Hidden wife of the CEO CHAPTER 9.1


Nung gabing yun mahimbing na ang tulog ko ng biglang mapanaginipan ko si papa.
Nakangiti sya at tila gusto nyang sabihin na magiging maayos din ang lahat.. sinusundan ko sya sa paglakad nya kaso hindi ko sya masundan hanggang sa unti unti na syang naglaho sa paningin ko.
Nagising ako,
saka ko lang napagtanto may mga braso na palang nakayakap sa katawan ko .
Paglingon ko, nasa tabi ko na pala si Russel na mahimbing ang tulog. Tila ba isang inosenteng tao ang nakikita ko habang tinititigan sya.
Gusto kong kumawala sa yakap nya at dahan dahan na inangat ang braso nya ngunit bigla syang naalimpungatan at tiningnan ako ng nakangiti.
“May problema ba? May masakit ba sayo?” sunod sunod na tanong
“hmp wala nauuhaw lang ako”
“Ako na kukuha” tapos nilapit nya muna ang ulo nya sa tyan ko.
“Baby, madaling araw palang oh! ginigising mo na si mommy? hmp, ayaw nyang sumagot baka galit sakin”
tila ba May kung ano sa puso ko ng makita kong nakangiti...


si Russel habang kinakausap ang anak nya sa tyan ko.
Nakakapanibago napaka imposibleng magbago ng ganun kabilis ang taong kinamumuhian ko.
Bumangon na sya at kumuha ng tubig.Hindi nako tumanggi dahil nakakapagod nang makipag away.
Bumalik na uli ako sa pagkakahiga habang sya naman inaayos ang kumot para wag daw akong lamigin.
Napaiyak ako ng wala sa oras.
“What’s wrong honey? masakit ba tyan mo?” pag aalala nya.
“Wala,wag ka nalang magpanggap na nag aalala ka ”
“Sa sofa nalang ako matutulog kung ayaw mo pero hindi ako hihiwalay ng kwarto sayo ng sa ganun madali kitang mababantayan”
Nagmamasid lang ako sa bawat kilos nya.
Ilang sandali hindi ko na naririnig ang mga kaluskos at nakatulog na sya
Dumilat ako ng pakunti kunti . Pinagmamasdan ko lang syang mahimbing na ang tulog.
Russel, sana totoong nagbago Kana, mabilis ang mga pangyayari hindi pako nakakaget over sa hiwalayan namin ni Jerome .
Hinimas ko ang tyan ko
Simula ngayon aalagaan na kita tulad ng pag-aalaga ng papa ko noon sakin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top