WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 60


DEO’s POV:
Ito na ang hinihintay ko. Ang kunin si Sandra sa pamamagitan ng pagpanggap ko bilang David.
Talagang mautak ako dahil nagawa kong makapasok sa kompanya na hindi man lang nahalata ng mga tao.
Kung sabagay, ginaya ko ulit ang pormahan at suot ng kapatid ko.
Nakakatawang isipin na mabibilog ko sila ng gano’n kadali.
“So ano? Pumayag siya?”, tanong ng isang lalaki nang lumabas ako sa office ni Sandra.
Sinenyasan niya ako na pumasok, sa mismong opisina niya para doon kami mag-usap.
Kaya sabay kaming naglakad patungo do’n at pina-upo niya ako.
“Yung tanong ko kanina, pumayag ba si Sandra na maka-date ka?”, wika niya sa akin.
“Oo naman. Ako pa ba? Walang babae ang tumatanggi sa akin.”, mayabang na sagot ko.
Tiningnan ko si Derick na inaayos ang kanyang necktie.
Oo, siya ang kausap ko. At alam niyang kambal ko si David.
Makapangyarihan na tao si Derick dahil lahat ng kompanya sa Pilipinas, hawak niya na.
Kaya nga nagtataka ako, kung bakit nilapitan niya ako para lang magpatulong sa akin.
Hangarin ko lang naman ay tikman si Kate. At paglaruan ang kapatid ko.
Pero ngayon, nagbago na ang tinatahak ng isip ko dahil sa perang binigay ni Derick.
Nga pala, tinawagan niya ako para pumunta dito. Sinabi niya pa talaga ang damit na suot ni David para lang magaya ko ang lalaki.
“Ipagpatuloy mo lang ang paninira sa kapatid mo. Dahil gusto kong magalit lalo si Sandra sa taong ‘yon para hindi na siya makaramdam ng pagmamahal.”, pahayag nito kaya tumango naman ako.
“Ikaw talaga. Mautak ka rin minsan. Kung ano ang takbo ng isip ko, gano’n...


din pala ang takbo ng isip mo. Magkakasundo talaga tayo.”,
“Talagang magkakasundo tayo dahil hawak na rin kita sa leeg. Kaya konting pagkakamali mo, malalaman ni David ang ginagawa mo sa kanya.”,
“Kahit kailan, hindi pa ako nagkamali. Malinis akong gumawa. Ikaw lang ang hindi.”, aniya ko sa binata.
“Anong ibig mong sabihin?”, pagtuturan nito.
“Kasama mo na si Sandra sa iisang bubong, pero hindi mo pa rin makuha ang loob niya? Ang hina mo, pre. Mauunahan ka talaga ni David. Dahil sabi ni Katrina, hindi na raw siya kinikibo ng asawa niya. At alam mo na kung sino ang dahilan.”, ngising pahayag ko.
Nasilayan ko ang pag-igting ng panga ni Derick na talagang nagseselos ito ng husto.
“Kaya nga ayoko ng palapitin pa ang kambal mo, dahil ano mang oras, pwede niyang makuha ulit ang babaeng mahal ko.”, saad nito at lumapit sa akin.
“Inaasahan kita, Deo. Gawin mo ng mabuti ang pinapagawa ko. Galitin mo lang si Sandra, pero huwag na huwag mong ituloy ang pag-gahasa sa kanya.”, pagpapaalala ng binata.
“Oo naman. Makakaasa ka. Hayaan mo, hindi matatapos ang araw na ‘to, na hindi ko nasisira ang pangalan ni David sa mata ni Sandra.”, wika at pareho kaming napangisi.
Hindi ko susundin ang gusto ni Katrina dahil mas malaking pera ang inoffer ni Derick sa akin.
Yung katawan niya, nandyan lang. Pero yung pera, mahirap ng hanapin pa.
“Basta yung usapan natin, huwag mo ring kakalimutan.”, pagsasabi ko muli.
“May isang salita ako. Kaya oo, kalahati ng share ng kompanya, mapupunta sayo kapag bumalik na sa buhay ko si Sandra.”, he said again.
Ayan ang gusto ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top