“Dad, kung mararapatin nyo po, ano mang balak na pagpapatanggal ng mana Kay Russel ay sana wag nyo ng ituloy” sabi ko
napalingon silang dalawa sakin sa kinauupuan namin ni Russel
“Iha, anong ibig mong sabihin? na ayos lang sa iyo na hindi ka kilalanin ng anak ko?”
“Dad, matagal ko na po talagang gustong sabihin to sa inyo kaso hindi ako naglakas ng loob . Patawad pero gusto ko na pong makipaghiwalay sa anak ninyo. Hindi ko po kailangan ng mana ninyo. Babalik na po ako sa pagiging simple at malayo sa marangyang buhay. Kaya paki usap patawarin nyo ko. Hindi ko na po kayang mag away pa kayo ng dahil lang sa pagkakasunduan nyo ng papa ko noon.”
“Iha, hindi to maaari, ito ay matagal na napagkasunduan namin ng iyong ama, hindi nako makakahanap pa ng babaeng mapapangasawa ng anak ko na kasing bait mo. Edukada ka at matalino. Higit sa lahat ikaw yung katangiang nararapat lang na bahagi ng aming pamilya.”
“Dad! I’m so sorry buo napo ang desisyon ko . At sayo Russel I’m sorry too...