DALAWANG reply ni Clark ang nakita ni Rhodel sa kanyang e-mail. Ang una ay sinabi nitong hinahanap pa rin siya ng ama at hindi pa rin nagkikibuan ang kanyang mga magulang. He sighed. It was definitely not good news for him. Pero ano ba ang inaasahan niya? Bumuntong-hininga uli siya at ibinaling ang atensiyon sa pangalawang e-mail. Clark was asking him where he was. Nabanggit kasi niya sa nakaraang e-mail na nasa Mindanao siya. And Clark’s response sounded like he was freaking out.
Immediately, he typed his reply.
📲 RHODEL :
No worries. I told you I’m perfectly safe. 😊
And then he hit the Send button. Ang bilis ng reply ni Clark na ikinatawa niya.
(Ano bang iniisip ng mokong na to? Na binihag ako ng mga rebelde?)
With a smile, he replied and told him he was staying at Cagayan de Oro.
📲 CLARK :
Where in CDO exactly?
📲 RHODEL :
Somewhere in Macasandig
Several seconds later, his best friend replied and told him he was relieved. Chuckling, he replied once more before logging out.
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕
NAKATITIG si Cris sa langit na punong-puno ng nagkikislapang mga bituin. Halos mag-aalas-diyes na ng gabi pero hindi pa siya inaantok. Nandoon lang siya sa bakuran at nakatingala sa langit. Narinig niyang bumukas ang front door at nalingunan si Rhodel na papalabas.
“Hey. Hindi ka pa natutulog?” tanong niya nang makalapit ito.
Umupo si Rhodel sa kanyang tabi at umisod siya upang bigyan ito ng espasyo. “Ikaw? Ba’t hindi ka pa natutulog?”
Marahan siyang ngumiti. “Hindi pa ako dinadalaw ng antok, eh.”
“You should be asleep by now, you know. May trabaho ka pa bukas.”
“Alam ko. Don’t worry, papasok na rin ako. Just give me five more minutes.”
Tango ang naging sagot ni Rhodel.
Muli siyang tumingala sa langit at mula sa sulok ng mga mata ay nakitang ganoon din ang ginawa ng binata. Ang mahinang pagdampi ng hangin sa kanyang pisngi ay nakakaantok.
“Hey, I have a confession to make,” pagbasag ni Cris sa katahimikan.
Nilingon ni Rhodel ang binata at tinignan nang deretso sa mga mata.
Ngumiti ang kanyang mga mata. “My real name si actually Merry Cris.”
“Merry Cris…..” ulit ni Rhodel na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.
Her name sounded soft and melodic as each syllable slid from his lips and that made her smile.
“Well, I have a confession, too. My real name is actually Mark Rhodel. But your name it’s the sweetest name I’ve ever known.”
Pinigilan ni Cris na matawa ngunit hindi siya nagtagumpay. “Shut up.” Mabuti na lang at medyo hindi nito nakikita ang kanyang mukha dahil sigurado siyang namumula ang mga pisngi niya.
Tumawa si Rhodel. “Totoo. Hindi ako nagbibiro, I swear.”
“Wag mo nga akong lokohin.” Hinampas niya ito sa balikat na lalo nitong ikinatawa.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
“I have another confession to make,” mayamaya ay sabi ni Rhodel. Sa pagkakataong iyon ay seryoso na ang mukha.
“Now don’t tell me, you’re an angel and your mission is to protect me,” biro ni Cris. Ngumiti ito at sa unang pagkakataon ay hindi iyon umabot sa mga mata. “Rhodel?”
Kinuha ni Rhodel ang kanyang kamay at pinisil. Hindi niya binawi ang kamay. Nakatingin lang siya sa side profile nito, hinihintay na muling magsalita. “Remember when I told you I ran away from home?” tanong nito.
Tumango siya habang hindi inaalis ang mga mata sa binata.
“It’s because…..my parents arranged for me to marry someone.”
Napasinghap si Cris. Base sa lungkot ng mga mata ni Rhodel, alam niyang hindi ito nagbibiro. Biglang uminit ang sulok ng kanyang mga mata. She threw her arms around him and blinked her tears away. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito. She felt stupid for feeling hurt. First of all, she was not his girlfriend. But still, she could not help herself.
“Hindi ako susunod sa gusto nila. I’m not going to be their puppet anymore,” mahinang sabi ni Rhodel.
Bahagya siyang lumayo sa binata upang tignan ito. “Paano kung pilitin ka pa rin nilang magpakasal? Paano kung itakwil ka nila kapag hindi mo sinunod ang gusto nila? Paano kung wala kang choice kundi ang sundin sila?”
Hindi na napigilan ni Cris ang pamumuo ng mga luha. Huli na para mag-iwas ng tingin dahil nakita na ni Rhodel ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngunit nagbaba pa rin siya ng tingin at pumatak na ang kanyang luha.
“Cris, are you crying?” Hinawakan nito ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha.
“Yes. At hindi ko alam kung bakit.” Kinagat niya ang ibabang labi at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi.
Tumawa nang marahan si Rhodel at ginagap ng dalawang kamay ang kanyang mukha. “You sound like my troubled girlfriend.”
Lumayo siya rito. “Yon nga ang problema, eh. Hindi mo ako girlfriend pero…..” Her voice trailed off. Hindi niya kayang tignan ito sa mga mata.
“Pero ano, Cris?”
“Pero nasasaktan ako,” mahinang pag-amin niya.
Namagitan ang katahimikan sa kanila. Naghintay siyang magsalita si Rhodel ngunit wala siyang narinig mula rito. Kinagat niyang muli ang ibabang labi at nagdesisyong pumasok na lang sa loob ng bahay. Pero bago pa man niya magawa iyon ay hinawakang muli ni Rhodel ang kanyang kamay. Lumingon siya, para lang makitang dinala nito sa mga labi ang kanyang kamay.
Pagkatapos ay hinagkan siya sa mga labi. Gumanti ng halik si Cris nang walang pag-aalinlangan. Habol nila ang hininga nang matapos ang halik. Pinaglapat ni Rhodel ang kanilang mga noo. Pumikit siya at ninamnam ang sandali.
“I don’t want to hurt you, Cris. That’s the last thing I want to do,” bulong nitong ginagap ng dalawang kamay ang kanyang mukha.
“Then don’t,” ganting-bulong niya. Dumilat siya at sinalubong ang tingin nito.
“Hindi ko maipapangako.”
Ngumiti siya. “Hindi mo kailangang mangako.”
Gumanti ng ngiti si Rhodel at muli siyang hinagkan sa mga labi.
💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞
TATLONG araw na ang lumipas at mas naging malapit sina Cris at Rhodel sa isa’t isa. It was like they were both in a relationship, but not really. Wala naman kasi sa kanila ang nagsasabi ng L word. It just happened. Hindi alam ni Cris kung saan iyon patungo. Hindi naman siya nagmamadali, eh. She will just let things happen naturally. She was sure Rhodel was doing...