HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER. 6.1


( PAUL SANTIBAN )
_______________
——-continueFlashBack——
Matapos mailibing ang kanilang ina. Ay sa bahay ng kanilang ninang at ninong naki tuloy pansamantala si Sherin. . Ang kanilang Tiya Berna ay bumalik narin sa ilo-ilo duon raw muna ito mag babakasyun pansamantala .
“Ate mag papaiwan muna ako rito meron Pa akong kailangan ayusing mga papeles para sa pag lipat ko sa maynila. ” ani niya sa kaniyang ate sharina.
” ganun ba, osige tawagan mo na lang ako kapag natapos muna para maihatid kani Rico. Wag kang mag pasaway rito kila ninang ha. Rico ,ninang, ninong. kayu napong bahala rito sa kay Sherin ,maraming salamat po ” sabi ng kaniyang ate sa mga magulang ni Rico.
“Oo naman iha, para na namin kayong mga anak kaya asahan mong hindi namin ito papabayaan, mag iingat ka duon iha ” sagot naman ng nanay ni Rico sa kaniyang ate.
“Sherin tawagan mo ako ha. Kailangan next week matapos mona yan. ”
” opo ate. ” sagot niya
“Osiya aalis na ako. Dahil bukas na ang uwi ng kuya Josef mo galing Japan. Baka nag aalala nayun dahil ilang araw na kaming hindi naka pag usap. Sige mag iingat ka rito ha. Iloveyou ” malambing na sabi ng kaniyang ate bago siya niyakap.
“Iloveyoutoo ate. Sige po mag iingat Karin. Susunod po ako , excited na akong maka pag aral ng maynila ” sagot niya rito.
..
Natapos na ni Sherin lahat ng dapat ayusin para sa kaniyang pag transfer at Tawag na lamang ng kaniyang ate ang kaniyang hinihintay para maka luwas na siya ng maynila.
Ngunit.
Mahigit isang buwan ng walang balita si Sherin sa kaniyang ate . Sobrang nag aalala na siya rito. Tumawag siya sa kaniyang tiya Berna para maki balita tungkol sa kaniyang ate sharina. Ngunit mas lalo siyang kinabahan ng maibalitang pinalayas naraw umano ang kaniyang ate. Wala na ito sa mansyon na pinag tatrabahuan ng kaniyang kapatid. At tiyahin
“Dyusko po. Wag niyopo sana pabayaan ang ate ko. Siya nalang ang meron ako. Kahit hindi kami totoong magkapatid ay sobrang mahal na mahal ko ang ate ko. ” umiiyak na panalangin niya habang naka tingala sa kalangitan.
“Kuya Rico hindi parin ba tumatawag si Ate? ” tanong niya kay Rico na naupo sa kaniyang tabi.
” hindi Pa. Siyanga pala kahapon nakalimutan Kong sabihin sayo. Pumunta rito ang nobyo ng iyong ate para maki balita. Kung umuwi baraw dito si Sharina”
” si Kuya Josef? Hindi niya rin alam kung nasaan si ate? Dyusko kung ganon nasan na si ate. Kuya baka napano na si ate. Lumuwas na kaya tayo ng maynila. “Umiiyak niyang sabi sa katabing lalake.
” maging ako ay wala ring alam sa maynila. Baka mapahamak lang tayung dalawa ruon. ” sagot nito.
“Pero kuya si ate. Baka napaano nayun. Huhuhu”
“Wag kang mag alala. Matapang ang ate mo ” pag aalo ni Rico sa kaniya at mahigpit siyang niyakap.

Maka lipas ang ilang araw ay wala parin silang balita sa kaniyang ate sharina. .
Habang nag sasampay ng nilabhang damit si Sherin ay natanaw niya ang pamilyar na magarang sasakiyan na patungo sa bahay nila Rico.
Kaagad naman niya iniwan ang ginagawa. Para puntahan ang bagong bisita. Umaasa siyang tungkol sa kaniyang ate ang ipinunta nito.
Hindi nga siya nagkamali. Dahil kilala niya ang lalakeng bumaba ng sasakiyan. Ito yung kaibigan ng kaniyang ate sharina at kuya Josef. Na isang abugado.
“Attorney Paulo? ” pangungumpira niya rito.
“Hi good afternoon sherin. Kumusta. ? ” sagot nito
“Mabuti naman ho. Ano Hong sadya niyo ho rito? ”
“Actually ikaw ang sadya ko rito sherin . Hmmp pwede...


