Amara the dreamer Chapter 8


“ Wag na wag mong kalimutan na isa ka lang katulong rito. Hindi ang kagaya mo ang magugustuhan ni Edward.” Pang maliit ni Sheila sa kanya.
Sasagutin sana niya ang nang galaiti si Sheila ngunit dumating ang among si Consita.
” Ano ang nangyayari dito?” tanong nito nang makalapit ito sa kanila.
” Gusto ko lang sana siyang tulungan sa paghuhugas tita, pero nagagalit siya sinisigawan niya ako.” agad na pagsinungaling ni Sheila na nakayuko.
Napakunot-noo siya sa sinabi ni Sheila” hindi naman kita sinisigawan” Napatingin siya sa ginang. Namutla siya nang makita ang galit na reaction sa mukha nang amo.
” Bakit mo iyon ginagawa Amara? Bakit ka naninigaw? Wag mung kalimutan na girlfriend ito ng sir Edward mo” Galit na sabi nang ginang sa kanya.
” Hindi ko ho siya sinisigawan ma’am.” Paliwanag niya dito. “ Alam mo ang totoo Sheila” baling niya rito
“Nagagalit ka nang sabihin ko sayo tulungan kita. Ang sabi mo wag na akong tumulong dahil nagpapapel lang ako dito” pinanindigan ni Sheila ang pagsisinungaling.
” Wag na wag muna yan uulitin Amara. Hindi magandang pagsasabihan mo ang nobya nang amo mo nang ganyan.
Siya na nga ang nag magandang loob na tulungan ka ikaw pa ang may ganang magalit” Inis nitong sabi sa kanya at inakbayan si Sheila palabas ng kusina.
napatulala siya sa ipinapakita pag uugali ni Sheila” napaka sinungaling na babae.” Inis niyang sabi sa sarili.
Nasaktan siya nang kampihan pa ito nang ginang” ano ang laban ko? tulad nang sabi ni Sheila katulong lang ako rito” anas niya na muling binaling ang attention sa hugasin na naudlot kanina nang lapitan siya ni Sheila.
KATATAPOS lang ni Edward maligo lumabas siya sa kanyang silid para lapitan ang ibang bisita maagang dumating lalo na ang kanilang kamag-anak.
” Happy birthday pinsan” bati nang mga ito nang makalapit siya.
‘ Salamat. Nakita mo ba si mommy?” tanong niya sa pinsan niya
” Nasa swing si tita kasama si Sheila at si mama” tugon nang isa pa niyang pinsan.
tinungo niya ang kusina. Mula sa naka awang na pinto natanaw niya si Amara nakatalikod busy ito sa paghahanda nang mga wine glass at kung ano ano pang mga utinsels. Mag isa lang ito roon.
” Ayos kalang ba?” malambing niyang tanong rito nang lapitan niya.
“Oo, ayos lang medyo marami rami ang mga bisita mo ngayon kaysa noong nakaraan taon” anito sa kanya.
” Oo nga eh. Amara gusto kitang yakapin at pugpugin nang halik” saka pilyo siyang ngumiti rito.
” Bumalik kana doon baka hanapin kana ni Sheila.” Taboy nito sa kanya
Ngaling-ngali niya itong yakapin pero nagpigil siya baka may makakita pa sa kanila malalagot pa ang dalaga sa ina.
” Nasaan ang birthday boy!?” Malakas na boses ni Steve ang narinig niya mula sa kusina.
” Ayan na ang mga kaibigan mo puntahan muna.” sabi nito sa kanya
Lumabas na siya para puntahan ang mga kaibigan.
” Edward, happy birthday pare!” nakangiting bati ni fernand at Steve nang makita siyang lumabas mula sa kusina.
” Salamat” inakbayan siya ni Steve.
” Nagustuhan mo ba ang regalo namin sa iyo ka gabi?” sinabayan nito iyon nang pilyo ngiti.
” Gustong gusto” natatawa sagot niya.
” Ano naka score ka?” sabad ni Fernand.
” Mga luko kayo tigilan na nga natin iyan” saway niya sa dalawa.
Iginiya niya ang mga kaibigan papunta sa buffet. Para hindi nito mapag usapan ang nangyari ka gabi.
NASA KUSINA lang si Amara, naka masid kina Edward masayang nag uusap katabi nito nang upo si Sheila at ang mga magulang nang babae kasama na ang ina ni Edward.
Kumikirot ang puso niya,sa isipin na girlfriend siya ng binata pero hindi siya kasama sa pag celebrate ng mahalagang araw nito.” wag kana mag illusion tama na ang naging nobyo mo siya. Kuntento kana lang don” aniya sa sarili. ” hirap kasi maging mahirap” hiyaw nang bahaging isipan niya.
Nagtama ang mata nila ni Edward ng tumingin ito sa gawi niya. Nginitian niya ito. Hindi ito makalapit sa kanya dahil andiyan si Sheila naka bantay rito.
MAGHAHATING gabi na siya nakaalis sa bahay nang amo. Matagal siyang natapos sa kanyang trabaho dahil sa matagal umuwi ang ibang bisita. Nakaramdam na siya nang antok habang naglalakad.
” Amara!” Tawag sa kanya ni Edward naka sakay sasakyan nito.
” Halika sakay kana ihahatid na kita sa inyo.”
