“master Jiro.. “ani Chairyl pag pasok ni Jiro sa elentrada ng Mansyon.
“Ikaw ang personal guard ko hindi ba! Bakit umaalis ka ng walang paalam? Hindi ka binabayaran para lang maglaro ka ng Baraha. ” galit na aniya kay Chairyl patungkol sa nga barahang hawak nito. Sumiring ito tsaka nag diretso papasok.
“Ano bang problema nun.. ” naibulong nya sa Sarili nya.
“Hayaan mo na lamang, alam mo naman na miss na miss nya si Alexa. ” natatawang saad ni Borex.
“Aba! wala pang isang bwan nang magkakilala sila. ” tutol ni Chairyl.
“Sa panahon ngayon, hindi na uso ang ligawan basta nag kiss okay na yun. ”
Hindi makapaniwala si Chairyl sa sinabi ni Borex. “ganon mo ba nakuha ang girlfriend mo? ”
“Wala sya non. ” ani Kevin habang abala sa pag tingin ng Sexy magazine.
Maya-maya ay nag park si Amoriz sa Harapan ng mansyon, bumaba si Alexa tsaka nag madaling pumasok.
“Ohy long time no See ah. ” ani Borex.
Tumango lang si Alexa “Si Jiro? ” tanong nito pag baling kay Chairyl.
“Nasa loob binadtrip mo yata, ako ang binalingan. “ani Chairyl.”Chad naman! Maawa ka sakin abay dalawang linggo na kong nag titiis ah! ” angal nya.
Ngumiti si Alexa. ” masanay kana dahil pang matagalan na yan. ” aniya tsaka humakbang paakyat sa Hagdan para puntahan si Jiro.
“Hwag kang papasok. ” Seryosong saad ng binata nang akmang hahawakan ni Alexa ang door knob.
‘Aba, mukhang may nga natutunan sya sakin ah.’
Gayun pa man ay hindi nagpatinag ang dalaga, sa halip ay dumeretso ito sa pag pasok.
“Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog!” galit na sigaw ni Jiro habang nakaupo sa kama animoy batang iniwan ng nanay.
“Oii, sorry na nga kasi. ” ani Alexa “ano bang ikinagaganyan mo? ”
Hindi sumagot ang binata, nag cross arm ito tsaka inilayo ang paningin.
“May inasikaso ako, kinailangan kong mawala dahil may Dahilan. Nung araw na nawala ako, nagkita kami ng taong pumatay sa nanay mo at nang sandaling iyon ay gustong’gusto ko syang paslangin pero alam kong hindi pa iyon ang panahon kaya umiwas ako, sa kasamaang palad ay na lock ako ng isang linggo sa isang pribadong kwarto mabuti na lamang at dumating si Amo- -”
“ayokong marinig yan. ”
Napapikit si Alexa bago maupo sa tabi ni Jiro.” ito na ang huling beses na sasabihin ko ito. Sorry na.” ani Alexa, nag hintay sya ng sampung minuto ngunit wala syang nakuhang sagot sa binata. Nag buntong hininga sya dahil wala na talaga syang choice.
Tumayo sya at nagsimulang maglakad.
.
.
.
Napatigil sya habang gulat na gulat, tinanaw nya dahan dahan ang tyan nya na bihag ngayon ng mga braso na natitiyak nyang kay Jiro.
yakap sya nito, mula sa likod ay naririnig nya ang bawat pag hikbi ni jiro. “Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo. ” anito habang umiiyak. ” iniisip ko kung na aalala mo ba ko.*
Hindi makapaniwala si Alexa na sasabihin iyon ni Jiro.
‘bakit sya nag alala? Tsaka oo naman kahit minsan ay hindi ka nawala sa isip ko dahil lapitin ka ng Gulo.
“Iniisip ko kung kumakain ka, kung okay ka lang ba. ”
“Okay lang ako. ” ani Alexa, bumitiw si Jiro at hinarap sya.
“kung okay ka, ano to? ” iniangat ni Jiro ang kamay ni Alexa na may pasa. “Ito, yan.. Ayan pa. ” sunod-sunod nyang tinuro ang mga bandages na naka tapal sa mga sugat ni Alexa sa mukha.
“sabi ko nga ay may mga inasikaso ko, Tulad ng pangako ko sayo na gusto kong mamuhay ka ng tahimik. ”
“Mas mahalaga sakin kung pinanuod mo ang bawat pag lalaro ko, pero hindi wala ka ! Iniwan mo ko. ”
“Hindi kita iniwan ah, pinanuod ko ang laro mo 83 over 34.” pag mamalaki ni Alexa.
“nanuod ka? ” hindi makapaniwalang saad ni Jiro, ngumiti si alexa tsaka tumango.
“Pati na kung paano ka pinag bantaan ng kumag na iyon ay alam ko, kaya’t madali kung pinapunta si Chairyl.”
“pero hindi kita nakita, bakit hindi ka nag pakita ?”
“Dahil hindi naman na dapat.” nakangiting ani Alexa.
“Anong hindi dapat? ” kumunot ang noo ni Jiro.
“Sinibak mo na ko sa pwesto ko. ” pag paaalala ni Alexa sa sinabi ni Jiro.
“Pero nag bibiro lang ako! Ikaw parin ang gusto ko. ”
“gusto mo ko? ” nakangising tanong ni Alexa dahil alam nyang kokontra ang binata.
“OO! GUSTO NA YATA KITA! ”
nawala ang ngiti ni Alexa. “Anong- -Sinasabi mo? ” takang anito.
Pero...