THEY’RE INTO EACH OTHER
Chapter 10
Naging maayos na kalagayan ni catherine these past few days. kasalukuyan kaming naglalaro ng basketball ng mga tropa ng lumapit sa akin si jasmine and nais niya raw akong makausap about sa panliligaw ko kay cath.
Alam ko naninibago ako sa mga kilos ni jas now, but, i feel her sincerity. huminga muna siya ng malalim saka ngumiti sa akin at inayos yung buhok ko na gulo gulo na. muli siyang ngumiti sakin at sinabing “ang gwapo talaga ng bestfriend ko” napangiti naman ako roon at ginulo naman yung buhok niya.
“Kaya nga marami naiinlove eh” pagbibiro ko kaya natawa siya.
“Okay, you’re right about that. so, tara na?” sabi niya na lubos kong pinagtaka.
“Saan?” maikli kong tugon. ngumiti siya saka niya piningot yung tenga ko.
“Akala ko ba liligawan mo si cath?” sabi niya kaya mas lalo akong nanibago.
“Hindi ka na ….?-” pinigilan niya ako saka hinawakan ang aking kamay at hinila papunta sa kinaroroonan ni cath na abalang gumagawa ng mga proyekto.
“I have to go … kaya mo yan!” sabi pa niya bago ito umalis. akala ko sasamahan niya ako yun pala iiwan din ako grabe. pero, ayos lang as long as masaya siya at tinatanggap niya na ito.
Jasmine Del Rosario POV
Nagtago ako sa isang sulok habang kita ang kasiyahan ng aking pinakamamahal na lalaki na masaya siya para ipagpatuloy ang panliligaw nito kay cath. nakatayo siya ngayon sa harapan nila at kita ang kaba sa kilos ni danfort.
Sa haba ng pagsasamahan namin ni danfort ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso. binago siya ni catherine na dapat hindi mangyari na dapat akomparin ang una sa kanya sa lahat ng babaeng nakakasama at nakikita niya araw araw.
Akala niya basta basta ko na lamang ibibigay ang dapat para sa akin?
tingin niya basta basta nalang akong susuko?
danfort … I’m so sorry dahil sa kasinungaling ito. but, i swear, you will never be with her. ever!
Sige lang make her falling inlove with you deeply. until, you’ll find out the girl you loved ay ang anak ng taong kinamumuhi*n mo sa mundo. this is the biggest mistake na ginawa mo sakin danfort lalong lalo ka na catherine.
Catherine Lopez POV
Habang abala kami sa proyekto namin ni bes, lumapit sa amin si danfort ng may ngiti ngunit bakas sa kanyang mga...