My husband cheater


Kabanata 38

Mahigit dalawang linggo din sila namalagi sa hospital, ang ibinayad ni elane sa kanila ay ang kalahati nito ay ibinayad nila sa hospital, dahil malaki laki ding halaga ang bill nila sa kanilang pagpapagamot sa kanilang natamong pinsala, gawa ng kanilang pag aksedente. Dahil sa bagyo! Hindi naman likas na masamang tao si diego, sumama ito sa kanyang kaibigan si dexter, dahil sa matinding pangangailangan.

Dahil may sakit ang nanay nito at kailangan ng malaki laking pera. Nung una ayaw niyang pumayag, pero nang malamang hindi sila papatay’ ay nakunbinsi din siya…

Dahil medyo gumagaling na ang kanilang sugat, minabuti niyang uuwi na siya sa kanila sa cebu..

“Uuwi na tayo!” Aniya kay zara habang tulala ito at nakatingin sa labas ng hospital.

“Uuwi? Saan?” Ani zara at biglang tumingin ito sa kanya.
“Huwag na tayo totoloy sa norte. Kasi uuwi na ako sa cebu, at isasama na kita.” Aniya na nalilito din kung isama ba niya o ibabalik sa maynila.

Pero nag alala naman siya dahil baka tuluyan siyang mapahamak at isa pa nabayaran na sila ni elane. Ang usapan ay ilalayo siya at ikukulong. Pero hindi naman niya akalain na maaksidente sila at mawalan nang alala.

“Sige na mag ayos kana, kasi nabayaran kuna ang bill natin dito.” Kahit ang labo sa kanyang isip kung sino siya at kung sino ang kanyang sasamahan, tila parang robot nalang siya tumalima sa lahat ng gusto ng kasama.

“Uh!! Diego’ sino kaba sa buhay ko!” Litong sabi niya ulit sa binata.
“Boyfriend mo!” Agad naman niyang sagot kahit hindi!
Habang inaalalayan siyang palabas ng hospital.

Pagkagaling sa hospital,sumakay sila agad ng bus pabalik ng maynila.

Nakalibing na si dexter na hindi man lang niya napuntahan. Ang asawa ni dexter ay pinsan niya ito. Kaya kahit masakit ito para sa asawa niya, ay kinaya naman niya dahil wala na silang magagawa. Dahil hanggang dun lang ang buhay niya.

Pagdating nila sa maynila. Dumiretso na sila sa ticketing para magpabooking. Naisip ni diego nung nasa hospital pa sila na kuhanan ng fake na ID si zara para makakuha sila ng ticket.

Habang nag hihintay sila ng flight papuntang cebu. Minabuti niyang ikubli si zara para walang makakilala sa kanya. Nakasuot ng mahabang damit si zara na kulay itim at naka belo pa nilagyan pa niya ito ng sanglasis sa mata.

“Okey ka lang ba? Hindi kaba nagugutom!” Anito
Umiling lang siya at nag iisip. Kahit anung gawin niyang pag iisip kung sino siya? Wala kahit anung isang alala ay wala siyang matatandaan.

“Lena, halika na..pipila na tayo!” Agad naman siya tumalima.

Halos lahat ginawa na nila para mahanap si zara. Hanggang sa isang araw may natagpuang bangkay ng isang babae sa ilalim ng tulay. Kung saan malapit lang sa building nila.

Kaya halos lahat sila ay nabigla. Agad nilang pinag imbistigahan ang bangkay na halos hindi na makilala dahil halos ilang linggo na ito.

Pagkatapos ng masusing imbistigasyon, may nakita silang isang singsing na silver. Iyon iyong singsing ni zara na bigay sa kanya ni aling veronica.

“Ito nga po pala ang gamit ng biktima sir!” Sabi ng pulis at binigay iyon kay mateo. Labis siyang nabigla sa kanyang nakita dahil familyar sa kanya ang singsing na iyon.

Lalo na si aling agnes. Hindi niya matanggap na patay na ang anak nito.
“Zaraaaaaaaa!!!! Hiyaw niya habang pinagmamasdan ang bangkay ng babae.. si dave, pinagsusuntok ang pader dahil hindi niya matanggap na patay na ang babaeng nagbigay kulay sa kanya…

“Inay!!! Wala na si zara! Ani tricia habang niyayakap ang ina. Bumaha ng luha...


sa loob ng morgue dahil sa pagkawala ni zara.

