LoVe Struck Chapter 7


🌺Jolly PoV
Sa mga oras na ito umiiyak ako habang tanaw ko ang Mansyon.
“Mama! PaPa patawarin nyo po ako kung umalis po akong hindi nag papaalam sa inyo. . Kuya Brian. Sana sa pag alis ko wag kang malulungkot. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Mama! Papa! Kuya Brian! Mahal na mahal ko po kayo. Wag nyo pong iisipin na hindi ko na kayo mahal dahil mahal na mahal ko po kayo. mama papa utang ko po sa inyo ang buhay po. Pero kailangan kong lumayo para hindi na ho ako magiging pabigat sa inyo. ”
Tuloyan na akong umalis at hinanap ang bahay ng tunay kung Ina..
Inumaga na ako dahil wala akong masakyan kanina kasi madilim pa ang paligid nang masiguro kona na may masasakyan na akong trycle ay hinanap kona ang dating tinitirahan ni Janna.
Nag tanong tanong ako kung saan nakatira ang Nanay kong si Clara.
May nakapagturo saakin ng bahay nya kaya pumunta na ako.
Nakita ko ang bahay ni Nanay Maliit lang iyon. Kaya kumatok na ako.
Nagulat nalang si Nanay ng makita ako na ako yung kumakatok.
“Anong Ginagawa mo dito.” Pinipilit na wag umiyak si Clara.
“Nanay!” Naiiyak kong sabi
“Hindi mo ako nanay. Bumalik ka sa kanila. Halika ihahated kita doon.”
Hinawakan ni Clara ang kamay ni Jolly at hinila pero pinigilan sya ni Jolly.
“Nay. . Wag nyo na po akong isauli sa kanila.” Nagmamakaawa kong sabi sa nanay ko.
“Bakit? Pinalayas kaba nila? Sabihin mo hindi kana ba nila kayang alagaam dahil nalaman nilang hindi ikaw ang tunay nilang anak.”
“Hindi po yun ang dahilan kaya ako nandito. Sa katunayan po Mahal na mahal po nila ako pero nahihiya na po ako sa pag magmamahal na ibinibigay nila saakin hindi naman po nila ako tunay na anak. Umalis ng hindi po nagpapaalam sa kanila para makasama po kayo. ”
“Mali ang ginawa mong pagtakas sa kanila. ”
“Pero mas mali po na manatili sa kanila. Hindi po nila ako tunay na anak. Malaki po ang utang na loob ko sa kanila kaya lang po nahihirapan na din po si Janna na makisalamuha saakin. Mas lalo po syang nagagalit pag ako yung kinakampihan kaysa sa kanya. ”
“Sinaktan kaba nya? Humanda saakin ang Batang yun pagnakita ko sya.”
“Hindi naman po ako nasaktan. Ako rin naman po ung may kasalanan kaya nya ako nasaktan ng ganon. ”
Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Clara.
“Mas makakabuting bumalik kana sa kanila. Magiging maayos ang buhay mo doon kay sa manatili ka saakin.
“Bou na po ang pasya ko Nanay. Kayo po ang gusto kong makasama. Sana po Nanay tanggapin nyo po ako bilang anak nyo po. Hindi po ako magrereklamo basta po makasama ko po kayo” naiiyak na sabi ni Jolly at nyakap nya ng mahigpit ang nanay nya.
“Sigi anak manatili ka sa akin. Pero hindi ko maipapangako na maibibigay ko sayo ang isang maayos na pamumuhay. ”
“Tatanggapin ko po kahit mahirapan man ako. ”
“O sigi isasama na kita sa pag Alis ko. Hahanapin natin ang Tatay mo. Baka doon maging maayos ang buhay mo.”
“Salamat po.”
Inayos na ni Clara ang mga gamit nya at nilisan na ang bayan na iyon.
Lumipat sila sa manila upang doon makipagsapalaran.
Pagkabasa naman ng mag asawa ang sulat ni Jolly halos mawalan ng ulirat si Juliana matapos nyang malamang umalis si Jolly at bumalik sa tunay nyang ina.
Agad silang pumunta sa tinitirahan ni Clara upang bawiin si Jolly pero hindi na nila ito naabutan dahil nakaalis na sila.
Hindi naman matanggap ni Brian na umalis ang pinakamamahal nyang kapated na si Jolly. Umiyak sya ng umiyak ng malamang wala na si Jolly at hindi na nila makikita pa kahit kailan.
Samantalang...


