SELLina CHAPTER 26


“Mom!!bakit ganun?bakit naroon parin si sellina???”nagdadabog si carmona habang palakad lakad sa sala ng kanilang bahay..i mean bahay ni sellina, inako lang nila.
“Pwede ba carmona,umupo ka riyan,ako ang nahihilo sa ginagawa mo eh!”
“Oo nga mom?akala ko ba lumayas na ang babaeng iyon?bakit nandon sya at kasama pa nya si demon my labssss!”naka dekwatro si carlita habang nakaupo tabi ng ina
Kararating lang nilang tatlo.mabilis kasi silang kumaripas pauwe ng magkaputokan, kanina sa charity ball na iyon..
Takot lang silang mamatay ng maaga..
“Bakit alam ko ba at saakin kayo nagtatanong?sana kung alam ko di sana ginawan na natin ng paraan habang maaga,pero hindi!ginulat nalamang tayo ng sellina nayan..”habang panay ang hithit ng segarilyo.ganito ang ginang kapag masyadong namumrublema sa isang bagay..
Tumayo ito at tinungo ang pinto..
“Kailangang may gawin tayo.hindi pweding buhay reyna ang babaeng iyon.samantalang tayo mauubos na ang pera na pinagbentahan sa kanya..!”
“Tama ka momy,kailangang may gawin,,
Eh!teka?anu naman ang gagawin natin?”
“Mag isip ka kaya carmona,hindi yong puro ka tanong?”
“Eh kung nag isip karin kaya biik?hindi puro ka oink!oink!dyan!”
“Gusto mo talaga ng away huh??”tumayo ito at mabilis na hinablot ang buhok ng ate..
“Araaay!bitawan mo ko anu ba carlita masakiiiit!!”
“Hindi kayo titigil na dalawa, hu??”
“Momy help si carlita ooh,baka maubos ang buhok ko momyyyyy!”hiyaw nito
Kaya dahil sa galit sa dalawa kinuha nito ang walis na nasa tabi ng dustfan at..
“Blag!”
“Blag!”
“Blag!”
“Momy anu ba!si carlita ang hampasin mo bat pati ako nadamay..”
“Tumigil na kayo kung ayaw nyong tuhugin ko yang mga ngala-ngala ninyong magkapatid!imbis na mag isip kayo kung paano natin mapapalayas ang babaeng yun sa mansyon ni Demon Mcgregor,
Ito,at nagsasabunotan kayo….
Bwes*t!!!”…padabog na tumalikod ang ina, kaya naiwang nakahandusay ang dalawa sa sahig…
“Papa!!!bakit ganun?napahiya ako ng subra!”habang panay ang iyak..kararating lamang nila sa mansyon ng gabeng iyon..hindi na natapos pa ang charity ball dahil sa mga taong nanggulo roon..
“Sinabe kona sayo noon Mira!pero hindi ka nakinig,sinabe kong wag mong gawin ngunit hindi ka nakinig,ang sabi mo ikaw ang bahala?
Ooh?may nangyari ba huh?anak??napahiya kalang at nagmukha kang kaawa awa sa tingin ng ibang tao..nakakahiya sa pangalan natin..
“Pa!wag mona akong sermunan,bat ba kasi dumating pa ang sellina nayan,hayop talaga ang babae nayon!makakagante rin ako sakanya!…”nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kawalan…
“Anak,calmdown okay!!”
“Pa,paano ako kakalma kong ganito ang kinalabasan ng isang buwan kong pagpaplano?bumili pa ako ng singsing upang maging makatutuhanan ang lahat..pero wala!nasira dahil sa malandi,mang aagaw at gold digger na babaeng iyon..
“Sherly!!!!anu ba???? nasaan na ang juice kong katulong ka,kanina pa bwes*t kaaaa!!!*sigaw nito sa kasambahay na inutusan nito,upang ipagtimpla sya ng juice..
“Anak!wag mong ibaling sa kasambahay ang galit mo!”kalma parin ang ama kahit na ang totoo gusto na nitong pagalitan ang anak..
