Fathers and son Part 9


Dalawang araw na ang nakalipas mula nang makuha ni Rodney si Viel mula kay Larry. Labis na nag aalala si Yssa nang mabalitaan ito mula sa kay Larry.
” Larry…napano na kaya si Viel ngayon? Sana naman hindi siya sinasaktan ni Rodney.” Sabi ng titser.
” Sana nga. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.”
” Isuplong mo kaya sa mga pulis.”
” Hindi. Huwag. Mas lalo ko lamang inilalagay sa panganib ang buhay niya. Gagawa na lang ako ng paraan para maibigay ang gusto ni Rodney. At nang makuha ko na si Viel.”
” Kawawang bata. Patatagin niya sana ang kanyang loob sa mga panahong wala ka sa tabi niya.” Maging si Yssa ay hindi mapakali sa kinakakaharap ngayon ng mag ama. Gusto man niyang makatulong pero papano.
Samantala,sa bahay ni Rodney.
” Umuwi ka na kuya.”
” Leslie..may trabaho pa ko. Hindi pa ko makakauwi diyan sa atin. At saka kailangan ko ng pera para pambili ng gamot mo.”
Kausap ni Rodney sa kabilang linya ng telepono ang kapatid nitong babae na may sakit. Matagal na itong nakalagi sa wheelchair. Naaksidente matapos mamatay ang kanilang mama.
” Sige na. Umuwi ka na. Gusto kitang makita.” Paglalambing nito sa kanya. Hindi nito alam ang tungkol sa ginagawa nyang masamang trabaho.
” Sige na nga.” Sa huli ay umoo rin siya.
Napilitan na lamang si Rodney na umuwi kahit na hindi pa niya nakukuha ang nais niya. Isinama niya si Viel sa lugar niya. Ang lugar kung saan siya tunay na nakatira kasama ang kapatid at namayapa nilang ina.
” Sasama ka sakin. Wala pa kong balita sa papa mo kung naihanda na ba niya ang pera. Uuwi tayo sa probinsya.” Sabi niya kay Viel. Pinaghahanda niya ito para sa mahabang byahe.
” Malayo po ba iyon? ”
” Oo. ”
” Paano po si Papa?”
” Ewan ko sa papa mo. Hindi ka na yata kukunin sakin. Pero kung talagang mahal ka niya,gagawa siya ng paraan para makuha ka sakin. Para naman mapasakin na ang pera.”
Tahimik lang si Viel. Alam niyang nagsisinungaling lang si Rodney. Mahal siya ng papa Larry niya kaya maghihintay siya hanggang darating ito upang bawiin siya.
” Sumakay ka na.” Utos niya sa batang nakatayo sa tapat ng pintuan ng kotse. ” Aalis tayo ng maaga dahil tiyak aabutan tayo ng gabi sa daan kung magtatagal pa tayo rito.”
Kumilos si Viel. Pumasok sa pintuang kakabukas lang ni Rodney. Malungkot siya. Malungkot na malungkot. Ibig niyang maiyak pero baka magagalit si Rodney sa kanya.
Habang nasa byahe,hindi maiwasang makatulog si Viel. Bahagyang nakabukas ang bintana ng kotse kaya nakakapasok ang sariwang hangin sa loob. Ilang oras na rin silang bumabyahe. Ilang baryo na rin ang nadadanan nila.
Tumunog ang telepono ni Rodney habang nagmamaneho. Nasa kanyang bulsa ito kaya medyo nahirapan siyang dukutin. Nakapokus rin kasi siya sa pagmamaneho dahil sa tinatahak nila ang mala roller coaster na kalsada na hanggang ngayon ay hindi pa rin naayos. Inutusan niya si Viel na dukutin ito sa bulsa niya. Pilit niya itong ginising.
” Dahan dahan baka iba yang makapa mo.” Seryoso niyang saad kay Viel na sumunod naman sa utos niya. ” Yan..malapit na. O! Baka mahawakan mo ang hindi dapat mahawakan.”
Tumigil saglit si Viel at tumingin sa kanya.
” Palabiro din po pala kayo.” Sabi niya.
” Hindi ako nagbibiro. Pinapaalalahanan lang kita.” Pagdadahilan ni Rodney.” Dali na. Baka yong kapatid ko na iyan ang tumatawag.”
” Opo.”
Maya maya ay tagumpay niyang nadukot ang telepono sa bulsa ni Rodney.
” Pindutin mo. Sagutin mo na rin.”
” Po?!”
” Sige na. Alam mo naman siguro kung paano sagutin yan.”
” Opo.”
Pinindot ni Viel ang telepono saka sinagot ito. Hindi nagkakamali si Rodney. Si Leslie ang tumatawag.
” Hello…” Panimula ni Viel.
” Hello,kuya…nasaan ka na ba?” Tanong nito.” Teka. Bata ba iyang sumagot? Anak mo ba yan,kuya? Ang saya naman. Hindi lang ikaw ang makikita ko. Pati ang anak mo,kuya.”
” Leslie…” Hindi makasagot si Rodney sa kapatid dahil wala itong preno kung nagsasalita.
” Dalian mo kuya. Gusto ko na siyang makita. Gwapo siguro kagaya mo.” Halata ang pagkasabik ni Leslie kay Viel. Ang buong akala niya ay anak ito ni Rodney.
” Leslie,sandali…”
” Ibababa ko na kuya para makapagmaneho ka ng maayos. Mag iingat kayo ng anak mo ha?”
” Teka lang.. ” Pero pinatay na ni Leslie ang telepono.
