Beautify Chapter 4


*FLASHBACK*
” Diego , don’t you dare na ipakilala sa akin yang babaeng yan. I will never accept that woman.! ” sigaw ni Clara Salvador sa kapatid.
” Come on ate shes a kind woman you’ll know when you meet her.” pagpipilit niya sa kapatid ngunit matigas ang puso ng kapatid.
Hindi niya tanggap ang babae para sa kapatid niya dahil ang pera lamang daw ang habol nito sa kanyang kapatid. Hindi niya hahayaan na magkatuluyan silang dalawa ng babaeng yun. Gagawa siya ng paraan para magkalayo silang dalawa. Sa una ay di siya nagtagumpay dahil tumakas ang kapatid niya kasama ang kasintahan papunta sa kung saan mang lupalop ng pilipinas .
Ipinahanap niya ang mga ito ngunit bigo siya hanggang sa pumunta siya sa Quirino Province dahil sa isang business trip at doon niya aksidenteng nkita ang kapatid habang nagtatrabaho sa isang cosmetic shop. Hindi siya nagpakita dito dahil alam niyang ttakas na naman ito kapag nakita siya.
Pinapanood niya ito nang biglang may lumapit sa kapatid ang kanyang kasintahan at osang batang paslit. Marahil ay anak nila ito. Lalo lamang nadagdagan ang galit niya sa babae dahil nagpa anak pa ito sa kapatid niya.
“You’ll see what I’m capable of you bitch! ” saad niya bago tuluyang nilisan ang lugar.
Pagkabalik ng Isabela ay agad niyang isinagawa ang plano niya. Nag hire siya ng isang babae para maisakatuparan lahat ng balak. At nagawa niya ang unang hakbang. Saktong out ni Diego sa kanyang trabaho nang magkayayaan sila na mag inuman dahil birthday daw ng isa sa mga katrabaho niya.
Sa inuman habang nagkakasayahan sila ay may ipinakilala sa kanila ang isa nilang work mate . Si Amy , matangkad maputi sexy at may mala papayang hinaharap. Ngunit kahit ganun pa man ito kaganda ay wala lang sa kanya ang babae .
Alas onse na ng gabi at mga lasing na ang mga kasama niya ganun din siya. Uuwi na siya akmang tatayo na siya ay natumba siya sa sobrang kalasingan. Naramdaman na lmang niya na may umalalay sa kanya at di na niya alam ang mga sumunod na nangyari.
“Nasaan na ba si Diego? ” alalang alala na si Melody . Paano ba naman eh hating gabi na wala padin ang asawa. Hindi siya mapakali. Nagapapabalik balik siya ng lakad hanggang siya ay napagod na at umupo at tuluyan na siyang nakatulog sa sofa.
Napamulat si Diego “arrrggghhh!! ” nasapo niya ang kanyang ulo sa sobrang sakit nito. Marahil ay dahil sa marami siyang nainom noong nagdaang gabi. Ngunit laking gulat niya ng mayakita siyang babae sa tabi niya. Naka kumot ito hanggang dibdib at saka lang rumehistro sa utak niya na pati siya ay walang suot na kahit ano.
Nagmamadali siyang nagbihis ngunit dahan dahan upang di magising ang babae. Anong ginawa niya!? Wala siyang maalala. Natutuloro siya at nagmamadaling lumabas ng silid. Napagtanto niya na isa itong Inn at napapasabunot nalang habang naglalakad palabas. Pilit inaalala ang mga nangyari.
Samantala ang donya Clara ay may kausap sa telepono.” Ok that’s good. Salamat naman at maasahan kita. Your full payment will be at your bank account later this afternoon. Ok bye.” saka ibinaba ang telepono saka tumawa ng tawang pang demonyo.
” We’ll see what you’re going to do you bitch!” sabay tungga ng wine sa kanyang baso.
Nagising na lamang si Melody dahil sa sunod sunod na katok kaya pinagbuksan niya ito. Isang delivery man iyon.
“May package po kayo maam”, at inabot ito sa kanya.