“Maam ito na po,patawad po may inayos lang po ako…”nanginginig ito habang inaabot ang baso sa babae..
“Kapag sinabi kong ipagtimpla mo ako ng juice,gawin mo agad,bago ka gumawa ng bagooooo!
ngayon …ikaw ang uminum nyan ooooh sige inumin mo!!! .
Sige pa!!”pilit nyang itinaas ang panga ng kawawang katulong at ipinalaklak ang juice..
“Mira!!!!!itigil mona yan!!!”malakas na boses ng dad nito dahil ngayon lamang nya nakita kung paano ipahiya ng babae ang katulong..
Natigil ito at ibinato nya ang baso sa babae..
“Alis!baka hindi ako makapag timpi at masakal kita..mga bwes*t!!!!”
“O-o-po maam!”mangiyak ngiyak ang kawawang babae,
“Matutulog na ako pa!”at padabog itong umakyat ng hagdan..naiwan namang mag isa ang ginuo sa sala..habang may iniisip
“Almera!imposeble kayang sya ang nawawalang kakambal ni Mira??”
Ganun ang tumatakbo sa isip ng lalaki habang tinatanaw ang nangyari 22years ago..
FLASHBACK…
“Sige na umalis na kayo ..
“Sofia mahal hindi kita pwedeng iwanan dito…”nasa isang kotse sila sa kalsada malapit sa dalampasigan..may humahabol na mga tao sa pamilyang ito..
kalaban nila sa negosyo..
Nais silang ipapatay ng taong iyon..
Ngunit ng tumatakbo ang kotse ay nabangga sila sa isamg SUV..naghihingalo ang asawa nitong babae..
Habang sya at ang kambal nilang anak na si Almera at Mira ay panay lamang ang iyak.isang taong gulang palamang ang kambal..
“Mahal tayo na!!,please….
“Hindi kona kaya,iligtas mo ang mga anak natin,tandaan mo mahal na mahal ko kayo..
Aliiiissssss na!!!!”hiyaw nito,pinipilit ng babaeng lakasan ang boses kahit nanghihina na sya at ilang sandali nalang at mawawalan na sya ng ulirat..
“Inreco,mahal na mahal kita!”huling salitang binitawan ng asawa at agad itong napikit..
Ibig sabihin lamang niyon ay patay na ito..
“Sofiaaaaaaaa maaahal!!”sigaw ng lalaki habang kalong kalong ang dalawang anghel sakanyang mga bisig..
Rinig nya ang paparating na mga sasakyan kaya nais nyang tulongan ang asawa,ngunit hindi na maari..
Tumakbo ito..habang may mga batang buhat buhat..
“Sooofiaaaa patawarin mo ako!”tumutulo ang masaganang mga luha sa kanyang mga mata habang tinatahak ang masukal na parte ng kagubatang iyon..hindi nya alam kong saan iyon patungo.ang alam lamang nya ay dapat nyang mailigtas ang mga anak sa mga taong humahabol sakanila..
“Hanapin nyo!!bilis!”rinig nya ang boses ng mga kalalakihan mukhang malapit na silang abutan..
At wala na syang maibibilis pa dahil pagud na pagud na ito ..
Napakahirap ng kalagayan nya ng mga sandaling iyon dahil sa dalawang nakangiteng mga anak..
“Sandali lang mga anak.sandaling pagtitiis makakatakas tayo rito?” Nakarating ito sa isang malawak na farm..at may mga iilang naroon..
“Tulong!!tulong maawa na kayo!”pagmamakaawa nya habang hingal na hingal at pagod na pagod,
narinig iyon ng isang lalaki kaya mabilis itong pumanhik..
“Ginuo,anung nangyari sayo!”
“Tulongan mo kami,may humahabol sa amin at malapit na nila kaming maabutan..”kita ang hirap sa mukha ng lalaki
“Sige pumasok ka muna sa kubong naroon sa unahan,tiyak hindi sila mag aatubiling pumunta roon dahil kubo iyon ng mga baka!”
