ONESHOTSTORY— CAMERA—SCANDAL


ONESHOTSTORY—MAIKLING KWENTO
CAMERA—SCANDAL
Author: yrstrly

“Niño, bumaba ka nga dito sandali!” Sigaw ni mama sa baba.
Inis akong napakamot ng ulo, “Bakit ho?!” Sigaw kong pabalik sa kan’ya
Si mama naman kase e’! Tamo na busy ako sa pageedit ng video, istorbo!
“Basta bumaba ka na lang dito! Dalian mo!” Mama
Pabalang akong tumayo sa upuan ko at inis na pumunta sa sala. Naabutan ko dun si mama na may hawak na isang kahon.
“‘Yan na ba yung padala ni ate?!” mahihimigan sa boses ko ang tuwa. Dali dali akong lumapit kay mama.
“Oh! Yan na yung camerang regalo sayo ng ate mo” mama.
YES! Sa wakas nabili na din ni ate yung gusto kong camera. Magagamit namin toh sa mga videos namin ng mga tropa ko.
“Oh san ka pupunta?” Pigil sakin ni mama nung aakmang tatakbo ako papuntang kwarto.
“Ipapakita ko kila Tony, sa barkada ko” excited na sabi ko pa saka tinuloy ang pagtakbo pataas.
“Wag mong kalimutan magpasalamat sa ate mo hah! Kumustahin mo sya wag puro hinge ng mga luho mo!” pahabol na sigaw ni mama.
Nasa Dubai kasi si Ate ,nagtatrabaho. Lagi nyang sinusunod at binibili lahat ng gusto ko dahil ako lang naman ang nagiisa nyang kapatid. Matagal ko nang hinihingi sa kan’ya itong camera at sa wakas nabili nya na.
Naipakita ko nga kila Tony yung bagong regalo sakin ni Ate. Sinabihan nila ako na mamayang gabi meron kaming meet up para sa bagong video na gagawin namin. Gagamitin namin yung camera ko kaya um-oo ako.
Matagal ang naging biyahe namin, kinagabihan. Ni wala akong ideya kung saan ba kami pupunta. Para akong kinakabahan na ewan pero pinagsawalang bahala ko lang iyon.
Ilang saglit pa tumigil ang sasakyan. Nagtataka akong tumingin kila Tony, bakit kami nandito? Takang tanong ko sa sarili.
“Sandale, bakit dito? Akala ko ba gagawa tayo ng video?” Sabi ko sa kanila.
“Kaya nga!” Eros tas inakbayan ako. “Nakakaumay na kasi mga mukha natin, kaya iibahin natin” nakangising sabi nya tas nakipag apiran pa kay Tony.
Nandito kasi kami ngayon sa likod ng isang girl dormitories.
“Dalian mo! Asan na yung camera niño” pigil na sigaw sakin ni Eros.
Nagaalinlangan man pero binigay ko ang camera.
Matagumpay kaming nakapasok sa likod ng building kasi gabi na.
Nakasilip sila Eros at Tony sa isa sa mga bintana ng kwarto. Bakas sa mga mukha nila ang pagkasabik habang sumisilip. Kinuha na ni Eros ang camera ko, sa tingin ko meron na syang babaeng vinivideohan.
“U-uy tama na yan..” saway ko sa kanilang dalawa.
“Ssh….naghuhubad na s’ya..” bulong na ani ni Tony na halatang sabik na sabik sa ginagawa
“Sige, hawakan mo babyyy ugh” ngayon si Eros naman ang nagsalita sa mahinang tono. Halatang natutuwa din sya sa pag vivideo sa babae sa loob.
“Pota! Tinigasan ako pare..” si Eros habang naglalakad na kami papasok sa sasakyan.
Nagkukuwentuhan sila ni Tony sa ginawa nilang kagaguhan kanina.
Naaawa ako dun sa babae.Sheyt.
Hinatid nila ako sa bahay pero nung sandaling kukunin ko na ang camera ko kay Tony, iniwas nya iyon.
“Sa akin na muna tong camera...


