THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 17


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 17❤️
“Kailan natin sasabihin kay Kate ang totoo?Malaki na siya at may isip na.Kailangan niya ng malaman ang buong katotohanan.”Sabi ni Mang Kanor sa kanyang asawa.
“Sabihin ang alin?Na pamangkin ko siya?Na patay na ang kapatid ko na ina niya.At pinaghahanap siya ng dem*nyo niyang ama?”May bahid ng galit ang boses nito.
“Hindi naman sa ganon.Pero hindi ba’t panahon na para malaman niya kung sino talaga siya?Hindi habang buhay ay maiitago mo sa kanya ang tunay niyang pagkatao.”Pinanatili niyang kalmado ang kanyang boses.
“Ipinangako ko sa kapatid ko na aalagaan ko ang anak niya at si Kate yon!Hindi siya pwedeng makuha ng dem*nyo niyang ama sa atin.”
“Pero mahirap kalaban si Chua kaya kaya niya tayong ipapapatay makuha lang ang anak niya.Halang ang bituka ng taong yon.”
Pareho lang ang kanilang nais.Ayaw nilang mapahamak si Kate ang batang ituring na rin nilang parang tunay na anak.Ang nagpapasaya sa kanila.
“Kaya hindi pwedeng mapunta sa kanya si Kate.Gagamitin niya lang ito sa negosyo niya.Ewan ko ba kung anong nagustuhan ng kapatid ko sa lalaking yon!”
“Nay ,Tay nandito na ko.”Napatigil sila sa pag-uusap dahil dumating na ito.At nabahiran ng gulat ang kanilang mga mukha ng pagmasdan nila ito ng mabuti.
“Anak ikaw ba yan?”Bati sa kanyang Tatay Kanor ng makita siya ng mga ito.Marami na siyang nakasalubong at gandang ganda din ang mga ito sa kanya.
“Grabe ka naman Tay.Ako lang to si Kate ang anak niyo.Hindi na ko mukhang nerd noh?”Ngiti niyang ani pero ang nanay niya ay nanatiling seryoso ang mukha.
“Bakit mo hinubad ang salamin mo?!At anak di ba sabi ko naman sayo wag kang magsusuot ng ganyan .”Mukhang galit ito sa tono pa lamang ng pananalita.
“Nay ngayon lang naman ehh.Atleast ngayon nagmukha na po akong tao.Ang ganda ko nga daw po sabi nila.”Lalo sumeryoso ang mukha ng kanyang ina.Salubong na rin ang kilay nito.
“Ang sabi ko ay ipakita mo kay Troy ang kagandahan mo pero hindi sa maraming tao.Anak naman ,halatang halata ang kulay ng mata mo!”Galit na nga ito dahil sumisigaw.
“Nay ano ba kasing mali?Kailangan ba lagi lagi na lang akong mukhang nerd?Nabubully na nga ako dun ehh.Oo matalino ako pero ayaw kong maging nerd!Kasalanan na ba yong mag-ayos lang ako kahit minsan?”
“Anak hindi naman sa ganon.Pinangangalagaan ka lang namin ng Tatay mo.Sa mga tao diyan sa labas ayaw ka lang namin masaktan.” Kalmado na ang boses nito at malambot na ang ekspresyon ng mukha.
“Matutulog na po ko. Sorry po bukas hindi nako magsusuot ng ganito. Pasensya na po kung Di niyo nagustuhan.” Patakbo siyang nagpunta sa kanyang kwarto at doon umiyak.
Idinial niya ang number ni Troy at mabilis naman nitong sinagot ang kanyang tawag. Napangiti na lang siya dahil doon pero wala pa ring tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Babe miss ko agad?” nang-aasar nitong sabi. Nakarinig siya ng mahihinang tawa mula sa kabilang linya. Napamasayahing tao talaga ni Troy.
“Babe mo mukha mo! Bad trip ako ngayon. Wag mo ng dagdagan pa. Pwede mo ba kong kantahan?” Hindi niya ipinahalata sa kanyang boses na umiyak siya.
“Kanta talaga? Pangit boses ko boi! Kung pampatulog to lalo kang magigising.” Napatawa na naman siya nito. Ang hilig talagang magbiro. Alam niya namang ang ganda ng boses nito.
