SABAY LAKBAYIN ANG MUNDO


SABAY LAKBAYIN ANG MUNDO
************
She’s Ahiela and He’s Brendon.
“Saan?” Ulit na tanong ni Ahiela sa kaklasi ni Brendon.
“Sa Gymnasium nagpa-practice sila”
“Salamat” Tanging tango lang ang iginawad sa kanya ng kaklasi ni Brendon.
Patungo siya sa Gymnasium suot ang toga dahil Graduation nila ngayon.
“Ganda natin ngayon lods ah!” Sigaw ni Bryan sa kanya na ikinailing niya nalang. Bolerong kaklasi.
Nang makarating sa Gymnasium napatigil siya dahil napakaraming estudyante, napalingon siya sa kaliwa’t kanan o di kaya sa harapan at napapa tiptoe dahil pandak siya.
Nakita niya narin ang hinahanap niya, nasa harapan may kausap itong tatlong lalaki na parang mga bisita. Sikat ng damuho.
Pumunta siya sa gilid, mamaya na niya pupuntahan ang binata. Napunta siya sa pwesto ng kabatch niya na ang ingay daig pa ang sabungan, syempre sila ang pinakasikat na section, section ng mga matitigas ang ulo.
“Nandyan ka lang pala, Ahiela kanina kapa hinahanap ni Ma’am nagtatanong kung memorize mo naba iyong speech mo” Jesica isa sa student council at matalino sa klase.
“Memorize ko na” tipid niyang sagot at napatingin ulit sa banda ni Brendon na saktong pagtama ng mga mata nila na ikinangisi niya rito.
Patungo na ito sa pwesto niya, mabilis ang tibok ng puso niya dahil para itong prinsipeng naglalakad patungo sa kanya dahil sa bawat lakad nito gumagawa ng daan ang mga estudyante.
“Kanina kapa?” Baritonong tanong nito na may pagkapresko ang tinig.
“Hindi naman, mga 1 hour lang” Sarkastikong usal niya na ikinatawa nito. At iyon ang gusto niyang makita, ang tawa nitong nakaka adik.
“Ganda...


natin ngayon ah!” Anito na maririnig ang pang-aasar sa boses.
“Gagi, so mayabang na ako ngayon?” Sagot niya na may kalakasan dahil hindi na sila nagkakarinigan, nagkatitigan sila at sabay napahalakhak.
“Brendon, hanap ka ng bebe loves mo!” Kaklasi ni Brendon na nasa gilid na pala nila. Ngumiti ito sa kanya at nginitian niya rin kahit hindi niya ito kilala. Bait niya eh.
“Hahaha mamaya ulit Ahiela baby” Anito at umalis na habang kasunod ang kaklasi nito.
Baby? Gago yun ah!
He’s my bestfriend, ex-boyfriend, enemy, friends and bestfriend ulit.
Kung tatanungin ako kung may feelings paba ako sa kanya? Sagot ko, Oo. Hindi naman siya mahirap mahalin, kaya nga ang daming kaagaw.
Kung tatanungin ako kung bakit nag-break kami. Isa lang ang dahilan, ayokong saktan ang kapatid ko. Yup, girlfriend nito ang kapatid ko.
Saka wala akong karapatang magalit, ako ang nagtulak kay Brendon na lumayo, ako ang nagtulak sa kanya na maging sila, ako ang nagtulak sa sarili ko sa sakit na naranasan ko ngayon.
Pero past is past, dahil sa pagtulak ko natutunan din ni Brendon na mahalin ang kapatid ko. At kontento na ako roon.
“Magsisimula na Ahiela” Kier ang President sa Classroom namin at Salutatorian.
“Ahh, tara” sagot niya ngunit naramdaman niya ang palad nito na humawak sa kamay niya, napatakbo siya kasabay ni Kier na mahigpit ang hawak sa kamay niya. Mabilis ang tibok ng puso niya at alam niya kung bakit.
“Sana sa panahon na ito, hindi kana maliligaw pa, sasabayan mo na akong lakbayin ang mundo” Anito ni Kier.
THE END.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top