“Ganda noh? Kua.” Tinutukoy ko ang hair pin na nasa buhok ko. Malapad ang aking ngiti habang ang atensyon ay nasa hair pin. Naibigay lang saken ‘to ni Missi kanina pag daan ko sa bangketa. Tuwang-tuwa na ako at sobrang pagpapasalamat sa kanya.
“Oo naman.” Sagot ni Kuya. Dito, kusang naglaho ang aking mga ngiti at napalitan ng pait na ngiti. Puro ang ngiti nito at nakatingin sa kawalan.
“‘Wag ka’ngang mambola Koys.” Singhap ko, habang pinipigilang umiyak.
“‘Bat naman kita bobolahin?” Ngiting sabi nito.
“‘Bat naman ako maniniwala sa’yo…kung bulag ka?” Nagsimula nang umagos ng aking mga luha. Nagbabadya na’rin itong umiyak pero suot niya pa’rin ang pagkatamis-tamis na ngiti.
“Nang dahil sa’kin… Hindi kana makakita… Nang dahil sakin… Sira na ang buhay mo… Kuya, inagaw ko ang buhay na dapat maganda na sana ito sa’yo, ngayon.” Maririnig ang hikbi sa tindi ng katahimikan namumuo sa...