She’s Into Him CHAPTER 2


She’s Into Him 🍀
That gangster is my husband (book 2)
CHAPTER 2
HEATHER POV
“Sabi ko na nga sayo masungit yun, ba’t mo pa kasi binigyan ng sapatos kung ako sayo bago ko yun binigyan sinira ko muna tsk” saad nitong kaibigan kong si Scarlett
Ewan ko sa kanya puro kasam*an nalang ang alam
Lakad lang kami ng lakad hanggang nakaabot na kami sa classroom
Pumasok na ako sa loob, kita ko naman na huminto ang lahat sa ginagawa nila ng makita ako
Hindi ko alam bakit natatakot sila sakin, SSG president ako pero hindi ko tinatakot ang students dito
Umupo na ako sa seat ko habang si Scarlett ay doon sa bandang likod
Maya maya ay pumasok na rin ang adviser dito at pumunta sa gitna
“Good morning class, so today you have already know that we are having a new transferry from a public school
I want you to meet Lhester Del Valle,…….. please enter Mr. Del Valle” excited na saad ni ma’am
Tumingin lang ako sa pumasok na student, and yeah hindi nga ako nagkamali sya nga yung nerd kanina
“Mr. Del Valle would you like to introduce yourself” nakangiting sabi ni ma’am
Pumunta naman sa harap si Lhester at pinalibot ang mata nya
“Call me Lhester, I’m 19 year old” walang ganang saad ni Lhester
‘ang pogi’
‘eww nerd’
‘pangit tsk’
‘gwapo pako jan’
‘walang respeto’
Nagsimulang nag bulungan ang classroom
Hindi ko alam kong mainis ako sa sinasabi nila, Hindi naman kasi kailangan nila tratohin sya ng masama
Tumayo ako at tiningnan sila ng masama
“Pwede ba, transferry sya gumalang naman kayo” inis na saad ko
Hindi ko alam ba’t bigla nalang akong ganito, naiinis lang kasi ako sa mga bully eh
“Sorry pres” sabay nilang saad, kaya umupo nalang ako at tumingin sa harap
“Okay Mr. Del Valle, you may sit next to Ms. Montenegro” saad ng teacher
Napangiti nalang ako dahil dito sya uupo katabi I mean wala namang bawal, gusto ko lang naman maprotektahan sya sa mga bully dito kahit na masungit sya psshh
Umupo sya sa tabi ko at humarap sa teacher, grabe hindi man lang sya nagbigay ng tingin sakin
Hindi ko nalang yun pinansin at nakinig na lamang sa teacher

“Okay classed dismissed” saad ni ma’am at tuluyan ng lumabas
Kaya lahat ng students dito ay nagsilabasan at nag ingay
Inarrange ko muna ang mga gamit ko bago lumabas, pagkatapos kong mag arrange lumingon ako sa upuan ng aking katabi para sana yayain ito ngunit bigla nalang syang nawala
Asan na yun?
“Hinahanap mo yung nerd na yun?” Biglang tanong ni Axl na kadadating lang sa gawi ko
Axl Craige 19 y/o, suitor ko or yung nanliligaw sakin…matagal na ata pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya
Hindi ko naman kasi alam pano gumagana yung relasyon I mean hindi pa ako ready
“Umalis ka nga sa daanan ko Axl!” Saad ni Scarlett kay Axl na naka harang sa daan papunta sa seat ko
“Wag ka nga dyan pandak, nakaka panira ka talaga samin ni Heather” sita ni Axl sa kanya
Tinulak naman ni Scarlett si Axl para may daanan sya, hanggang sa nakarating na sya sakin
“Wag na wag mo kong tawaging pandak ha!,…..mataas ka lang kaya mas maliit ako, 5’9 ang height ko kaya tangkad ako” pagmamalaki ni Scarlett sa sarili nya
“5’9 ka pala akala ko, 3’4” nakangising saad ni Axl
Binatukan naman sya ni Scarlett sa ulo kaya napa ‘aray’ ito
“tara kain na tayo bago pa ako mawalan ng gana” masungit na saad ni Scarlett
hinila niya ako palayo kay Axl at pumunta sa cafeteria
habang naglalakad kami hindi ko maiwasang isipin kung bakit pamilyar si Lhester
cold siya sa mga tao, walang fashion sense, matalino, at gwapo
I think nakilala ko na siya dati pero hindi ko lang maalala
“hey we’re here” sabi ni Scarlett sa akin at tinapik ang balikat ko
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad papasok
lahat ng tao dito ay ngumiti sa akin at tinanggap ako
karaniwan na talaga sa akin
kasi lagi akong ganito
simula ng ipinahayag ako ng aking ama sa buong mundo
Pumili ako ng upuan para makakain na kami
habang si Scarlett naman ang nag-order ng lunch namin.
Kitang kita ko kung paano ako nginingitian ng mga tao dito na parang artista ako.
Pffttt.
“Eto, kain na tayo” saad ni Scarlett na kadadating lamang
Tumango ako at kinuha yung pagkaing inorder nya
magbestfriend na kami since 4 years old
hindi kami nag-away kahit minsan, lagi kaming may pinagsasabihan at sikreto
she was actually dreamed to be a star idol soon in LA or korea
kaya naman lagi niya akong dinidikit para humingi ng advice kung paano maging maganda at talented
Nabalik nalang ako sa realidad dahil may biglang nagsalita galing sa likod
“Hindi manlang kayo nagsabi na kakain kayo nakakatampo...