Kabanata 39

Walang kasing ligaya ni elane, dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano. Nung mabalitaan niyang may natagpuang bangkay ay agad siyang sumugod at naisip niyang ilagay ang singsing ni zara sa bangkay… matagal nang hinahanap iyon ni zara. Dahil nawala iyon, hanggang sa tuluyan na niya iyon nakalimutan…

Ilang araw silang nagluksa sa pekeng bangkay… at hindi parin napapatawad ni mateo ang sarili dahil kung hindi niya pinuntahan at makitang naghalikan ang kapatid nito at ng asawa niya. Hindi mawawala ang asawa nito.?

Gayun din si dave. Kaya pagkatapos ng libing minabuti niyang umalis at pumunta ito ng america. Iniwan sa kapatid na si ethan ang posisyon niya..kahit ayaw man ni ethan..

Bumalik naman sa probinsya ang mag asawang mang leandro at aling agnes. Pinigilan din sila nina tita lucia pero dina sila nagpapigil dahil ayaw nila na manatili pa sila sa maynila, lalo na at wala na ang kaisa isa nilang anak.

Sa kalungkutan hindi naman iniwan ni elane si mateo. Lagi siyang nandyan sa tabi ng lalaking labis niyang minahal.

Lumuwas din ng maynila si aling veronica, para sa manugang. Mabait naman sina ethan at dave kaya pumayag silang makasama ni mateo ang ina..

Pagkaraan ng isang linggo. Lumipat sina mateo sa subdivision malapit lang sa kompanya. Maliit lang ang bahay at may tatlong kuwarto sa taas at dalawa naman sa baba. Minabuti niyang ilipat sa ibang bahay ang ina dahil kinausap siya ni aling veron. Dahil nahihiya na ito sa dalawang kapatid ng anak

Ayaw din sana ni ethan, pero napapayag din siya kinalaunan.

“Hon” mas okey sana na ilagay natin ang picture ni inay veron dito sa front ng sala, para kitang kita ang maganda at mabait na ina sa buong mundo!” Ngiting sabi ni elane. Habang abala sila sa pag aayos ng kanilang gamit.

“Bahala kana!” Anito habang hawak ang picture prame nila ng asawa.
“Naku” elane huwag iyan! Dapat iyang larawan nila mateo at zara. Buti nalang naisipan ni mateo na palakihin iyan?” Aniya

Lihim naman nainis si elane sa tinuran ng ina ni mateo. Lalo na at makita niyang panay titig ni mateo sa litrato ng asawa.

“Bakit kapa nawala!”sabi ng kanyang puso habang nakatitig ito sa magandang mukha ng asawa, at hindi naman niya namalayan na biglang tumulo ang kanyang mga luha sa isiping iyon.

“Uhhmm! Hon” akin nalang iyan, dito natin ilagay.” Agaw pansin niyang turan, nang mapansin niyang umiiyak ang lalaki.

“Anak” naintindihan kita.” Sabi naman ng ginang habang niyayakap ang anak. Ramdam niyang labis na nasasaktan ang anak dahil sa pagkawala ng asawa nito.

Hanggang sa tuluyan ng bumigay si mateo.

“Kasalanan ko inay! Sana pinahalagaan ko siya nung nasa probinsya pa kami. Sana, hindi ako nagluko, sana nandito pa siya.” Aniya habang siyang humahagolgol sa pag iyak.

Inis na inis naman si elane. Dahil sa naging reaksyon ng lalaki.

“Sana, nga patay kana zara?” Giit nito sa kanyang isip. Habang naniningkit ang mga mata sa inis.

“Lenaaaaa!!!! Biglang tawag ni diego sa kanya. Dahil natutuwa itong ipinakita ang huli niyang isda….

“Diego!! Dumating kana!” Anito habang nagtatakbo sa may dalampasigan, na walang suot na tsinelas.
“Oo” pinagbuti ko talaga para may ulam tayo at may mabinta din tayo, kasi ilang araw ding asin at saka tuyo lang ang ulam natin.” Aniya habang bitbit ang mga isdang nahuli niya.

“Naku, diego malaki laki din iyang isdang nahuli mo ah!” Sabi naman ni flour ang kanilang kapitbahay…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. plss patuloy po ng story…

Leave a Reply


top