Pamilyang Naghihirap Man Pero Lumalaban Padin


Nag’umpisa ang pamilya namin syempre sa amin ng asawa ko .. Legal kaming naging Magkasintahan simula 4th year Highshool ay mag on na kami hanggang sa nag 1st year college ako kaso kasama ko sya samin pero ginagalang nya nagawa ng homework kasama sya nagsisimba at nakain lang saglit sa labas tas uuwi na ganun lang rutin naming dalawa kase nga gusto nya kong makatapos ng pag aaral kaso dumating sa punto na biglang naging mahigpit sakin ang ate ko hanggang sa pinaiwas kami sa isa’t isa nanibago kami syempre kase halos araw araw magkasama kami wala din naman kaming ginagawang masama para bigla silang maghigpit samin dumating sa point na namimiss namin ang isat isa hanggang sa dun na nangyari ung pagtakas at patago naming pagkikita hanggang sa napabarkada natuto mag inom at dumating na din sa point na may nangyari samin at may nabuo. Sobrang naging mahirap yung sitwasyon namin kase di nya alam kung pano nya kami bubuhayin ng magiging anak nmin sinabihan nya ko na ipalaglag ko nalang daw pero humindi ako at sinabing kung ayaw mo ok tinago ko sa mga magulang ko na buntis ako inalagaan ko sarili ko para saming dalwa ng magiging baby ko hanggang sa nalaman din nman ng pamilya nagtulong tulong sila para pampacheck up ko kase medyo naging maselan ang pagbubuntis ko na 8months na sya bigla akong dinugo nilaban ko at ng mga pamilya ko ang baby ko kahit halos sakin na nauubos ang sweldo at pera nila.Salamat dahil naging ok naman ang baby ko kaso biglang nagparamdam ang ama nya at nakipagbalikan ayaw ng mga kapatid ko syempre walong buwan syang walang pakialam samin hindi ko sya tinanggap nung una at pangalwa pero hanggang sa napaisip ako ang hirap kase ng walang ama May ama nman ako kaso simula kase nung nalaman nyang buntis ako nagalit at nawalan na sya ng pakialam sakin so ayun naranasan ko din na parang walang ama kaya kahit ayaw ng mga kapatid ko nagsabi ako sa nanay ko na bibigyan ko ng chance hanggang sa naging Ok kami at sinilang ko ang panganay nming anak .. madaming pagsubok padin ang dumaan naghiwalay ulit kami kase nambabae sya sumuko na ko nagtrabaho nalang ako at nagfocus sa anak ko at nanay ko 3years kaming naghiwalay hanggang sa sinuyo nya ulit ako halos sa 3yrs na yon na hiwalay kami ung 1year dun ay puro panunuyo nya na sakin .. ayoko naman na talaga pero yung anak ko gusto nya daw na buo...


kami ang sakit sa twing sinasabi nyang bakit wala syang papa binigyan ko ulit sya ng chance at ayun dahil binigyan ko sya ng chance binigyan nya naman ako ng baby boy si zhiann umOk naman ang buhay namin nagtrabaho kami parehas sa Laundry shop sya tagadeliver ako tagatupi ng magdadalwang taon na ang baby boy nmin hindi nmin ineexpect na magbubuntis ulit ako ng baby girl ulit mejo naging mahirap bigla ung sitwasyon nmin kase umalis ako sa trabaho at nahihirapan na ko dahil sa maselan na pagbubuntis ko kaso di namin inaasahan na sasabay pa ang lockdown parehas kaming natengga sa bahay halos kakalipat lang namin sa inuupahan nmin non kaya wala halos kming pera dahil pinangdown nmin sa upa ng bahay malapit na kong manganak totally lockdown wala kaming nabiling kahit anong gamit ng baby kase halos wala nga kaming makain tiis gutom nalang buti nalang may awa ang Diyos napasali kami sa 1st tranche ng Sap at ayun ang ginamit namin sa panganganak ko nakaraos kami kahit wala akong ultrasound tinanggap ako sa lying in kaso pag uwi nmin nagsimula na nman ang hirap ng buhay walang pera walang pangkain halos isang bese nalang kming nakain pero laban lang sabi nga ng asawa ko ok lang busog naman tayo sa pagmamahal matatapos din to biglang may nag alok sa asawa kong magconstruction at pinasok nya nman ito pero ang nangyayari bale agad kaya pagsasahod wala narin dahil nag umpisa syang magtrabaho ay walang wala talaga kami halos isang taon kaming naghirap at nagtiis pero netong june 2021 dumating ung point na sinabihan ako ng kuya ko na hiring sa company na pinapasukan nya at pag applyin ko ang asawa ko pinag apply ko ang asawa ko kase tapos narin naman ung ginawa nila sa construction natanggap ang asawa ko kaso nabaon kami sa utang dahil sa pag aapply nya hanggang sa nagsimula na sya ngayong August 2021 halos pambayad lang ng utang ang sinasahod nya hanggang ngaun nagbabayad padin kami dahil ilang buwan na kaming wala ding naibibigay sa upa ng bahay pero eto kami nalaban parin hanggang ngayon kahit mahirap padin ang buhay sabi nga nila wag kang mawalan ng pag’asa kaya hanggang ngayon eto kami nalaban at umaasa na makakaalwan din sa mga susunod na buwan .. Kaya sa mga nakabasa po nito wag tayong mawalan ng pag asa kahit anong hirap malalampasan natin yan laban lang may Diyos tayong nakaalalay .. Salamat po ..
Hanna Grace Rull po
From Los Baños Laguna
09383561706






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top