Love the Second time around


Ang kwentong pag-ibig ko ay NG magmahal Ako ng Todo Todo sa isang lalaki. Nung dalaga pa Ako ay happy go lucky Ako,tambay dito tambay dun.boyfriend dto boyfriend dun.wala akong isang bf dahil Ang motto ko ay collect and collect but do not select. Nangyari na rin na nabuking Ako ng Isa dahil nagkasabay magsundo sa trabaho ko.Pero darating talaga Ang time na magsasawa ka,parang naghahanap NG isang lalaking totoo at Permanente na mamahalin ko. Pinakilala NG friend ko so Mon,nung pumasyal Ako sa bahay nito,nandun so Mon.Na love at first sight Ako ala jay manalo Ang mukha.Syempre nagkakwentuhan at naging madalas na Ang aming pagkikita at paglabas labas,nagpupunta na rin siya sa bahay namin.Hindi magtagal at nagsama na rin kami sa bahay namin NG Nanay ko.Nabuntis Ako at babae Ang aming naging anak.Nagtulungan kami,kapag wala siyang trabaho ay ako muna Ang nagtatrabaho.Kaso kailangan tutukan Ang anak namin Kaya siya Ang nagpursige na magkaroon ng stable na trabaho.at napromote nga siya sa trabaho Niya,naging supervisor. Dumating Ang Punto na may nalaman Ako na may babae daw siya at Ako kinompronta ko siya,pinaamin at umamin Naman siya na tuksuhan lang daw.Pinatatalunan na namin Ang pera at pag uwe Niya NG late.hanggang nakapagsalita Ako saknya na masakit at pinalayas sa bahay namin.dala NG galit at problema Kaya nagawa ko un.ngunit masyado ko daw natapakan Ang kanya Ego.kahit anong pagsusumamo at paghinga ko NG tawad ay ayaw na Nia talaga.Nasa akin Naman Ang anak namin at 10yrs. Na Ang anak namin.para sa anak namin ay pinilit ko magkabalikan kami kaso sadyang ayaw na Nia talaga.may iba na siyang Mahal. Ako naiwan sa ere na Ang sakit sakit na halos magpakamatay Ako at Hindi makapag concentrate sa trabaho.Iniisip ko nalang Ang...


anak ko pinilit ko mag move on.Umabot NG dalawang taon bago kosiya natuluyang makalimutan at tinuon sa pagtatrabaho.pero nasa puso ko prin siya dahil hiniling ko siya Kay lord,Sabi ko BIGyan lang Niya Ako ng lalaki na makapag bago NG buhay ko at ibubuhos ko lahat lahat ng pagmamahal ko dito kaso Mali pala.dapat pala nagtira man lang Ako para sa sarili ko para Kung sakaling magkahiwalay kami ay hindi ganun kasakit.Ang second time around Kong pagmamahal ay NG nka move on na Ako may isang lalaking nagpatibok NG puso ko dahil sa pa cute at dimple nito. Mabilis Ang pangyayari.nainlove kami sa isat Isa,Iniwan ko Ang anak ko sa una sa Nanay ko at sumama Ako sa pangalawang pag ibig ko na SI James,sumama Ako sa probinsya nila sa iloilo.naging masaya at tuluyan na akong naghilom sa unang pagibig.Si James ay bata saakin NG sampung taon.ngunit hindi naging had lang Ang edad namin para sa mga nararamdaman namin.At nagbunga Ang aming pagsasama NG tatlong anak.sunod sunod.May time na nag away kami pero nagbabati agad.Sabi nga nila Basta ilonggo masarap magmahal,ganyang SI james.at Basta ilonggo seloso,sobrang seloso ni James Ramdam ko Ang pagmamahal Niya.Hindi man kami mayaman ay makakaraos Naman sa isang araw at lahat ng trabaho ay pinapasok ni James para MABUHAY Niya Ang pamilya namin.Nagkasakit Ako Ngayon lang pandemia,may sintomas Ako ng virus.pero naramdaman ko Ang sobra Niya pag aalaga at pagmamahal sa akin.Suob,inom NG gamot at herbal na ginagawa Niya para gumaling Ako.At nalabanan ko nga Ang virus,gumaling Ako sa pagmamahal NG Asawa ko.Ang Sabi Niya lumaban ka bhe para sa Amin NG mga anak mo,Hindi ko kakayanin Kung mawala ka saakin.Kaya lumaban Ako.Pag Mahal mo lahat ay gagawin mo kahit mahirap.
09120415213






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top