BEWARE THAT GIRL CHAPTER #13


“Tiya ako na po ang gagawa yan” suhestiyon ko kay tiya. Manghuhugas sana ng mga pinggan si tiya kaya ako na ang nag-volunteer para makapagpahinga naman siya. Tanghaling tapat kasi ngayon kakatapos lang naming mananghalian.
“Sige, nga pala Jasmin pumunta si Ms. Clair dito kanina. Di ka muna daw papasok sa eskwela siya na daw ang bahala” nagtataka ko namang nilingon si tiya nasa likuran ko kasi siya naghihiwa ng kamatis sa may mesa
“Ah…tiya may sinabi ba si Ms. Clair kung bakit di muna ako papasok sa eskwela?” nagtataka kong tanong.
“Wala naman” ikling sagot ni tiya habang hinuhugasan ang gulay na susunod niyang hiwain. Napatango-tango na lang ako.
Pagkatapos kong mahugasan ang mga pinggan na pinagkainan namin umakyat muna ako sa kwarto ko. Dito na kasi ako pinatira ni tiya sa bahay niya wala kasi siyang kasama sa bahay. At isa pa, sabi niya para makatipid daw ako sa gastusin.
Humiga muna ako sa kama saglit. Pinikit muna niya ang talukap ng kanyang mata. Huminga siya ng malalalim saka nagpalabas ng isang buntong hininga.
Napa-igtad na lang siya sa kanyang pagtulog nang tumunog ang kanyang selpon. Kinuha agad niya ito sa tapat ng kanyang unan.
Sino naman kaya ito? Tiningnan agad niya ito. 1 message from Parker? Kaya agad niya itong binasa.
“{ Puntahan mo ako sa apartment ko may ipapakita ako sa’yo}” nangunot naman ang noo ko. Agad naman akong nagbihis para puntahan siya.
Pagkababa ko sa hagdan nakita ko si tiya na nakaupo sa sofa habang na nonood ng tv.
“Oh Jasmin, san punta mo?”nagtatakang tanong nito. Ano kaya ang isasagot ko.. kung sa kaibigan ako pupunta magtataka si tiya dahil alam niya buong buhay ko nasa bahay lang ako. Di kasi ako mahilig makipaghalubilo. Maliban na lang kung mayroon akong trabaho o di kaya papasok sa eskwela.
“ A-h sa- sa labas lang po magpapahangin” napasapo naman ako sa noo ko dahil pangalawa ko nang pagsisinungaling to. Hay naku Jasmin nadagdagan na naman ang kasalanan mo sa langit.
Tumango na lang si tiya kahit alam kong di siya kombinsido sa rason ko.
Habang naglalakad ako may kung anong van ang sumusunod sa akin. Nung naraang araw mukhang tao lang.. ngayon van na talaga? Baka sa susunod kikidnapin na nila ako.
Binilisan ko ang paglakad ko hanggang sa narating ko ang apartment ni Parker. Napansin kong wala na ang van na sumusunod sa akin. Kinabahan talaga ako kanina parang sasabog na ang puso ko sa lakas ng pintig...


ng puso ko. Hala! Di Kaya may sakit ako sa puso! Ay gag* pwede ba yun?
Bumungad sa harapan ko ang mukha na naging dahilan ng muntikan na akong atakihin sa kaba kanina. Ang layo na kasi at nilakad ko pa talaga para tipid sa pamasahe.
“Di mo ba ako papasukin?” wala sa katinuan kong tanong sa taong nasa harapan ko habang hingal na hingal. Tiningnan lang ako nito saka nagbungisngis ng tawa. Infearness ngayon ko lang siya nakitang tumatawa sa harapan ko.
Baliw na ata siya, tatawa ng walang namang nakatatawa. Taas kilay ko namang tiningnan siya.
“Ano’ng nakakatawa?”sinulyapan na naman siya ng kausap niya tumigil narin itong tumawa at sumeryuso.
“ Rosales tingnan mo nga yang suot mo, sa susunod marunong kana mang bumagay sa suot mo” saad nito. Tiningnan ko naman ang sarili ko wala na mang mali. T-shirt lang na oversize tapos pantalon na maong. Ano kayang mali nun, baka siya ang may mali.
Kanina lang pala pumasok ang kausap ko wala talagang mudo ang lalaking yun.
“ Ano yan?” tanong ko habang may iniabot siyang malaking red box sa akin.
“ Box” simpleng sagot nito habang ako sasabog na sa inis.
“ Alam kong box yan, ang ibig kong sabihin kung ano ang laman niyan” saad ko habang tinuro-turo ang box.
“Damit siguro ang laman niyan pinabigay ni ninong sa’yo. Isuot mo raw yan sa party” sagot nito habang umiinom ng tubig.
“ Ah ganoon ba, ba’t di mo sinabi.. damit lang pala ang pinunta ko dito” bulong ko sa sarili.
“ Sige aalis na ako” pag-papaalam ko.
“ Teka lang..” napalingon ako dahil hinawakan niya ang braso ko tiningnan ko naman ito.. napansin siguro ng lalaki agad naman itong bumitaw.
“ Bakit may kailan kapa sa akin?” irita kong tanong.
“Saan kaba nagpunta kahapon?” lumaki ang mata ko nang itanong niya iyon. Papaanong nalaman niyang may pinuntahan ako kahapon?
“ Ah kahapon may dinalaw lang ako….tama may dinalaw lang akong kaibigan” pag-alinlangan kong sagot. Sana naman maniwala siya sa akin.
“Ok pwede kanang umalis” pagtataboy nito. Anong nangyari sa isang yun? Sinabi ko lang na may pinuntahan akong kaibigan.Baka di siya tinablahan ng pagsisinungaling ko. Umalis na lang ako baka makagawa na naman akong gulo dito.
NOTE: PLAGIARISM IS CRIME
(please make your own)
MGANDANG HAPON PO READERS , SANA SUPPORTAHAN NIYO PARIN AKO SA STORY KO. KEEP SAFE PO AND GOD BLESS ❤️😘






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top