NINAKAW NA SANDALI CHAPTER 1


“Bella!!!”
Napaangat ng mukha si Bella nang marinig ang nakakabinging tawag sa kanya ng kanyang kaibigang si Chacha. Kasalukuyan siyang naglalakad papuntang palengke dahil napag-utosan siya nang kanyang Nanay Rosa na bumili ng feeds ng mga alaga nitong manok.
“Grabe ang bilis mong maglakad ha.Mapapaos ako sayo sa kakatawag sayo.”sambit ni Chacha nang maabotan siya nito
“Ano bang itinatawag mo sa akin ha? Kung Hindi rin lang-“Hindi natuloy ni Bella ang ilang sasabihin nang itapal ni Chacha sa kanya ang isang papel
“Ano ba yan.. mukha ba akong bulletin board.”reklamo niya sa kaibigan at Saka tiningnan ang hawak niyang papel Isa iyong maliit na poster na May nakalagay na SINGING CONTEST”Aanohin ko naman ito?”
“Ay Tanga ano pa ba ang ginagawa ng singing contest.Posible namang sasayaw ka.”pamimilosopo sa kanya ni Chacha
“Hay naku Chacha. Kung gusto mong Sumali diyan ikaw na lang. Dadamayin mo pa ako.”sabay talikod niya sa kaibigan Pero pinigilan siya nito
“Ano ka ba naman Bella. Tingnan mo nga ang prize kapag nanalo ka. 20,000 Kaya. Ano pang hinihintay mo sumali na tayo rito. Imposible namang di tayo manalo rito. Eh sa boses pa lang natin tiyak na maiinlabo lahat ng boys sa atin.”
“Puro ka biro diyan. Aber kung sumali...


naman ako diyan sa singing contest. Pasado Kaya ang mukha kong ito.”si Bella na agad ipinakita ang malaking pilat sa kanyang kaliwang pisngi
“Hay naku Bella. Boses ang mananaig sa singing contest Hindi mukha. Ito talaga laging minamaliit ang sarili..maganda ka naman ha. Hawig mo nga si Shanaira Ledezma.”
“Ay ewan.”agad nang tinalikuran ni Bella ang kaibigang sobrang kulit
Pero lihim siyang nangiti dahil Hindi niya inaasahan na lagi niyang naririnig ang pagkokompara sa kanya ng ilang mga nakakita sa kanya na para daw siyang si Shanaira Ledezma iyong sikat na singer sa industriya..Pero alam naman niyang imposible iyon. Mas hamak na maganda naman iyon sa kanya at siya ay hanggang kuko lang siguro niyon.
AKAla ni Bella ay hindi na susunod sa kanya si Chacha. NGunit nakabuntot pa rin ito sa kanya hanggang sa palengkean. Hindi na lang niya ito pinansin dahil nagmamadali siyang pumunta sa pwesto ni Mang Kantor na May mga tindang feeds sa mga manok at baboy.
“Mang Kantor pabili nga po na feeds na bio two. Tatlong kilo ho.” Anas niya sa matandang si Mang Kantor
“Lolo pinagtimpla ko na ho kayo ng paborito niyong tsokolate.”
Agad nabaling ang tingin ni Bella sa lalakeng lumapit Kay Mang Kantor.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top