Hindi na siya tumanggi sumakay na siya at umupo sa tabi nang driver seat.
Agad siyang pinupog...


nito nang halik nang maka upo siya sa tabi nito.” Na miss kita Amara. Pasensiya kana hindi pa ako naka hanap nang pagkakataon para sabihin kay mommy ang tungkol sa atin.'” Paliwanag nito sa kanya.
” Wag mo nalang muna sasabihin.” Sabi niya dito. Naunahan na siya nang takot. Sa pinapakita nang ginang kanina nawalan na siya nang pag-asa na matanggap siya nito.
” Amara mahal na mahal kita.” Mahina sabi ni Edward habang hinalik halikan siya nito.
” Ihatid muna ako sa amin, nag alala na ang nanay ko ngayon, kagabi pa ako hindi umuuwi.” Agad naman pinaandar nang binata ang saksakyan para ihatid siya sa kanila.
” Paano, baba na ako?” nakangiti niyang sabi rito ng makarating sila sa bahay nila.
” Amara, may binalot akong pagkain para sa nanay at kapatid mo.” inabot ni Edward ng plastic sa kanya.
“Nakakahiya naman nito Edward nag abala kapa.” sabi niya nang makababa siya sasakyan
” Para sa kanila yan, wag kana mahiya”
” Salamat, happy birthday ulit” tumalikod na siya para pumasok sa kanila.
“ Amara” tawag nito sa kanya.
“Bakit?” nakangiti niyang tanong
” halika muna”
lumapit siya at umikot sasakyan papunta sa driver seat “ pahalik muna ulit” paglalambing nito
natatawa siyang pinagbigyan ito” sige na umuwi kana para makatulog narin ako antok na antok na talaga ako” saad niya matapos itong halikan sa labi.
” I love you” sabi nito. Tumalikod na siya gusto na niya talaga magpahinga.
” Amara, ginabi ka ata nang uwi ngayon? bungad sa kanya nang ina nang makapasok siya sa loob.
“ sino yong nag hatid sa iyo?”
” Ang amo ko ho yon nay nag magandang loob na ihatid ako.”
” Bakit hindi ka naka uwi ka gabi?” Takang tanong nito sa kanya.
” Pasensiya na nay, birthday kasi ng amo ko ngayon, hindi ako pinauwi ni ma’am Consita dahil sa nag de-decorate pa ho kami.” pagsingunaling niya rito.
” Nay, may dala pala akong pagkain para sa inyo. Sigurado akong magugustohan ito ni Junjun.” inabot niya ang bitbit na plastic sa ina.
” Kanina pa tulog ang kapatid mo.”
” Kumusta na pala si Junjun Nay?” maypag alala sa boses niya na nagtatanong.
” Nilalagnat na naman kanina. Hindi kuna alam ano ang gagawin ko sa kapatid mo Amara, pabalikbalik nalang ang lagnat”
Kinuha niya ang pera mula sa bulsa niya ” Nay, may pera po ako dito. Sampung libo po ito nay, dalhin niyo na si Junjun sa doctor, para malaman natin kung ano ang sakit niya.”
” Aba anak, ang laki ng sampong libo saan kaba kumukuha niyan?” hindi maka paniwala tanong nang ina.
” Nay nag advance po ako kanina kay ma’am kaya may pera po ako.” sabi niya nalang dito. Ayaw niyang sabihin na kita niya ito sa pagsasayaw dahil hindi nito magugustuhan iyon. Ayaw na niyang dumagdag pa sa isipin nang ina. Masyado na itong nagalala sa kapatid kaya ayaw na niyang isali ang sarili sa alalahanin pa nito.
” Nay, matutulog na ho ako, maaga pa ako bukas. ” hindi na niya inantay sumagot ang ina tinungo na niya ang maliit niyang kwarto.
Naka higa na siya nang sumagi sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Edward ka gabi.
Ang mga halik at kung paano siya nito angkinin. Hindi ma alis alis ang kanyang mga ngiti namutawi sa kanyang mga labi hanggang sa makatulogan na niya.
” ANO BA, baka makita tayo ng mommy mo.” Saway niya kay Edward nang salubingin siya nito nangyakap nang makita siyang papasok sa pintuan.
” Maaga umalis si mommy hinatid niya ang mga pinsan niya” binuhat siya nito papunta sa kwarto.
” Hoy, ano ba ibaba mo ako.” Maktol niya pero, tila hindi siya nito narinig.
” Natagalan ka nang pasok ngayon kanina pa ako nag aantay sayo” sabi nitong nagtutuloy sa pagakyat nang hagdanan.
” Matagal kasi akong nagising. Napasarap ang tulog ko kagabi” tugon niya rito.
Binuksan niya ang pintuan ang silid nito nang matapat sila. Nilapag siya nito sa kama nang tuluyan makapasok.
“ Namimis na kita kahapon pa kita gustong makasama” malambing nitong sabi at masuyo siya nitong hinahalikan.
“Kumain kana ba?” malambing niyang tanong rito habang hinalik-halikan siya nito sa leeg.
“ Mamaya na sabay na tayong kumain” tugon nito saka pilyo itong ngumiti.
Naging kuntento na si Amara sa kanilang patagong relation. “ Darating din ang araw magkaroon ako nang tapang sa sarili kung harapin ang galit ni ma’am sa akin”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top