Na inggit ako kay lola kaya nanghalik ako ng pogi~


Na inggit ako kay lola kaya nanghalik ako ng pogi~
✍Shortie Wrìtès
👉COMEDY👈
Haaaaayyy botosanan na naman .
Kapag ganitong may campaign ay kasagsagan ang mga tulong na natatanggap ng mamamayan. May mga nangangako ng kung ano ano, hindi rin naman natutupad. Tsk tsk!
” Amara! Arat sa Basketball court, may magsasalita daw doon, hahangad ng Konsehal”
wika ni Mariel. Tss kahit kelan lakas ng radar nito sa chismis, palibhasa kalahi ni Marites. Haha.
“Saglit magbibihis lamang ako”
agad kong wika, bored na rin naman ako dito sa bahay. Mabuti pang sumama na lang malay mo makakahanap kami ng fafa don. Haha
Nakarating kami ng basketball court at shete ang ingay.
” kyah ampogi naman ng kasama ni Konsehal”
“Kapatid yan ni Konsehal”
“Balita ko 26 pa lang yan”
“Kahit hindi na ako kumain mahalikan ko lang yan”
Aba! Haharut ng matandang toh.
Napailing ako at bahagyang napatawa. 26? Matanda sakin ng 2 taon. Haha
Dahil curious ako ay hindi ko mapigilang mapatingin sa pinagkakaguluhan nila.
Maputi, matangkad, malinis ang pakaka ayos ng buhok, at ang pogi nya. Sadyang kahit sino ay kikiligin just by looking at him.
“Pogi”
Di ko mapigilang ibulong, pati si Mariel ay napatawa rin.
Lumapit kami kung nasan yung pogi at mamamiya! Ang hot nya sa malapitan. Bigla namang may humila sa kanya at niyakap sya. Halos masubsub ako, haha ang agresibo naman ni lola. Matanda na eih kumekerengkeng pa.
Napatawa ako dahil matanda na ito at – – 😳 hinalikan ng matanda sa pisngi yong pogi. Hanep ka lola! Uunahan mo pa akong maka iskor. Hmp!
Napanguso ako dahil sa inis, hmp crush ko yan eih.
Hindi ako papayag na ikaw lang ang makakaiskor. Hmp!
Nakipagsiksikan ako sa mga tao...


at charaan! Success. Haha bahala na si Mariel, basta ako ay iiskor kay pogi.
Eto na nga, nakalapit na ako kay pogi at bigla itong nagsalita.
” Hi Miss, Vote Arnold para Konsehal, he is my brother”
Naka ngiti nitong saad. Na estatwa ako sa ngiti na iyon. At ang boses nya, nakaka inlove. kyah!
Nilahad nya ang kamay nya upang makipag kamay. Agad ko itong inabot at lord! Ang lambot ng kamay nya.
Saktong magbibitiw ang kamay namin ng higpitan ko ng hawak. Medyo nailang naman sya dahil nakatitig lang ako sa kanya. Ngumiti ako at agad hinila ang braso nya at hinalikan ito sa labi.
Rinig ko ang gulat sa paligid. Hinalikan ko lang naman itong poging nilalang na ito. Haha.
Those lips, sh*t ang lambot. Ramdam ko ang init ng kanyang labi. Nakapikit ito at tila dinadamdam ang halik na iyon. Kakalas na sana ako ng bigla nya akong hilahin at mas diniin ang labi nya sa labi ko. Kusang pumikit ang aking mata dahil sa kakaibang sensasyon.
Naramdaman ko ang pag gapang ng kanyang kamay sa aking bewang. Hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap habang nakadikit pa rin ang aming labi. Wala na akong ibang naririnig maliban sa tibok ng puso ko.
Lalalim na sana ang halik nya ng agad kong nilayo ang mukha ko sa mukha nya. Bigla nyang hinabol ang labi ko na para bang ayaw nyang itigil ang halik.
Namumula ang tenga at leeg nya dahil sa pagkahiya. Saka Kinikilig ba sya? Haha ampogi naman
Nakita ko ang paglamlam ng mata nito, madilim ang titig niya sa akin, muli ay unti unti nyang nilapit——
Oh? Malapit na pasahan ng modules. Anyare sayo? Yan wattpad pa…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top