MARRIED AT EIGHTEEN ( R18+ )
Nagtatrabaho sa flower farm, na pagmamay-ari ni Don Alonzo Ortega, si Janicah. Pinakamayamang personalidad ang Don sa buong San Fernando. Dahil ramdam na ng matanda na hindi na ito magtatagal sa mundo kaya naman inalok siya nito na dalhin ang apelyido nitong Ortega. Bagay na gumimbal sa buong pagkatao ni Janicah.
Nang malaman ng apo nito na si Ezekiel Ortega ang balak ng lolo nito na pagpapakasal sa katulad niya na eighteen pa lang ay agad itong umuwi sa Pilipinas. Bukod daw sa bata pa siya masyado para sa abuelo nito ay lantaran din...