POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 32:


📍Rhian POV📍
After out ni TJ,dinala niya ako sa apartment niya at maggagabi na rin.Agad kong napansin ang babae sa labas ng kanyang apartment na karga-karga ang bata kahit gabi na.Bumangon ang inis ko nang mapagtanto kong iyon ang babae na nasa picture kaya ang reaction ng TJ nyo ay balisa at gusto nang bumaba agad sa sasakyan para lapitan ang babae.
“Sigurado ka bang hindi mo iyan asawa’t anak Mr.De Leon?!!!” nag-uusik sa galit na tanong ko sa kanya.
“Look,ayan ka na naman..For how many times I’ve told you,she’s my childhood best friend and I’m single Ms.Rhian Madrigal..hindi pa ba sapat na explanation iyan?”
“Hindi,kapag nalaman ko ang totoo..puputulin ko iyang ****** mo!!”
Hindi ko napigilan ang pagbaba ni TJ sa sasakyan,kinalimutan agad na nandito ako.
“Jessa,kanina pa ba kayo?pumasok muna kayo sa loob..” TJ told to that girl,ah Jessa pala name niya pero wala na may mga insekto na namang nakapasok sa utak ko dahil sa pagiging sweetness ng dalawa.Ako pa ang nautusan ng TJ na iyon na magprepare ng dinner,samantalang sila nasa sala naghaharutan.Finish na,hindi na maipinta ang mukha ko.Iyong Jessa,sumandal sa TJ ko while karga ang baby.Napalingon si TJ sa akin pero tinaasan ko ng kilay.
”By,halika nga..Siya...


si Jessa,kababata ko..Jess,si Rhian girlfriend ko..”
”Hi” plastic na sabi ng Jessa na iyon,grrrhhhh nainis na talaga ako!!
Habang nagdinner,I saw a perfect picture of Family kita ko kung gaano kasweet iyong dalawa.Karga ni Jessa ang baby habang sinubuan ni TJ.Oh di ba?sila na!!At dagdag pa na ako pa ang naghugas ng pinagkainan.Wala na talaga akong gana!!Ang sarap na nitong batukan ng TJ na’to!!Kaya hindi ko talaga siya pinansin.Isang kwarto lang ang mayroon sa apartment kaya si Jessa na lang at ng baby ang natulog dun,while kami ay sa sala.Nag-insist pa si Girl na ok lang sila sa sala,pabebe ka pa girl,isipin mo ang baby mo sa sitwasyon na iyan..Lumayas daw ito sa bahay nila dahil nag-away ng mama niya kaya heto lumapit sa TJ ko..”Bakit nakasimangot na naman ang baby ko..” bungad agad ng TJ ng nasa sala kami.
”Huwag mo akong mababy-baby diyan..wala ako sa mood!!”
”Gusto mo gawa na lang tayo..”
“Tigilan mo ako TJ!!hindi ka pa ba kontento dun?” turo ko sa mag-ina.
”Bakit?ano na namang inisip mo?kawawa naman kung papaalisin natin sila,kawawa iyong bata..”
”Naawa din ako sa bata pero sa kanyang ina ,hindi!!”
Galit na galit ako dun sa Jessa na iyon.Magsama na nga kayo TJ.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top