A WIFE’S CRY Chapter 14


” Mommy naman bakit niyo naman sinabing nandito ko! Iniiwasan ko na nga yung tao eh.”Maktol ni Aileen sa mommy niya. Pero pangiti ngiti lang ito.
” Hay nako kung nandito ang daddy mo masesermunan ka non. Bilin namin sayo maging mabait ka sa asawa mo diba?”Napairap na lamang siya.
Lingid sa kaalaman ng lahat lalo na ng hin*yupak niyang asawa na may tinatago siyang kamalditahan. Ewan niya ba kung bakit siya lumambot ng ganon kay Lexter.
” San ka pupunta? “Tanong ng mommy niya ng akmang aakyat siya ng mahaba nilang hagdanan para pumunta sa kwarto niya.” Sabihin niyo umalis na ko.”
“Harapin mo ang asawa mo at mag-usap kayo ng maayos.” Maawatoridad nitong sabi. Kaya wala siyang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo niya sa sofa.
Naiinis na talaga siya! “Magandang gabi po Tita.” At ang lakas talaga ng loob nitong pumunta sa kanila. “Aileen uuwi na tayo.” Sabi nito sa kanya.
Ang galing naman! Kung makaasta akala mo kung sinong mabuting asawa. Palibhasa nasa harapan sila ng mommy niya. “Ayoko!umuwi ka mag-isa mo!”
“Aileen.”Nakataas na sabi ng mommy niya.” Mommy dito muna ko sa inyo.”Saka niya binaling ang atensyon kay Lexter.
” Ikaw!umuwi ka na di ako sasama!”
” Fine dito muna din ako.Okay lang po ba Tita? “Sabi nito na ikinalaki ng mata niya. Ang mommy niya naman ay mukhang kinikilig sa kanilang dalawa.
” Oo naman Iho welcome na welcome ka dito. “Ngiti pang sabi ng mommy niya. Mukhang napagtutulungan na siya ng mga ito.” Kahit kailan bw*sit ka talaga! ”
Sigaw niya kay Lexter ng pansamantalang ang mommy niya dahil may kukunin lang daw ito sa kusina na meryenda. Pinagbabato niya ng unan sa couch.
Napatingin naman ito sa graduation picture niyang nakalagay pa talaga doon, ewan niya ba sa magulang niya gustong gusto na nakikita ng mga tao.
“Wag mong tignan yan! Pwede ba umalis ka na lang!” Pero tumawa lang ito pinulot ang mga unan na pinagtatapon niya.”Mas lalo ka pang gumanda.” Bulong nito.
Maya maya pa ay bumalik ang mommy niya. “Iho, dito ka na rin magpalipas ng gabi sa kwarto ni Aileen. Dito ko pa kasi napapaayos ang guestroom.”
“What?hindi pwede mom!” Angil niya sa mommy niya. “At bakit hindi? Mag-asawa naman kayo diba?” Kita niya sa peripheral version niya na tumatawa si Lexter.
“Alam mo Lexter pagpasenyahan mo na tong anak ko. Mabait naman talaga yan yun ay kapag tulog.” Biro ng mommy niya. “Bahala na kayo diyan!” At umalis doon.
Umakyat na siya. Rinig...


niya pa ang tawanan ng mommy niya at ni Lexter.Kung alam lang ng mommy niya ay pinagdaanan niya ng maging mag-asawa sila.
Umupo siya sa kama saka tahimik na umiyak.Pinapaasa na naman siya nito. Akala niya ay kaya niya na pero hindi pa rin pala. Nandoon pa rin.
Hindi maiwasan mapangiti ni Lexter dahil kasundo niya ang mommy ni Aileen. Mabuti na lang at wala ang daddy nito mukha kasing dito nagmana si Aileen.
Mabilis niyang nalaman kung saan ang kwarto ni Aileen dahil itinuro iyon ng katulong. Pero ng buksan niya ang pinto. Nakita niya itong umiiyak.
Sa kauna unahang beses ay nasilayan niya ang pag-iyak nito. Tahimik lang ito at tumutulo lang ang luha, mahihina lang ang mga hikbi.Nasaktan siya sa nakita.
Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya pero lumapit siya dito. Gusto niya itong patahanin dahil alam niya ring siya ang dahilan kung bakit ito umiiyak.
Dahil sa patuloy lang ito sa paghikbi ay hindi na nito naramdaman ang presensiya niya. Lumapit siya at niyakap ito. Pero malakas siya nitong itinulak.
“Ikaw alam mo ang g*go g*go mo! Kung sana mo ginawa yan siguro masaya pa ko ngayon. Kung sana dati ka pa naging ganyan edi sana masaya tayo ngayon!”
Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Puno ng galit at poot ang mga ito.”So bakit mo nga ginagawa to? Para paglaruan ako ha?! Para lalong durugin?”
“Baka marinig ka ng mommy mo.”Aniya.
” Wala kong pake! “Sagot nito sa kanya.
” Dahil totoo naman lahat ng sinasabi ko.T*ng ina Lexter wag mo kong g*guhin! ”
” Calm down. Aalis ako ngayon kung yan ang gusto mo. “Tumawa ito ng mapakla bago siya sagutin.” Wag na! Baka ako pa magmukhang masama sa mommy ko! ”
” Pero hindi ka sa kama ko matutulog! Gusto mo diyan ka sa couch! “Sabi dito bago pumason sa C. R dala ang damit na pamalit.Ang tapang ng asawa niya.
Hindi niya napigilan ang sarili na ilibot ang paningin sa palibot ng kwarto. Napaelegante. Ibang ibang sa kwarto nito sa bahay nila at napakaganda.
Nagawa nitong talikuran ang pagbubuhay prinsesa dahil sa kanya? Ngayon niya narerealize kung gaano kalaking k*tangahan ang nagawa niya.
Lumabas si Aileen na bagong paligo. Inirapan lang siya nito. Mukha na itong hindi umiyak. Siya naman ay humiga sa couch. Kaya niya naman matulog doon.
“Kumot! Baka lamigin ka!” Sigaw nito bago humiga sa kama at nagkumot. Nagsalpak din ito ng earphones sa tainga.Ngayon alam niya na g*go siya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top