“Maraming salamat hu,”
“Sige na bilisan ninyo!”matanda iyon at nasa 69-70na ang edad..uugod ugod na ito dahil nakukuba na ang likod dahil siguro sa kakapiko sa kanyang taniman..
Sinunod naman ni enrico ang sinabi ng matanda…
Nakita nga nitong nadaan...


lang ang mga armadong kalalakihan,
Nakasilip kasi sya sa maliit na siwang ng kubo.
tumigil pa sila saglit ..
ngunit nakita ng lalaki na umiling iling ang matanda..siguro tinatanong ng mga taong iyon kung may dumaan bang mag aama sa lugar..
Gayon na lamang ang pasasalamat nya ng mapagtantong wala na ang mga lalaki..
“Manung maraming salamat po!”lumabas sila ng kubo
“Ayos lang!sino ba ang mga humahabol sa inyo?”
“Mga masasamang tao po na ayaw malamangan sa yaman!”
“Ganun ba,napakakaganda ng mga anak mo iho!”
“Salamat po!ngumite ang batang si almera at pilit na inaabot ang mukha ng matanda,
“Napakaganda mo anak,ingatan mo sila dahil sila ang magbibigay ng kasiyahan sayo.at tingnan mo may balat ang palad ng kamay ng isa sa kambal mo!yayaman ito ng higit sa iba iho!”si almira ang tinutukoy nito..ngayon ngalang din nya napansing may hugis piso sa palad nito..bilog iyon na kasing laki ng piso..
“Samat po manung!”
Nagpaalam na ito sa matanda pagkatapos humingi ng tubig,itinuro ng lalaki kung saan ang tamang daan..kaya tinahak nila iyon at narating ng mag aama ang highway..
Bawat daan ng mga sasakyan ay panay ang para nito ngunit walang nais magpasakay..
Maya-maya, may nakita itong pick up na nasa tabi..ng kalsada,
Lumapit sya habang kalong ang dalawa sa magkabilang braso,
Tiningnan nya muna ang pick up!
Malinis ang bandang likoran,kaya ipinatong nya ang dalawa doon..
Makikitang walang tao kaya pwede silang maupo kahit saglit…
May 10minutes din sila doon..
Ngunit umiyak si Mira kaya kinuha nya ito at hinile upang makatulog ngunit hindi nya napansin na pumasok ang driver sa pick up at mabilis na pinaandar iyon..
Huli na ng makita ni Enrico
Dahil nakaandar at nakaalis na ito..
“Balik!!balik!ang anak ko nariyan bumalik ka!!”
hiyaw nito ngunit hindi ito tumigil at naglaho na iyon.walang plate number kaya di nya alam kong paano hahanapin ang anak..nanlumo at naupo sa lupa ang lalaki habang dumadaloy ang masaganang luha sakanyang mga mata, .
Anu nalang ang gagawin nya?paano na ang pangako nyang aalagaan ang kambal….
END OF FLASHBACK..
nagpunas ito ng luha,
dahil sa naalala kaya hindi nya maiwasang mapaluha..
kamukhang kamukha ni sofia ang anak nila na si Almira…
Hindi sya mapalagay dahil ang nakita nyang dalaga kanina ay kamukha ng yumao nyang mahal na asawa..
Oo pinahanap nya,kahit hanggang ngayon ay pinahahanap parin nya ngunit wala silang makitang babaeng may balat na katulad sa anak nya…
“Itigil mo ang sasakyan kung ayaw mong sumabog ang bungo mo!”bulong ni Sellina habang nasa likod ng driver ng van na iyon..
Si alejandro ang lalaking nagddrive..
“Aba!!matapang ka bagay na bagay ka sakin,ha ha ha?”halakhak nito..
‘hindi ako nagbibiro,kung sino kaman itigil mo ito..!”bulyaw nya..
Pero mukhang walang balak na tumigil ang lalaki,mas binilisan pa nito ang pagdadrive na ikinatakot naman ni sellina..
“Dahan dahan baka mabangga tayoooooo!”hiyaw nito dahil sa takot..
“Sh*t!!”
“Sh*t!!”
Kinabig ni alejandro ang manibela pakanan..
