WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 22


David’s POV:
MAAGA akong umalis sa bahay, matapos ang nangyari kagabi.
Simula nang malaman ko na dumating na si Derick, hindi ako nakatulog ng maayos.
Hindi ko na rin hinintay pa si Kate na magising, dahil galit ako sa kanya.
Ayoko munang makasabay siya sa kotse at makita. Because she lied to me. At mas pinili n’yang itago ang tungkol sa papa ni Michael.
Karapatan ko din naman ang bata, kahit na hindi ako nito ang tunay na ama.
Napamahal at napalapit na rin ako sa anak niya, at hindi ko makakaya na kunin sila ni Derick.
I need to talk to him, para magkalinawan kami.
Kaya heto, papunta ako sa bahay ng lalaki.
Hindi muna ako papasok ngayon sa kompanya dahil gusto kong atupagin ‘to.
Tinawagan ko kasi ang private investigator ko na hanapin ang address ng ex-boyfriend ni Kate. At hindi nga siya nahirapan dahil magaling ang tauhan ko.
____
Napahinto naman ako sa tapat ng mismo ng bahay. Sa labas no’n, nasilayan ko ang isang tao na animo’y may hinihintay na dumating.
Tsk. Hindi ako magkakamali na si Kate, ang hinihintay niya.
Siguro nagkausap sila sa tawag, at dito ang tagpuan nila.
Ganito kasi ang hula ko, na tumatakbo sa aking isipan.
Lumabas na ako ng kotse para lapitan ang lalaki.
Ayoko na dumating si Kate at maunahan ako na kausapin ang gagong ‘to.
“Ikaw ba si Derick?”, pagtatanong ko agad sa kanya.
Mabuti ng makasiguro, para hindi ako magkamali.
“Oo, bakit?”, turan nito nang harapin ako at tingnan sa mukha.
“Tsk. Ikaw pala ang demonyong nang-iwan kay Kate.”, sambit ko naman dahilan para mapaiwang ang labi nito.
“Kilala mo si Kate?”, bigkas niya na may pagtataka.
“Yeah, I know her very well. Actually, she’s my girlfriend, and soon to be my wife.”, pagsisinungaling ko, kahit ang totoo, hindi pa ako sinasagot ng babae.
“Pfft. Nagpapatawa ka ba? Anong wife ang pinagsasabi mo?”, wika ni Derick na tila iniinsulto ako.
Siguro nga, nahihibang na ako.
Pero dahil ito kay Kate. Dahil sa kanya, nagagawa ko ang mga bagay na ayokong gawin.
“Pare, itigil mo na ‘yang pag-iilusyon mo. Kate is my wife. Baka hindi mo alam, may anak kami. At kaya ako nandito, para magpropose sa kanya. Gusto kong magpakasal kami, as soon as possible.”, pahayag niya, kasabay ng pagdukot nito ng isang maliit na kahon, na lalagyan mismo ng singsing.
Napakuyom ako ng kamao dahil sa binabalak nito.
“No. Hindi pwedeng makasal kayo.”, madiin kong saad.
“Bakit pare? Ikaw ba si Kate? Hahaha. Natatawa talaga ako sayo.”, pamimikon nito.
“Kung natatawa ka sa akin, pwes, kanina pa ako nagtitimpi sayo.”, turan ko sa lalaki at malakas kong kinwelyuhan si Derick.
“Ang tapang mo naman. Pero maling tao ang binabangga mo. Para sabihin ko sayo, ako ang unang lalaki na minahal ni Kate. Kaya nga, binigay niya ang pagkababae niya dahil sa pagmamahal nito sa akin. Eh ikaw? Mahal ka ba ni Kate?”, wika nito na animo’y hinahamon talaga ako.
Gusto ko na sanang sapakin at paduguin ang pagmumukha niya, kaso naisip ko si Michael. Baka magkita sila at ako pa ang sisihin nito.
Kaya marahan kong binitawan ang kamay ko sa kanyang kwelyo, at matalim ko s’yang tinitigan.
“Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa mga hayop. Pero eto ang tandaan mo, wala ka ng babalikan dahil akin na sila.”,
AKMA na...