“Ha? Wala naman akong inaasahan na ganito? Kanino daw galing? ,” tanong niya rito.
“No name po maam ng sender so diko po alam maam.” tanging sagot ng delivery man atsaka pinapirmahan sa kanya ang receipt saka ito umalis.
“Kanino kaya to galing— ,” bubuksan na sana niya ito ng may kumatok ulit sa pinto. Ipinatong niya ang envelope sa ibabaw ng center table ngunit nalaglag ito at pumailalim sa sofa .
Binuksan niya ang pinto at nakita niya ang asawa. “Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? ” panay na tanong niya sa asawa na nakahalukipkip pa.
“Mahal, pasensya ka na ha di ko nakapagpaalam sayo kasi biglang nagyaya ang katrabaho ko mag inom kasi birthday niya kahapon. Eh sabi kp monsan lang naman ako mag inom kaya sumama na ako kaso nung uiwi na sana ako pinigilan ako. Wala na akong nagawa.” mahabang paliwanag niya habang magkahawak ang dalawa niyang kamay at nakayuko dahil di makatingin sa asawa dahil para siyang pinapaso sa. Titig nito sa kanya.
” Alam mo bang sobrang nag alala ako? Na baka may nangyari na sayong masama! Di san tumawag ka manlang sana sakin para alam ko di yung para akong t*ng* sa kakahintay sa wala! Sobrang nag alala ako sayo Diego!” naiiyak na ito di dahil sa galit kundi nagtatampo lang siya dahil di man lang naisip ng asawa na tawagan siya para hindi ito mag alala.
“Mahal , sorry na dina mauulit. Please patawarin mo na ako .” niyakap niya ang asawa na umiiyak na.
” Mangako ka sakin na dina ito mauulit pa.”
“Pangako mahal,” tinaas pa nito ang kanang kamay at dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa kanyang asawa at hinagkan ito ng buong pananabik.
Lumipas ang ilang linggo ngunit hindi padin nakikipag hiwalay ang babaeng sa kanyang kapatid.
“Aaahhhhhhh!!!!! ” galit na galit si donya Clara at pinaghahagis ang mga bagay na kanyang mahawakan.
” Di ako makakapayag! Ako mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo.! Dika nababagay sa kapatid ko! Aaahhhhh! ” galot...


na galit na saad ng donya.
Ora mismo ay pinuntahan niya ang kapatid sa kanyang pinagtatrabahuhan. Pumasok agad siya sa loob. “Can I talk to Mr. Diego Salvador? ” agad ma tanong niya sa cashier.
“Yes maam .May I know who you are maam?
“Tell him I’m Mrs. Clara Salvador”
“Wait for a second I’ll go look for him” ani ng cashier.
Ilang sandali lang ay lumabas na ang kapatid at nagulat pa siya nang makita ang kapatid. “Anong ginagawa mo dito ate? ” agad na tanong niya sa kapatid.
“Can’t you offer me a drink first? My little brother..” hinawakan pa nito ang baba ng kapatid ngunit agad naman niya itong iniiwas.
” Get out ate! I don’t want to talk to you.” asik nito sa kapatid. ” Don’t bother us anymore please. Im happy now ” pagmamakaawa niya sa kapatid.
” No ! ” sigaw niya
” Can you please lower your voice” pagpipigil niya sa galit niya.
” No! That slut woman will never be one of our family.”
” Don’t you dare call Melody that way again or else… ” nag igting ang bagang niya dahil sa inis sa kapatid.
“Or else what! ” sigaw niya ulit kay Diego
” She will curse you when she knows that you betrayed her!
“What? I never did that to her. Mahal na mahal ko siya at diko kailanman gagawin yun sa kanya! ” singhal din niya sa kapatid kahit naguguluhan na siya.
“Oh really? Then what about this ?” inabot niya dito ang isang brown envelope.
