β€οΈMegan PoV
Nagpaganda ako lalo para magmukha naman akong ileganti at magmukhang mayaman. Aakit*n ko ang anak ni Mr. Rameriz para tulongan at maconfirm kung bakla talaga ang anak nya. Sana naman di nya ako makilala.
Sa transformation kung hindi malamang di nya ako makikilala.
“Maganda na ba ako ate Isay?”
“Oo maganda ka na. . Ano ba ang pinaplano mo? ”
“May kailangan ng tulong ko. Yung anak kasi nya bakla. Ayaw nyang maniwala na bakla ang anak. . Icoconfirm ko kong bakla talaga sya. ”
“Good luck. . Babayaran kaba?”
“Sempre papayag ba ako na walang makuhang Pera. Ito lang naman ang mabuhayan ko eh. O paano ba yan kailangan ko na syang puntahan. Kinakabahan talaga ako.”
“Kaya mo yan . . Ikaw pa.”
“Okey sigi. . Kaya ko ito.”
Hinanda ko na ang sarili para maki pag meet sa kanya..
πVincent POV
Gulat ako sa sinabi ni Dad na gusto nya akong makipag blind date sa babae.
“What? Blind Date? Dad naman sinabi ko naman sayo na bakla ako. ”
“Alam ko. Kaya nga tutulongan kita baka naguguluhan ka lang. Maki pag blind date kana. Wala na nga akong pag asa na makapasok ka sa Army tapos bibiguin mo pa ako sa isang bagay na hindi mahirap gawin.”
Wala namn akong sinabing hindi ako mag gi-girlfriend wala lang talaga akong panahon sa ganyan..
“Okey makikipag kita ako. ” Pumayag na ako nakita ko kasi ang mukha ni Dad na dismayado. “Pero dad wag nyong asahan na magugustuhan ko sya.” Dag dag ko pa kay Dad.
“Okey!” Sabi pa ni Dad.
Si Dad yung tipong hindi nanakit ng anak. Sunt*k lang naman ang naabot ko ng sabihin kong bakla ako. But I’m not Really real Gay. . Nagkakagusto naman ako sa babai kahit papaano wala nga lang akong panahon sa kanila.
Nandito na ako sa Venue kung saan kami magkikita ng Ka-blind date ko 10 minutes na akong naghihintay pero hindi parin sya dumarating.
Mayat maya ay may lumapit nang babai malamang sya na ang ka blind date ko.
Umopo na sya sa harap ko. Nakatitig sya saakin mukhang pinag aaralan nya ang kabouan ko.
“Your late?” Sabi ko sa kanya hindi ako tumingin sa kanya at wala akong oras na titigan sya.
“Sorry! Kung napag hintay pa kita. By the way I’m Megan Del mondo. ” Pagpakilala nya sa sarili nya at ini abot nya ang kabilang kamay nya para maki pagkamay
“Vincent Rameriz !” Pagpapakilala ko din sa kanya pero diko naki pag shake hands sa kanya. Kita ko sa mukha nya ang pagkapahiya. Tumaas pa kilay nya ng bawiin nya ang kamay nya na diko inabot.
******
β€οΈMegan POV
May pagkasuplado din pala ang ugok na ito. Kanina ko pa sya pinag aaralan normal naman ang kinikilos nya sa tingin ko hindi sya bakla. . Dahil kong bakla sya tatarayan nya ako at mumurahin pero sa reaction nya isa syang supladong lalaki.
Hindi sya bakla 100%
Abala sya sa pagtetext sino naman ang kausap nya?
Naka upo lang kaming dalawa walang imikan? Ang layo ng personalidad nila ng Papa nya. Si Mr.Rameriz ang bait bait nya pero itong anak nya napaka suplado. Hindi sya nagmana kay Tito.
“Tutunganga lang ba tayo dito? Hindi ba tayo mag uusap?” Sabi ko sa kanya.
“Pumayag akong makipagkita sayo pero hindi ko sinabing kakausapin kita. Kung bored kana saakin maari kanang umalis. ”
Aba ang sama ng ugali. Isusumbong na talaga kita sa papa mo. . Makikita mo. Sayang naman ang effort ko sapagpapaganda kong hindi rin pala nya ako papansinin. Aba luk*ng to. Piktusan kita jan eh.
Pero bigla akong nagka idea. Ano kaya kung inisin ko sya
“I love your personality” pang aakit kung sabi wala gusto ko lang syang asarin
“Siguro naman alamo yung bali balita tungkol saakin na im A Gay!”
” I’m sure your not really a Gay”
” Bakit mo nasabi yan?”
“Kilos mo palang lalaking lalaki na. Sa pangangatawan mo palang halata na na hindi ka talaga bakla..”
Bigla akong kinabahan bigla kasi nya akong tinitigan ngayon. Kanina kasi ayaw nya akong tingnan. Pero bakit ngayon tinititigan na nya ako? Baka makilala nya ako wag naman sana.
“Maganda ka. Kaya makakahanap kapa ng lalaking karapat dapat sayo. Wag mong aksayahin ang oras mo dahil hindi ako magkaka interest...