sana akong aalis sa harapan ng lalaki, dahil tapos ko na s’yang kausapin.
Kaya lang, biglang sumulpot si Kate sa likuran ko.
I guess, hindi lang siya mag-isa dahil narinig ko ang sigaw ni Michael.
“Papa!”, bigkas nito nang yakapin ako ng mahigpit sa mismong binti.
“Papa, bakit po hindi kayo sumabay sa amin ni mama na mag-almusal? Hinanap po kita kanina.”, malungkot na sambit niya.
“May kinausap lang si papa. Eh ikaw? Bakit kayo nandito ng mama mo?”, balik na tanong ko sa bata kasabay no’n tiningnan ko ang babae.
Napayuko ito at iniwasan ang titig ko.
“Sabi po ni mama, may kailagan daw ako makilala, papa.”, mabilis na sagot niya.
Shit.
Palihim akong nasasaktan ngayon.
Pakiramdam ko, unti-unting dinudurog ang puso ko sa pwedeng mangyari sa araw na ‘to.
“Bakit mo ba siya tinatawag na papa? Ako ang tunay mong ama.”, singit na saad ng lalaki.
Hindi man lang ito nagpaligoy-ligoy at kaagad na sinabi ang katotohanan.
Susugurin ko na sana ‘to, kaya lang hinawakan ako ni Kate sa balikat para tumigil.
Mukhang kinakampihan niya pa yata ang ex-boyfriend niya. Tsk.
“Please, ako ng bahala.”, pakiusap nito.
Asar kong inalis ang kamay nito na nakahawak sa akin.
Bakit ba kasi kailangan pa na magkita sila?
Ano ‘yon? Gusto n’yang makipagbalikan?
Matapos s’yang gaguhin at iwan na buntis, bibigyan niya pa ito ng pagkakataon na makausap?
Masyado s’yang tanga!
Hindi ko tuloy mapigilan na lumabas ulit sa sasakyan para marinig ang usapan nila.
Hindi ako mapanatag, baka tanggapin ni Kate ang singsing na dala ni Derick para sa kanya.
To be honest, I don’t want to loose her.
Ang hirap pakawalan yung taong minahal mo na.
“Usapang mag-asawa ‘to, pare. Kaya pwede ba, umalis ka na.”, pagtataboy ng lalaki.
“No need, Derick. Hayaan mo s’yang nandito.”, turan ng babae rito.
“Kate, hindi siya belong sa pamilya natin. Mabuti pa doon na lang tayo sa loob mag-usap.”, saad nito nang hawakan ang palad ni Kate.
“Teka lang po, si papa David ay papa ko po. Siya po ang papa ko. Kaya bakit mo po sinasabi na papa din kita?”, saad ni Michael nang gumitna ito sa aming tatlo.
Bigla akong nabuhayan dahil mismong bata pa ang tumatanggol sa akin.
“Hindi mo siya papa. Kahit tanungin mo pa ang mama mo. Kaya ‘wag na ‘wag mong tatawagin s’yang papa. Naiintindihan mo?”, turan nito sa kanyang anak.
Hindi pa nga nagsisimula, pinapakita na agad nito ang tunay na pagkatao.
“Derick, hindi mo dapat sinisigawan si Michael.”, usal ni Kate sa lalaki.
“Nakakainis na kasi. Ako ang papa niya, pero hindi niya ako magawang tawagin na ganon. Ang unfair lang.”, wika niya na tila galit na galit.
“Ikaw ang unfair, Derick. Iniwan mo kami diba? Wala ka sa tabi ni Michael nang lumaki siya, kaya wala kang karapatan na sigawan ang anak ko. Ni isang butil ng kanin, wala kang binigay sa amin.”, litanya ni Kate sa ex-boyfriend niya.
“Kaya nga bumalik ako diba? Dahil gusto kong bumawi.”,
“Tapos na tayo. Nung tinalikuran mo kami, tinalikuran ka na rin namin. At yung pagkukulang mo, si David ang pumupuno no’n. At kaya ako pumayag na makipagkita sayo, para kahit papano, makita mo yung sinayang mo. Makita mo kami ng anak mo. And this would be the last. ‘Wag mo na kaming guguluhin pa.”,
END OF CHAPTER 22
Β©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. good job kate

Leave a Reply


top