Ngunit kinapos ito…
at babangga na sila sa poste ng ilaw…
“Blaaaaag!!”
Tunog ng van na bumunggo sa kung anu…
Ilang sandali pa ang nakalipas,napipikit parin si sellina..kinakapa nito kung buhay paba sya….
Dahan-dahan nyang iminulat ang mata…
At ng mapagtantong kumpleto pa at wala syang sugat!
Marahan syang gumalaw..
At nakita nya ang lalaking driver na nakasubsub ang ulo sa manibela
“Hoy?”
“Hoy?gising!”mahina nyang tawag ngunit hindi ito gumagalaw..
Tatapikin sana nyang muli ng biglang bumukas ang pinto ng van at iniluwa niyon si drake…
“Maam!ayos kalang po ba?”
“Drake?okay lang ako,nasaan si Demon??”
“Naroon pa sa kotse na binangga ng van..,iniharang nya ang sasakyan upang hindi mapuruhan ang sinasakyan ninyo..”ng marinig iyon ni sellina mabilis itong lumabas ng sasakyan at tinungo ang sinasabing kotse …
Wasak ang gilid na bahagi niyon..
Kinakabahan na ito kaya,tinakbo nito ang driverseat ng sasakyan….
“Demon???”
Hindi ito sumasagot..
Kaya muli nyang tinawag..
“Demon????ngunit ng hawakan nya ito upang sana ay tapikin…
Nahulog itong bigla sa upuan at may dumadaloy na kung anu sa nuo nito kaya mabilis na binuksan ni sellina ang pinto ng kotse at ..
“Demon!!!!!”napasigaw ito dahil nahandusay na ang binata sa sahig niyong kotse..
“Drake!drake!tulongan mo ako bilisssss….”tumutulo na ang masaganang luha ni sellina dahil sa dugong nakakapit sakanya, nakapa nya iyon..
At mula ito sa nuo ng asawa…
Lumabas si sellina upang makapasok ang binata..
Binuhat ito ni drake upang ilipat sa kabilang kotse..
Habang nakasunod si sellina na panay ang tulo ng masagang luha..
“Honey!please wag mo akong iiwan ha?please lumaban ka!”
Ng maipasok sa kotse..agad ng pinaandar ni drake ang kotse..
Nasa likod si sellina habang nasa kandungan nya ang naghihingalong asawa…
May malaking sugat ito sa nuo at doon lumalabas ang masaganang dugo..
Kaya para mapigilan,
pinunit nya ang laylayan ng kanyang gown at ito ang ipinang tali doon…
“Honey!please stay!,wag mo akong iiwan huh!”habang sinasabi iyon ay panay ang tulo ng luha nito ..
Halos lumipad narin ang kotse na minamaniho ni drake..
Walang sandaling hindi nya ito kinakausap…
Ng bigla iminulat ng lalaki ang kanyang mga mata….
Nangingite pa ito kahit naghihingalo na,
“Im happy that your okay honey!”ngiseng saad nito
“Wag ka ng magsalita ha?malapit na tayo..wag mo akong iiwan ha?naiintindihan mo?”
“Say that you love me please para di ako matulog!”nakangise parin ito kahit halatang hirap na hirap na sa kalagayan
“Anu ba,mamatay kana’t lahat iyan parin ang nasa isip mo?”
“Please??
Sandaling namayani ang katahimikan..
“Uuh!uuh!”umubo sya,at lumabas ang masaganang dugo sa bibig nito..
“Honeeeeyyyyyy!sigaw ni sellina habang pinupunasan ang dugong bumulwak mula sa bibig nito..
“I love you please stay!wag mo akong iiwan huh?habang walang humpay ang agos ng kanyang mga luha….
Si Demon ang nagpa ubaya upang hindi mapuruhan ang sasakyan na sinasakyan ni sellina,binangga nya iyon upang hindi tuloyang dumiritso sa poste ng ilaw..habang iniisip nya ang nangyari,hindi nya maiwasang mapahagulgol .habang nakatitig sa asawang naghihingalo ng mga uras na iyon❀️
TO BE CONTINUE….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top