boss niyo tas tutulog tulog kalang diyan” inirapan ko ito.


/> Huminto na ang kotse lalabas Sana ako ng hawakan ni kalbo Yung braso ko.
“Ano na naman?” Mataray Kong tanong sakanya.
“Tatakas ka eh!” Wika ni kalbo.
“Lalabas lang ako ang init Wala manlang aircon” pagrereklamo ko may kinuha si kalbo sa bulsa ng short niya.
“Ano Yan may baril ka noh tas papatayin mo ako?” Kinakabahan Kong ani Kay kalbo hinila niya ako palapit sakanya nilagyan nya ako ng panyo sa mata.
“Para San to?” Tanong ko.
“Basta manahimik kanga Ang daldal mo” reklamo nong lalaki.
“Siguro pangit boss niyo ayaw niyo ipakita sakin Kaya niyo tinakpan ang maganda Kong mata.” Saad ko na Hindi nauutal pagnakita ko talaga Ang boss nila tatadyakan ko siya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top