Tiningnan ni Viel si...


Rodney. Titig na titig ang bata sa kanya. Nailang naman yata si Rodney sa titig ng bata sa kanya.
” O! Bakit ganyan ka makatingin sa kin? Hindi ko sinabing anak kita. Siya lang.”
” Wala naman po akong sinasabi.” Sagot ni Viel sa kanya.
” Psshh!!”
Nakalampas sila sa mala roller coaster na daanan. Ang dulo nun ay ang lugar na ni Rodney. Malayo pa lang ay natatanaw na ni Rodney ang kapatid niyang naka upo sa wheel chair. Kumakaway pa ito habang papalapit ang kotseng lulan nila ni Viel.
” Kuya!!” Masayang tawag ni Leslie kay Rodney. ” Nasaan ang anak mo?!” Tanong niya sa kalalabas ng kotse na si Rodney.
Ngayon lamang nakita ni Rodney ang kapatid niya na masaya. Bihira kasi niya itong nakikitang ngumiti buhat nang mawala ang kanilang mama.
” Ang anak mo? Saan na kuya? Nasa loob pa ba?” Sigaw niya.
Tahimik lang si Rodney. Tiningnan si Viel sa loob ng kotse.
” Bumaba ka na .” Utos niya. Kalmadong utos niya sa bata.
Dahan dahang binuksan ni Viel ang pintuan,at dahan dahan ring bumaba. Pagkalabas ay sinara niya ang pinto at nanatiling nakatayo.
” Woow…ang pogi. Halika.” Masayang masaya si Leslie nang makita niya si Viel.
Alanganin namang lumapit si Viel sa dalaga.
” Lumapit ka sa tita mo.” Biglang saad ni Rodney. ” Dali na!”
” Kuya naman. Huwag mo namang madaliin ang anak mo. Alam kong naninibago siya. Hayaan mo syang kusang lumapit sakin.” Saway niya sa naiinip na si Rodney.
Natatakot man si Viel pero lumapit pa rin siya ng dahan dahan kay Leslie. Ang huli naman ay inilahad ang magkabilang kamay upang yakapin si Viel. Nakaramdam naman ng kabaitan si Viel sa katauhan ni Leslie kaya yumakap siya rito.
” Sa tingin ko,mabait kang bata.” Hinuha ni Leslie kay Viel. ” Pero ang papa mo…” Bumaling siya kay Rodney.” Ang sungit niyan. Kaya kapag napapagilatan ka niya ,lumapit ka sakin ha. Nakikinig sakin ang papa mo.” Sabi nito na sinabayan pa ng matamis na ngiti. ” Halika sa loob.”
” O,bakit siya lang inaya mo?Akala ko ba gusto mo kong makita? Nakikiusap ka pa nga sa telepono.” Sabat ni Rodney sa kanila.
” Syempre kasama ka rin kuya. Pero dito ka nakatira kaya hindi ka na kailangang sabihan na pumasok. Halika ka na.” Anyaya nito kay Viel.
Si Rodney na ang nagtulak ng wheel chair ni Leslie paloob dahil hindi na nito binitiwan ang kamay ni Viel. Napa iling na lamang si Rodney sa nangyayari.
” Halika. Pasok tayo sa kwarto ko. May mga laruan ako dun na hindi ko na ginagamit. Mahilig ako sa laruan noong maliit pa ko kaya maraming naka display. Hindi ko itinatapon.”
Wala pa ring imik si Viel habang panay ang kwento ni Leslie.
” Kung gusto mong maglaro,kuha ka lang ha.” Sabi pa rin niya kay Viel.
Habang si Rodney naman ay nagmamasid lang sa dalawa. Ano na ngayon ang susunod na mangyayari gayong nandito sila sa lugar nila. Paano niya maibabalik si Viel kay Larry kapalit ang perang hinihingi niya kung si Viel naman ang magiging kasiyahan ng kapatid nyang matagal nang nanantili sa wheel chair.
” Leslie….”
” Kuya? Bakit?”
” Saan na ba yong nag aalaga sayo? Binabayaran siya ng maayos tapos wala siya rito.”
” Eh,kuya..pinauwi ko sa kanila. Gusto talaga kitang makita kaya sana ikaw muna ang mag aalaga sakin. Ilang linggo ka na ring hindi umuuwi rito. Puro ka na lang trabaho. Hindi mo na ko nadadalaw gaya ng dati.” Bahagyang nagtampo si Leslie kay Rodney. Mabait itong kuya sa mga mata niya. Pero masamang tao naman sa iba.
” Sige. Magpapahinga na muna ako.” Sabi niya. Hinayaan na muna nyang magsama sina Leslie at Viel.
Pumasok ng kwarto si Rodney. Naghubad ng jacket saka kinuha ang telepono. Tinawagan ang isa sa mga alipores nila.
” Anong balita? ”
” Mukhang hindi pa rin naihahanda ni Larry ang pera boss. Nasa tapat ako ngayon ng bahay nila at ilang araw na rin siyang minamanmanan. Wala pa ring pagbabago. Nahihirapan yata sa paghahanap ng pera. ”
” Huh! Talagang mahihirapan siya. Aabot ng ilang taon bago niya makumpleto ang perang hinihingi ko. Pero alam ko,para sa anak niya gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan. Makuha lang niya ito. Sige na. Balitaan mo ko kung saka sakali man. ”
” Sige ,boss Rodney.”
Pagkababa ng telepono,nagpasya siyang matulog na muna. Nakakapagod yata ang magmaneho ng mahabang oras.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top