Ang Boyfriend kong Gwapo Cont: Chapter 6


Ang Boyfriend kong Gwapo
Cont:
Chapter 6
Tinupad nga ni Johnny ang sinabi nito kay Angela na sandali lang sila at ibabalik din niya ito sa stall. Kumain lang sila sa labas, dahil hindi nag away lang silang dalawa nuong kumain silang magkasama sa isang fast food. Pinagtitinginan sila ng mga kasama niya sa trabaho nung pumasok silang dalawa sa loob ng stall. Nagtataka siguro sila na kasama ni Angela angay ari.
Nuong nakaalis na si Johnny ay nilapitan si Angela ni Maricel, Isa sa kasama niya sa trabaho.
“Hoy Angela, hindi ko alam na malakas ka pala sa amo natin” pagbibidang sabi ni Maricel.
“Hindi ah, nagkataon lang kilala ko si Sir Johnny” pagsisinungaling na sagot ni Angela.
Ayaw niyang aminin sa mga kasama niya sa trabaho na boyfriend niya si Johnny dahil baka maging issue pa ito. Pero alam niya na alam na nila ito. Lumapit na din si Jenny sa kanila.
“Maricel, huwag ka ngang kumukuha ng stismis diyan kay Angela. Lagot ka sa amo natin. Hindi mo ba alam boyfriend ni Angela si Sir Johnny” may babala na sabi ni Jenny.
Nagulat si Angela na may alam din pala itong Jenny sa totoong relasyon nila ni Johnny.
“Ay sorry, Angela” paumanhin ni Maricel Sabay talikod kina Jenny at Angela.
“Pagpasensiyahan mo na yan si Maricel, isa din kasi siya sa mga stismosa. Maricel stand for – mars sila ba?” birong sabi ni Jenny. Hindi napigilan ni Angela na tumawa dahil sa sinabi ni Jenny. Nakita ni Angela na magiging magkaibigan sila ni Jenny dahil sa pagiging kalog nito at madaldal.
Matapos ang buong maghapon sa trabaho ni Angela. Nakita niya si Johnny na naghihintay sa labas ng mall. Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa beywang.
Sabay silang naglalakad habang nakakapit pa din si Johnny sa beywang ni Angela. Inalalayan ni Johnny na makasakay si Angela sa sasakyan niya at pumunta sa driver seat.
“Bakit ka pala andito?” tanong ni Angela habang ikinakabit ni Johnny ang seatbelt niya. Umayos na si Johnny ng upo at ikinabit ang seatbelt niya.
“Siyempre ihahatid kita pauwi” sagot...


ni Johnny habang iniistart ang makina ng sasakyan.
“Johnny, huwag na abala pa sayo” tangging sabi ni Angela.
“Beb, huwag ka ng magreklamo. Sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita sa trabaho mo” madiin na sagot ni Johnny habang tutok na ang mga mata sa daan.
Hindi na lang nagsalita pa si Angela. Ayaw niyang pag awayan pa nila ang tungkol dito. Nahihiya lang kasi siya na lagi niyang kasama si Johnny lalo pat marami ang laging tumitingin dito na mga babae. Pagkukumpulan lang sila ng mga stismis ng tao. Lalo pa at mayaman si Johnny.
Nakarating na sila sa bahay nina Angela. Pinagbuksan ito ni Johnny ng pintuan ng kotse at lumabas na si Angela habang hawak ang kamay niya ni Johnny.
“Beb, pupuntahan kita ulit bukas ng umaga para ihatid sa stall” sabi ni Johnny. Hindi na tumanggi si Angela dahil ipipilit lang nito ang gusto niya at kapag umayaw siya sa gusto ni Johnny ay tiyak pag aawayan nila ito. Hin*likan siya sa pisngi ni Johnny ng matapat sila sa pintuan ng bahay nina Angela.
“Sige na pumasok ka na sa loob” utos nito kay Angela. Tumanggi lang ng ulo si Angela.
“Mag iingat ka sa pagdadrive” paalala ni Angela sa nobyo. Ngumiti naman si Johnny sa paalala ng nobya. Ito ang unang beses na nagpakita ng concern sa kanya si Angela.
“For you, I will. I love you Beb” ubod tamis na ngiting sabi ni Johnny. Nginitian lang ito ni Angela at hindi sinagot ang sinabi ng binata.
Umalis na si Johnny habang si Angela ay napapaisip tungkol kay Johnny. Isa lang siyang mahirap na iniwan ng ama ay hindi mo aakalaing merong magmamahal sa kanya na isang Johnny Dela Cuesta. Kahit sa University ipinapakita nito na mahal na mahal talaga siya nito kahit na lagi niya itong sinusungitan. Heart throb si Johnny sa University at isang 4th year college sa University nila. Ahead ito ng 3 taon sa kanya, yun lang hindi pa niya nakikilala ang mga magulang ng nobyo.
————————————————–
May karugtong pa pala ang Chapter 6 nakalimutan ko😊✌️
Happy reading💓💓💓






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top