HEARTBREAKER OF TOWN —Chapter 2—


This girl is getting into ny nerves, Masayado siyang pabida at kung anong sinabi niya ay para bang dapat sundin ko yun. Sa halos ilang buwan na magkaklase kami ay naging malapit kami sa isa’t isa, hindi ko alam kong dahil ba siya lang ang babaeng hindi tumitili kapag nakikita ako kaya mas hindi ako naririndi sa presensya niya.
“Xy! Paka copy naman nung question sa assignment natin!” bigla akong lumingon sa likod ko dahil narinig kong may kumausap kay xyrine.
“ah? O-oh segi ito oh…” sabay lahad ni xy sa notebok niya at nagsalubong ang kilay ko dahil dun.
‘bat siya nauutal? Don’t tell me….’
“hoy Xy! pakopya ng answer sa assignment natin..” Biglang singit ko sa kanila at pinandilatan lang ako ni xy sabay sipa sa upuan ko.
Nakaramdam ako ng inis dahil dun, bakit kung sa iba ay andali niyang pumayag? Samatalang saakin e, Sakit muna tas hindi pa pumapayag.
Dahil sa ugali niyang iyun at diko akalaing magugustuhan ko siya. Diko napapansin na nahuhulog na pala ako. Kapag binabati niya ko ay natutulala ako, pag tinitingnan niya ko ay parang naiilang nako. Nung mapansin niya ang ugali kong yun at tinanong niya ko kung ano problema, ngunit nanatili ako tahimik.
“Xyrine Sanchez.” napatingin ako...


sa likod ko sahil kanina pa late si xy! Di naman siya ganto.
“Ms. Sanchez?” ulit ng teacher namin kaya nag angat ako ng kamay.
“Ma’am present siya, late lang.” nagtawanan yung classmates namin pero binaliwa ko yun, mas nakakaramdam ako ng kaba dahil hindi pa dumadating si xy.
* * *
Napatingin ako sa paligid at lahat ay napaka elegante, halos punuin na nila ng alahas ang katawan nila. Ngunit nanatili lamang akong nakikipagtawanan sa babaeng nagpakilala sakin kanina. Kasalukuyan akong nasa isang party ng kaibigan ni mama, ayoko sanang pumunta ngunit pinipilit ako ni mama.
biglang dumilim ang paligid at tumutok sa isang tao ang spot light, nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang taong yun.
X-xyrine?
“ladies and gentlemen! Let me introduce to you my precious niece! My sister’s daughter, Xyrine Sanchez.” nagpalakpakan ang mga tao at nakita kong ngumiti si xyrine.
Diko akaling magtatagpo ang mata namin, kala ko ay maiilang siya at matatakot dahil dun, ngunit nginitian niya lang ako, ang ngiting para bang ngayun lang kami nagkita.
Ako ang nag iwas ng ngiti dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya at parang namumuo ang galit sa dibdib ko.
‘Paano mo nagagawa yan? Kung ngumiti ka ay parang di moko sinaktan…’






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top