dumating sa manila sina Clara at Jolly upang doon makipagsapalaran at isang kaibigan ni Clara ang tumolong sa kanila para makahanap ng matitolirahan sa manila.
Maliit man ito pero hindi nag reklamo ang mag ina.
Naging kaibigan ni Jolly si Michael “Mickey” for short ang malanding bakla.
Tumigil mona sa pag aaral si Jolly para matulongan ang Nanay nya na makaipon ng pera para sa toition fee nya sa darating na pasukan.
Kahit mahirap ang buhay kinaya ng mag ina lalong lalo na si Jolly. Kahit papaano ay tinutolongan sya ni michael ang bago nyang kaibigan na bakla na inaanak ni Clara.
Lumipas ang isang taon ay babalik na sa pag aaral si Jolly kasama si Michael dahil naka ipon na sila ng pagpapa enroll nila.
At hindi inaasahan ni Jolly na magkikita pa sila ng kaibigan nyang si Stephanie sa school na iyon.
“Hindi ako makapaniwala na magkikita pa tayo dito. Bakit kaba umalis?” Tanong ni Stephanie kay Jolly
“Sumama ako sa tunay kong ina at dito kami makikipagsapalaran sa manila. Eh ikaw. Kailan kayo lumipat dito.”
“Actually mula ng hindi ka na pumasok naging malungkot at laging binobolly ni Janna mula ng malaman nyang anak mayaman sya. Nainis talaga ako sa pagmumukha ng babaing yun. Kaya pinilit ko si papa na lumipat ng school sinadya ko talagang hanapin ka dito. ”
“Teka paano mo nalaman na dito ako mag enroll. ”
“Alamo naman si Papa lahat ng gusto ko makukuha ko. So lahat ginawa nya matonton ka lang. Ayaw kong magkahiwLay tayo alamo namang ikaw lang ang Bestfriend ko. ”
“Ikaw talaga. ”
“Ikaw kasi nang iiwan ka tapos hindi mo man lang ako sinulatan na aalis ka.”
“Sorry na nakalimutan ko . Imotional kasi ako sa mga oras na yun kya di ako nakapag paalam sayo. ”
“Pinapatawad na kita. Hindi namN kita matiis eh. Pa hug nga.!”
Nagyakapan ang magkaibigan at naghihintay naman sa d kalayuan si Michael.
“Ano ba naman yan. Matagal pa ba yang pag uusap nyo?” Reklamo ni Bakla
“Uyyy. Sino sya?” Napatanong sa d oras si Stephanie.
“Ahh.. sya si Michael anak ng kaibigan ni Nanay.”
“Hi… Nice to meet you. Ako nga pala si Stepahanie bestfriend ni Jolly.”
“Ako naman ang New best Friend nya. Tawagin mo nalang akong Mickey”.
Mataray na pagkakasabi ni Michael kay Stephanie.
Simula non naging matalik na kaming magkakaibigang tatlo.
Wala na rin akong balita pa kina Mama Papa at kuya Brian.
Si Nanay naman hindi nya ako pinabayaan ayaw nga nyang nakikita akong nagttrabaho o tulongan man lang sa trabaho nya para makaipon.
Kaya ang ginawa ko hindi ko sinabi kay Mama na nagttrabaho ako pag wala akong pasok.
Kailangan kasi maka ipon ng pera gusto ko kahit sa murang idad ko matulongan ko man lang ang nanay ko. Hindi sa lahat ng oras ay umaasa sa magulang.
Ano kaya ang gagawin ko pag nag kruss ulit ang landas namin ni Kuya Brian. Tatawagin ko parin ba syang kuya?
Paano kung hindi nya ako pansinin kasi umalis akong hindi nagpapaalam sa kanya. Baka galit yun saakin.
At sa pag tungtung namin ng college ay dito magsisimula ang panibagong yugto sa buhay ko at sa buhay naming magkakaibigan.
To be continue
Abangan nyo ang muling pagkikita ni Jolly at Brian ano kaya ang magiging reaction ng dalawa.
At sa pagkikita nila makikilala ni Jolly ang magandang Girlfriend ni Brian na si Jenny.
Magkasundo kaya sina Jolly at Jenny?
At abangan nyo din ang pagtira ni Jolly sa kanya tunay na ama at makakasalamuha ni Jolly ang twin Brother nyang si Joshua at ang half sister nyang maldita na si Sharlene.
Magkasundo kaya ni Jolly ang kanyang mga kapatid sa ama?
Yan po ang kailangan nyong abangan sa kwentong ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top