kayo hmmpp” nakangusong saad ni James na may hawak na libro
“why would we tell you, your so annoying” sabi ni Scarlett sa kanya
Umupo si James sa tabi ni Scarlett at kinuha yung lunch nya
“James!! akin yan!” Inis na saad ni Scarlett at pilit na inaagaw yung burger nya kay James
“Wala na kain ko na” pang asar ni James
“Tsk, bw*sit” Singhal ni Scarlett
Natawa na lamang ako sa kanilang babangayan
“What?! nag break up sila King and Queen” rinig kong chismis sa kabilang table
“Masyado na kasing mal*ndi si Queen, pati nga yung artista na nasa KL company nil*ndi nya” saad ng babaeng kausap nya
Hindi naman sa chismosa ako, curious lang kasi ako bakit sila naghiwalay
“Tara library tayo” saad ng isa sa kanila, at tuluyan na silang lumabas sa cafeteria
“Ako lang ba ang naka rinig nun” sabi ni James na pinagmasdan ang grupo ng babae kanina na nag chichismis
“Narinig ko rin yun” mahinang saad ko
“Tama lang rin kasi yun eh, ikaw apat nya ng nakita si Queen na may kat*lik na lalaki” masungit na ani ni Scarlett
“I mean,—— nakakainis sya…pati yung sikat na artista nil*ndi nya crush ko yun ehh” naka-pout na sabi ni Scarlett
“Matagal ka na palang inlove ba’t hindi mo sinabi” nakangising saad ni James sa kanya
“Duhh marami na akong crush, una si Taehyung, second si Justin Bieber, third——–” Hindi natuloy ni Scarlett dahil nilagyan ni James ng tinapay yung bunganga nya
“Hindi yan ang sinasabi ko I meant nakilala muna or nakilala ka na” walang ganang sabi ni James
“Hmmm ah oo marami rin dito sa school, actually bal*w ang puso ko ehh kahit sino kasi ako mainlove hehe” saad ni Scarlett sabay kamot sa batok
habang ako ay tahimik na kumakain habang nakikinig sa kanila
“Tawag dyan mal*ndi” naka-smirk na saad ni James sa kanya
“Bwes*t ka talaga!” inis nyang ani
Inihagis ni Scarlett ang kanyang katas patungo kay James ngunit naiwasan ito ni James
i look at Scarlett parang namumula siya dahil sa galit
sinunt*k niya ang balikat niya
“Ouch” nakangusong saad ni James
ang sweet nilang tingnan habang nag-aaway
para silang mag-asawang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan
“hmm oh i wonder kung paano na-inlove ang mag-jowa sa isa’t isa” bulong ko sa aking sarili
Humigop muna ako ng juice ngunit paglingon ko sa kanila Scarlett ay huminto ito sa pag away at nanlaki ang kanilang mata.
don’t tell me narinig nila yung sinabi ko
Napatingin sila sa akin na may gulat na mukha
Padabog ni Scarlett binaba ang kanyang braso sa mesa at gulat na nakatingin sakin
“Heather Elise Montenegro, don’t tell me hindi ka pa nainlove” gulat nyang tanong
Nag-iwas lang ako ng tingin
“Heather, maraming lalaki ang humahabol sa iyo at hinihiling na lumabas ka sa kanila
pero hindi ka pa talaga nakaramdam ng ‘inlove'” gulat na gulat na sabi ni James
“Sure ka ba talaga dyan Heather” seryosong saad ni Scarlett, umiling lang ako
“Hindi ko nga alam kung ano ang salitang ‘inlove'” inis kong saad sa kanila
Ngunit humalakhak ang dalawa
“Pfttt akalain mo ang isang Montenegro, SSG president, at ang hinahangaan sa lahat ay hindi alam kong ano yung inlove” tawang saad ni James
“Hindi ko nga alam” inis kong saad
“Ano ba kasi yan” patuloy ko
“Ang ibig sabihin ng inlove ay ang pagnanais ng kaligayahan ng iyong kapareha, paghanga sa kanila para sa kung sino sila, at pagganyak na maging mas mabuting tao.” Pagpaliwanag ni Scarlett
“Pano mo ba malalaman pag inlove ka” walang ganang sabi ko, at humigop uli ng juice
“kapag lagi mo siyang iniisip,
kapag gusto mo siyang lagi mong kasama.
kung nagseselos ka kapag may kasama siyang ibang babae
at kung lagi kayong nag-aaway dahil lang lagi niyang sinasabi na annoying ka” nakangiting saad ni Scarlett
hindi ko pa naramdaman yun
so it means hindi pa ako inlove
*RINGGG RINGGGG* tunog ng bell
“oh the bell just ring, i better go i have to study on the library” sabi ni Scarlett at lumabas na
Nagpaalam na rin ako kay James na mauuna na ako sa office
habang naglalakad ako hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Scarlett
paano ako maiinlove kung wala akong kaclose na lalaki maliban sa mga pinsan ko
Wala din akong iniisip na tao ngayon
maliban sa isa, maaari bang——-
Naputol ang pag iisip ko ng may nabangga ako,
nataranta ako
Agad ko siyang tinulungang bumangon pero napatigil ako nang iangat niya ang ulo niya
I saw Lhester without glasses
isang kuryente ang nagsimulang lumitaw sa amin
nagkatitigan kami na parang wala ng bukas
ano ang pag-ibig?
iyon ba ay isang liwanag o kislap na pumapasok sa iyong puso
paano mo pipigilan ang tibok ng puso mo ng napakabilis
magtatagal ba ito magpakailanman
PAANO KO MALALAMAN KUNG INLOVE NA TALAGA AKO?
-CUT-
APPROVE PRETTY ADMIN đź’—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top