Juliana PoV
Mag iisang linggo na mula ng puntahan nila si Clara pero wala parin silang natatanggap na tawag mula sa kaniya.
“Ano na ang gagawin natin. Hindi na sya tumawag para tulongan ang anak natin. ” Sabi ni Juliana na gustong gusto nang umiyak dahil nawawalan na sya ng pag asa para kay Jolly.
Nang hihina na ang bata kailangang kailangan na nyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.
“Ang kailangan lang natin gawin. Puntahan sya ulit at sabihin ang katutuhanan. ” seryusong Sabi ni Bernardo
“Hindi. . Hindi wag nating sasabihin ang katutuhanan. Paano kung kunin nya sa akin ang anak kung si Jolly. Ikamamatay ko pag mawala sa akin ang Princesa ko. ”
“Hindi sya ang tunay nating anak. Paano nalang ang tunay nating anak hahayaan lang ba natin syang mamuhay ng ganon. ”
“Paano si Jolly. ” Pag aalalang sabi ni Juliana.
“Ito ang makakabuti. Ang malaman ni Clara ang katutuhanan. Kukunin natin sa kanya ang tunay nating anak at pakiusapan na manatili sa atin si Jolly. Yun lang ang paraan para mapapayag natin na mag donate ng dugo si Clara sa anak nya.”
Pumatak na ang mga luha ni Juliana hindi nya matanggap ang katutuhanan pero wala na talaga syang magagawa dahil yun ang makakabuti mabuhay lang si Jolly.
Bumalik sila ulit sa bahay ni Clara.
“Ano nanaman ang ginagawa nyo. Wala akong balak magdonate ng dugo.”
“May kailangan kang malaman. Ang batang kailangan mong tulongan ay ang tunay mong anak. Dahil nagkapalit ang mga anak natin” Si Bernardo na ang nagsabi ng katutuhanan dahil hindi kayang sabihin ni Juliana
“Ano ba yang pinagsasabi mo. Sinasabi nyo ba yan para magdonate ako ng dugo sa anak nyo. Pwes hindi nyo ako mapapaniwala sa pinagsasabi nyo. Umalis na kayo at wag na kayong magpapakita pa sa akin” pagtataboy ni Clara sa kanila.
“Totoo ang sinasabi ng asawa ko. Nag Nagkasabay tayong nanganak sa isang clinic, sabi ng isang nurse saamin pumasok ang panganay kong anak sa pinaglalagyan ng mga bata at pinaglaruan ang mga name tag ng mga anak natin. Nang ibalik ng nurse ang mga name tag doon nagkapalit ang mga anak natin. Nanganganib ang buhay ng anak mo. Paki usap tulongan mo ang anak kong si Jolly pag di sya masalinan agad ng dugo baka ikamatay nya. Hindi ko kayang mawala ang anak ko.”
Nagmamakaawang sabi ni Juliana kay Clara. Umiiyak na ito dahil parang hindi parin naniniwala si Clara sa pinagsasabi nila.
“Kung talagang gusto mong malaman ang katutuhanan. Pumunta ka sa hospital na kinalalagyan ni Jolly at ikaw na mismo ang umalam ng katutuhanan kong nagsasabi ba kami ng katutuhanan. Nasasayo ang disisyon kung ililigtas mo ang buhay ng anak mo. Ginawa na namin ang lahat para lang iligtas ang buhay ni Jolly pero kahit anong gawin namin ang biological mother lang ang pweding magdonate sa kanya ng dugo. Kung matigas parin ang puso mo at hindi naniniwala saamin. Ang ama nalang nya ang kakausapin namin baka sya ang maaaring makatulong kay Jolly na anak mo” Seryusong sabi ni Bernardo
“Ang hayop na lalaking yun wala na akong balita sa kanya. Umalis na kayo wag na kayong babalik pa dito. ”
Wala nang nagawa ang mag asawa kundi ang umalis nalang sila.
Malungkot naman si Jolly dahil isang linggo na...