bang papasukin mo muna ako bago ko e kukwento sayo para malaman mo ang sadya ko rito. ” ani nito
“Ay sorry tuloy ho kayu. Nasa bayan paho sila ninong at ninang. Nasa School rin si Kuya Rico kaya ho wala ho akong kasama. . Dito nalang ho tayo . Maupo muna ho kayu. ipag kukuha kopo muna kayu ng maiinom. ” aniya at iniwan na sa maliit na kubo ang binata.
tatlong minuto lang ay bumalik na siya dala dala ang miryenda nito. Ube at Buko Juice ang binigay niya rito.
“Thank-you ” ani nito.
” hmmp ano ho ba yun? ” panimula niya.
Nag simulang mag kwento si Paulo sa kaniya at hindi siya maka paniwala sa nalaman.
“Small world diba. ? Sino mag aakala na ang nawawala pala naming kapatid ay ang ate Sharina mo. , at ngayon pinapasundo kaniya saakin. Kaya ako napa rito. ” sabi sa kaniya ni Paulo.
Saya at lungkot ang nararamdaman niya. Masaya siya para sa kaniyang ate sharina dahil natagpuan na nito ang tunay na magulang. At pamilya. Ngunit malungkot naman siya dahil hindi niya maiwasang mainggit dahil hanggang ngayon ay umaasa parin siyang matatagpuan na siya ng tunay niyang ama.
“Kaya nga ho. Saka teka lang ho. Tatawagan ko muna sila ninang . Hintayin na muna natin sila para maka pag paalam ako sa kanila ng maayus at maka pag pasalamat narin. “. Sagot niya rito.
Hindi rin nag tagal ay dumating narin ang hinihintay nila. Maayus siyang nag paalam at nag pasalamat.
“Mag iingat ka duon anak ha. Bisitahin mo kami riro kapag may time ka. Huwag mo kami kakalimutan. ikumusta mo narin kami sa Ate mo at iyakap mo narin ako sa kaniya. ” umiiyak na ani ng kaniyang Ninang.
” oho. Makaka rating ho. Maraming salamat po. ” sagot niya at niyakap na niya isa isa ang mga ito.
” balitaan mo ako kapag may ng away o nambastos sayo bunso ha. Susugurin ko sila basta mag sabi kalang ” naka ngiting biro sa kaniya ni Rico.
” opo kuya. Maraming salamat po. ” sagot niya bago kumalas ng yakap kay Rico.
” osiya bumiyahe na kayo. Baka gabihin Pa kayu. iho mag ingat sa pag mamaneho ah. mag iingat kayo ” sabat naman ng kaniyang ninong Benny.
Tumango naman si paulo bilang sagot.
Tahimik ang naging biyahe nila pabalik ng maynila. Naeexcite rin si Sherin dahil makaka sama naniya rin sa wakas ang kaniyang ate sharina. At makaka pag aral narin siya ng maynila. Ngunit hindi parin nawawala sa kaniya ang kaba. Na posibleng mag krus ulit ang kanilang landas ni Paul

” Paul wag kang ma liLate sa Dinner natin ha. Ngayon darating ang Kapatid ni Paula , gusto ko pakitunguan mo siya ng maayus dahil madadagdagan na ang pamilya natin. Dahil simula sa araw na ito ay pamilya na natin si Sherin ang kinilalang kapatid ni Paula. ” ani ng mommy Paulyn nila habang nasa Pool Area sila.
Kumunot naman ang nuo ni Paul dahil sa narinig at bumilis ulit ang tibok ng puso niya ng marinig ang pangalan na binanggit ng kaniyang ina.
“Sherin? ” pangungumpera niya.
” yes anak. Sherin daw ang pangalan at 17 years old sabi ni Paula. Excited na akong makita siya sawakas dalawa na ang anak Kong babae ” naka ngiting sagot ng ina.
Naka ramdam ng excitment at sobrang tuwa ng kalooban si Paul dahil sa kaniyang narinig. Posible kayang ang kaniyang asawa at Sherin na tinutukoy ng kaniyang ina ay iisa lang. ?
//NExt Chapter 7
“HINDI KANA MAKAKAWALA BABY “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top