Naguguluhan man ay kinuha niya ito ngunit di pa niya nabubuksan ay nagsalita ulit ang kapatid. ” Leave that woman or I’ll be the one to destroy your family. Don’t you dare to say No again. Hindi mo alam ang kaya kong gawin my brother. I’ll make that woman suffer all her life,” aalis na ito nang may maalala ” o and by the way she’ll suffer with her only DAUGHTER” nginisian pa siya ng kapatid bago iwang nakatulala.
Umuwi siya ng bahay nila at nagmamadaling nag empake ng kaniyang mga gamit. Matatapos na siya ng pumasok ang asawa niya.
” Mahal anong ginagawa mo? Bakit ka nag eempake? San ang lakad mo? ” nagtatakang tanong ng asawa sa kanya ngunit di siya sumagot.
Lumabas na siya ng kwarto at dali daling tinungo ang pinto. ” Aalis ka? Iiwan mo kami ng anak mo?” garalgal na ang bose nito dahil sa nagbabadyang luha. Ipinakita niya ang isang brown envelope at hinagis Kay Diego.
” Siya ang dahilan diba? Yang babaeng yan? ” Hindi makalingon si Diego dahil naluluha na din siya ngunit kailangan niyang gawin iyan para sa mag ina niya. Hindi niya hahayaan na maghirap sila dahil sa kagagawan ng kapatid niya na di alam ng asawa na may kapatid ito.
Lumuhod ang asawa niya at nagmamakaawa na wag siyang iwan ngunit tinuloy padin niya ang pag alis niya. Sinulyapan niya lamang ng bahagya ang anak at saka tinabig ang asawa saka tuluyan ng umalis. Deretso siya sa tricycle kung saan naroroon ang kanyang kapatid na masayang pinanuod ang mga nangyari.
*End of flashback*
Napahinto ang pagbabalik tanaw ni Mrs. Salvador nang lumapit sa kanya ang hinihintay niya.
“Good morning po. Sorry pp kung pinaghintay namin kayo. May nangyari lang po kasi. Pasensya na po.” panay ang hingi niya ng paumanhin sa donya.
“No it’s ok. I just arrived. Please be sitted” at sabay alok ng bakanteng upuan.
” Let’s order first. What do you want? ”
“Kahit ano nlng po” si Kurt ang sumagot.
“Ok then.” at nag order na sila.
Habang kumakain ay diniscuss na ni Mrs. Salvador ang lahat ng tungkol sa kanilang scholarship.
” Thank you ma’am. Gagawin po namin lahat para maging worth it ng binigay niyong scholarships samin”
” Yes maam salamat po” si Kurt
“You’re welcome darlings . Okey then I’ll go ahead. See you around” paalam ng donya habang nakangiti.
“Bye maam!” sambit ng dalawa.
“Yes! We made it Kurt! ” at walang ano anong yumakap siya sa binata na kinagulat naman nito. Niyakap niya ito pabalik.
“Yes baby. We made it. ” mahinang usal niya.
Bigla na lamang itong kumalas sa pagkakayakap ng marining ang sinabi ng binata. Napayuko siya dahil tila namumula na namn ang kanyang mukha.
” Uhm .. let’s go home?” yaya nalang niya dito. ” Pwede bang dahan dahan lang ang pagda drive please🥺 I’m afraid of fast vehicles.😔”
“Your wish is mya command my baby” mamula na naman siya dahil sa sinabi ng binata mabuti na lamang at naka full face helmet siya at di na ito kita ng binata.
Pagka hinto ng motor ay agad na siyang bumaba at nagmamadaling pumasok sa kanila pero..
“Ahem! ” si kurt sa kanya
“W-why? ” Namumula pa din siya at parang may paru paro sa tiyan niya.
“My helmet baby you forgot to give it back.”
” Ahhh…” Agad na hinubad at inabot sa kanya at lakad takbo siyang pumasok sa loob ng kwarto saka humiga.
“What’s with you Ysabelle? ” Sabay gulo ng sariling buhok. Ano tong nararamdaman ko? ” tanong niya sa sarili.
❤️Yow ano nga kaya ang nararamdaman niya😁
Till next chapter guys
Enjoy reading ❤️
_jerilou❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top