“Sige na.. Parang kakanta lang ehh.” Ang swerte niya dahil boyfriend niya na ito. Nagbago talaga...


ito para sa kanya.
“🎶🎶Lift your head
Baby don’t be scared
Of the things that could go wrong
Along the way🎶🎶
🎶🎶You’ll get by with a smile
You can’t win at everything
But you can try🎶🎶🎶
🎶🎶In a world that everybody
Hates a happy ending story
There’s a wonder love that could make us go round🎶🎶
Parang siyang hinehele dahil sa boses nito. Parang wala siyang dinaramdam na problema at hindi na rin siya umiiyak. Ang swerte niya talaga dahil meron siyang Troy.
“Bakit ka nga pala umiiyak kanina?” Biglaang Tanong nito. Akala niya ay di nito napansin.
“Ako umiiyak hindi ah! Nagbreak na ba tayo agad para umiyak ako?” hirit niya pa. Pero siya ang kinikilig sa sarili niyang banat.
“Liers goes to h*ll. You want to go to heaven diba?” Mukhang hindi ito titigil hanggat di nalalaman ang totoo.
“Napagalitan lang ako ni Nanay. Dahil sa suot ko. Nagkasagutan kami. Pero ayos lang ako.” Pag-amin niya. Pagdating kay Troy. Nasasabi niya ang lahat.
“Sinabi mo na ba sa kanila na tayo na? Baka pagalitan rin ako.” pagbibiro pa nito sa kanya. Sure siya na humahagalpak ito ng tawa.
“Ewan ko sayo! Ang Oa mo po! Gusto gustong ka ng mga yon para sakin.” Siguro ay proud na proud na ito sa sarili.
“Siyempre naman ang gwapo ko yata. Pero seryoso hindi ba ko sasapakin ni Mang Kanor?”Kaya siya naman ang napatawa ng malakas.
” Hala siya! Happy lang walang ending. Hindi yon joke pero natawa ka. “Sabi nito at kunyari ay may bahid ng Inis.
” Takot ka sa tatay ko?! Hahaha mas nakakatakot si Nanay sa totoo lang! Kaya maghanda ka na pag pumunta ka dito.”Pananakot pa niya.
” Gusto mo pakasal na tayo eh!”hirit nito. Pero alam niya di na yon joke. Ang lupet talaga ng isang Troy Baltazar. Hayss.
” Sira! Sige matutulog na ko. Matulog ka na rin. Wag mo kong isama sa panaginip mo ha.”Napapangiti siya mag-isa. Sobra ang saya na naidudulot ni Troy sa kanya.
” Goodnight babe. I love you you.”Kinilig siya doon sa totoo lang pero ayaw niyang ipahata.” Goodnight din po”
“This is bullsh*t! Ang mga Baltazar na naman ang nangunguna! Paano ba mapapababagsak ang mga yan?”galit nitong sigaw.
Kaya pati ang mga katulong ng mansyon ay nagulat.Bigla namang dumating ang isa sa mga tauhan niya para maghanap sa anak niyang nawawala.
“Alam mo na ba kung nasaan ang anak ko?!” Sigaw niya dito. Agad naman itong yumuko ng bahagya saka nagsalita.
“Hindi pa ho boss pero malapit na po mahahanap na po namin ang anak niyo.” Kinakabahan ito para sa puwedeng maging reaksyong ng amo.
“Hanapin niyo muna kasi ang kapatid ng asawa ko at ang Kanor na driver na yon saka kayo magtanong tanong. Mga b*bo! Mga in*til!” Sigaw niya sa tauhan.
Lumapit sa kanya ang isa mga katulong at inabot ang telepono dahil. Agad niyang sinagot ang tumatawag.
“Hello Mr. Chua. How are you? Don’t forget the deal your daughter will marry my son or else I’ll make the downfall of your company.” Saad ni Mr. Lim sa kabilang linya
“I still remember it Mr. Lim just wait. I don’t broke promises. Don’t worry your son will marry my daughter and no else.”
Kaya agad na namatay ang tawag. Itinapon niya ang telepono kaya nabasag iyon. “Hanapin niyo ang anak ko! Find my precious daughter! ” Sigaw niya.
A/N:Comment your reactions please❤️Anong message niyo para kay Kate? Sa tatay niya? 🤣Kaloka kinikilig ako sa dalawa, 😂labyu all readers ❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top