The Broken Wife Chapter 25


Serenity
Nandito ako ngayon sa aming bahay at kauuwi ko lang dahil simula nang malaman ko na buntis ako ay agad akong hinatid ni Ryker sa aming bahay. Pagdating namin sa bahay ay agad namang sumalubong sa amin si Ryder na parang ang tagal ko na yatang hindi nakita. Sinalubong din kami nina Linda at Maria na masayang nakita kaming magkasamang dalawa. Na-miss ko na ang manatili lang sa bahay dahil sa makalipas na isang buwan ay palaging sa hospital lang kami.
Pagpasok namin ay umupo na muna ako sa sofa dahil pakiramdam ko ay ang tagal kong hindi nanatili sa aming bahay. Agad naman akong binigyan ni Linda ng maiinom at tumabi naman sa akin si Ryder.
“Mama, is it true that you are carrying our brother in your stomach?” Natawa naman kaming dalawa ni Linda sa tanong niya.
“Yes. Pero hindi pa natin alam anak kung boy ba o girl ang magiging kapatid niyo,” sagot ko naman.
“I want to have a brother para may kalaro ako ng cars. Pero kung girl naman ayos lang din naman para paglaki niya ay proprotektahan ko siya from bad guys.” Ginulo ko ang kanyang buhok at saka nginitian niya lang ako.
Napatingin kaming nang makita namin si Ryker na pababa ng hagdan at parang aalis nanaman siya. Siguro ay babantayan niya na muna si Ryleigh dahil malapit na ring lumabas ng hospital ang aming anak. Lumapit siya sa akin sabay napaluhod sa harapan ko at inutusan niya si Linda na pakainin na muna si Ryder ng almusal.
“Will you be okay here? Ano’ng nararamdaman mo? May gusto ka bang kainin?” pag-aalalang tanong niya at umiling naman ako.
“I’m fine. I just feel tired without any reason. Maybe because I’m pregnant that’s why I’m feeling this way. I just want to sleep.” Tumango-tango naman siya.
Tumayo siya sabay umupo sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay ng marahan sabay mataman na nakatingin sa akin na aking ipinagtaka. He looks bothered with something.
“Ryker? May problema ba?” Napatungo siya at saka parang maiiyak na hindi kaya naman napahaplos ako sa kanyang pisngi. “What’s wrong?”
Hinalikan niya ang aking kamay sabay hinalikan ang aking noo kaya natawa ako ng mahina dahil ang wirdo ng inaakto niya ngayon.
“I met Darwin yesterday.” Nawala ang ngiti sa aking mga labi at bigla akong nakaramdam ng kaba dahil natatakot ako na baka pagalitan nanaman niya ako.
“Ryker, I swear—” Umiiling siya.
“No need to explain my love. Sa totoo niyan ay kailangan ko yata siyang pasalamatan dahil kinausap niya ako kahapon at may mga bagay siyang pinaintindi sa akin. Looking back with the way I acted towards you, I became such an asshole. Dapat ay hinayaan muna kitang mag-explain at hindi dapat kita hinusgahan agad. I was wrong my love, and I’m sorry.” Naluha ako at agad ko naman siyang binigyan ng halik sa kanyang noo.
“Thank you,” sagot ko.
“I swear this time, I will ask for your explanation first before jumping to conclusions. Sabi kasi ni Darwin sa akin baka magsawa ka sa pagiging possessive ko at iwan mo ako.” Natawa naman ako ng mahina. “I can’t live without you, my love. Ikaw ang buhay ko at ang mga anak natin. You gave me two beautiful children and now another one is coming on its way. Ayokong sirain ang pamilyang ito dahil lang sa pagiging seloso ko.”
“Ryker, I will always try to understand you and your craziness. Isa pa hindi naman kita iiwan...


lalo na at wala ka namang ginagawa sa akin na masama. You’ve been so kind to me and loving and caring and many more. Kaya wala kang dapat ipag-alala dahil nandito lang ako at hindi kita iiwan.” Napangiti siya sabay binigyan niya ako ng halik sa aking mga labi.
Pagkatapos nito ay halos nabunutan ako ng tinik dahil ang akala ko ay hindi na magbabago pa si Ryker. Sa tingin ko ay kailangan ko ring pasalamatan si Darwin dahil siya ang nagbigay ng kaliwanagan sa aking asawa. Sana hindi na siya bumalik sa pagiging seloso niya.
Umalis na si Ryker sabay sabi na babantayan niya lang daw ng mabuti ang aming anak na si Ryleigh. Lumabas na siya ng aming bahay at sinabing babalik na lang daw mamaya oras na pwede na raw mailabas si Ryleigh. Agad naman akong tumango at saka nakaramdam ng antok. Binuksan ko naman iyon telebisyon sabay nanuod ng movie habang nakaupo para pampalipas ng oras nang may maalala ako.
“Linda,” tawag ko kay Linda at agad naman siyang lumabas ng kusina na mukhang tapos nang pakainin si Ryder.
“Yes Ma’am?” tanong niya.
“Naalala mo pa po ba iyong pulang box na natanggap ko noong isang araw? Iyong pinatapon natin kay Kuya Robert?” Napasinghap si Linda at naalala niya ang tinutukoy ko.
“Ay oo Ma’am. Hindi ko na ho alam kung saan linagay ni Robert iyon pero ang alam ko ay tinapon niya na po ito. Bakit niyo ho naalala iyon Ma’am? May natanggap nanaman ba kayong gano’n?” nag-aalalang tanong ni Linda sa akin.
Umiling naman ako pero iniisip ko kung kailangan ko ba itong sabihin kay Ryker o hindi. Napatingin ako sa aking sinapupunan at napaisip bigla na baka mamaya ay may mangyaring masama sa akin lalo na at nagdadalang tao ako. Hinaplos ko ang aking tiyan at kailangan ko nang tanungin ng mabuti kay Ryker kung sino ba si Laila sa buhay niya dahil malakas ang loob ko na siya ang nagpadala ng kahon na iyon.
Dahil sa pag-iisip ay imbes na antukin ako at magpapahinga ay nagising muli ang aking diwa dahil naalala ko si Laila. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ng aking anak.
Pagsapit ng gabi ay namalayan kong nakatulog na pala ako sa sofa at naka-on pa ang telebisyon. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog dahil madilim na at nakita kong mukhang kinumutan pa ako ni Linda. Pagtingin ko sa orasan ay alas-dose na pala ng gabi pero mukhang wala pa si Ryker at nasa hospital siya. Tatayo na sana ako upang patayin ko ang telebisyon nang makarinig ako ng kalabog sa may garahe. Nasa isip ko na si Kuya Robert ito pero imposible naman iyon dahil part time lang naman siya.
“Linda? Maria?” tanong ko nang muli ako ulit makarinig ng kalabog mula rito.
Tumayo ako upang tignan ito nang marinig ko si Ryder na mukhang nagising din at kinuskos ang kanyang mga mata.
“Mommy, can I sleep with you tonight?” Napalingon ako roon sa may pinto papunta ng garahe sabay linapitan ang aking anak at sakay lumuhod sa kanyang harapan.
“Sure.” Bago kami pumunta sa aking kwarto ay dinouble check ko ng mabuti na sarado lahat ng mga pinto at binatana namin. Mabuti na ang nag-iingat dahil hindi ko alam baka napapasukan na kami ng hindi ko nalalaman. Nang ma-check ko lahat at nasara lahat ng pwedeng maisara ay pumunta na kami ni Ryder sa aking kwarto.
-Ito na po iyong Chapter 25. Enjoy po.-






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top