mo…kami na mageedit ni Eros”
Tumango naman yung isa “oo babalik namin bukas” ngiting nakakauyam na aniya.
Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko nagawa nung tawagin ako ni mama.
“Idelete nyo yung video, wag nyong iuupload” sabi ko.
“Oo! Kami na bahala..” Tony, tas umalis na sila.
Lumipas ang isang linggo at hindi pa din naibabalik sakin nila Eros yung camera.
Isang araw, nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa kusina.
Bumaba ako at nakita ko dun si mama na umiiyak.
“Ma, napano ka?”
“U-uuwi na daw ate mo..” sabi ni mama habang umiiyak.
“Talaga?! Kailan daw?!” Masayang tanong ko at tumalon talon pa
Sasagot pa sana si mama pero meron nang nauna sa likod ko
“M-ma…b-bunso…” SI ATE!
“ATE VIA!” Sabay yakap ko sa kan’ya. “Kala ko next year ka pa uuwi?”
“N-namis ko na kasi kayo eh. N-namimiss na kita bunso..” ate.
Nagbonding kami ni ate kasama si mama sa bahay. Pansin ko ang pagiging matamlay nya.
“P-pagod na ako b-bunso, pahinga na ako sa kwarto ah. Mahal na mahal ka ni ate” tapos hinalikan nya ako sa noo bago ako iniwan sa sala.
Kinabukasan, nagising na naman ako dahil sa isang ingay. Dahil sa sigaw ni mama
“V-VIAAAA!!”
Dahil sa sigaw na yun dali-dali kong syang pinuntahan at dun nakita ko sya sa tapat ng kwarto ni ate, umiiyak at sumisigaw.
“Ma anong nangy—ate? ATE?! SHET!” gulat kong sabi habang nanginginig sa takot
Si ate nakabitin sa lubid.
At hindi na humihinga.
“ATE! PLEASE GUMISING KA!” sigaw ko nung maibaba ko sya sa sahig. Pero kahit anong sigaw ko di nya na ako naririnig.
Sinubukan pa namin syang dalhin sa ospital pero huli na ang lahat. Wala na sya. Patay na si ate Via.
Binurol namin si ate. Dumalaw sila Tony at Eros sa bahay. Tiningnin nila yung kabaong ng ate ko
Pansin ko ang gulat sa kanilang mukha matapos nun, dahilan para mahulog ang camera na hawak ni Eros
Yung camera ko.
Kinuha ko iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sinaksak ng libo libong kutsilyo nung makita ko ang laman ng camera
Puta. Yung babae vinideohan nila Eros nung isang gabi ay walang iba kundi si ate.
“N-niño..h-hindi namin alam..” tony.
Halos nawalan ako ng hininga at hindi makapaniwala
“I-inupload namin yung video…kumalat at nagviral. H-hindi kami marunong magedit kaya hindi namin natakpan yung mukha…” Eros
Puta ngayon alam ko na ang dahilan kumbakit nagpakamatay ang ate ko. Dahil iyon sa viral video.
Dahan dahan akong lumapit sa kabaong ni ate, sheyt hinang hina ako.
Sabi nya nasa dubai sya, pero hindi…nagsinungaling s’ya samin. Hindi ko alam na nasa malapit lang sya. Hindi ko alam..hindi ko alam na sya yung babaeng….
“A-ate, ate p-p-patawad….d-d-dapat sa una palang h-hindi na ako h-humingi ng c-camera..s-sana di ko na l-lang h-hininge..” hagulgol ko sa harapan ng kabaong nya.
“P-p-patawad…”
Kung alam ko lang sana na buhay ni ate ang kapalit sa isang mamahaling camera, hindi ko na sana iyon hiniling pa.
“A-te ko…
END
———
WORK OF FICTION
WORDS BY: selene oxford/keziah cassini






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top