Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 38.1


Nangunguha kame ng kahoy ni Long para sa panggatong namin..
Tanghaling tapat nun at masaya pa kameng nagkukwentuhang dalawa..
Nang biglang tinuklaw ng cobra si Long… Di nmin ito namalayan dahiL abala kame sa pagkukwentuhan habang nangunguha ng tuyong sanga ng mga kahoy ..
“Aray! Sigaw ni Long habang hawak hawak ang paang natuklaw ng cobra ..
“HaLa Long ,bakit? Tanong ko kay Long nung di ko pa alam ang nangyare sa kanya.
Napaupo na si Long.. Tagaktak ang pawis sa noo..
“Di ko napansin yung cobra ate Esang.. Naapakan ko “,
“Nako.! Pano na yan…”,taranta kong turan dito. “teka. Tatawagin ko yung cobra. Ay mali si tita tatawagin ko “.
Akma na kong tatayo ng pigilan ako ni Long..
“Wag na ate Esang. Alam ko namang di na ko magtatagal.. DahiL kumalat na ang lason sa katawan ko. Saka malayo din ang bayan para madala pa ko sa ospital” sabi nto at halatang kinakapos na ng hininga… Nahihirapan na si Long..
“Ano ba Long. Wag kang ganyan.. Wag mong iisipin yan.. Di ko kakayanin “,umiiyak kong turan dto..
Hinahanap ko ng mata ko ang pesteng cobra pero di ko na makita.
“ate Esang…. ” mahinang usaL neto at dahan dahan ng ipinikit ang mga mata
“Longgggg …wag! Wag kang pumikit. Pleaseeee…pakiusap. wag mong iiwan ang ate Esang.. Long… Sigaw ko habang umiiyak..
“tita …
“tita…
Tulong ….
“hoy Esang ?? Sabay yugyug sa balikat ko..
Napabalikwas ako ng bangon.. Napansin kong basang basa ang unan ko ng luha at pati mata ko’y basa din..
“Ano bang nangyare sayo? Kanina ka pa jan umuungoL.. ” tanong ni tita .
Panaginip lang pala.! Ay salamat at panaginip lang pala..
Akala ko totoo na talaga. Ang sakit pa tuLoy ng puso ko.
Tiningnan ko si Long na mahimbing na natutulog.. Hinawakan ko ang mukha nya para masiguradong di na ko nanaginip. Nakahinga ako ng maluwang..
“tingnan mo to. Pagtinatanong.. D sumasagot “,si tita na tila naiirita sa pananahimik ko.
“Nanaginip po ako....


Isang masamang panaginip “sabi ko dto.
“Oh sya.. D yun totoo. Kalimutan mo na yun. Mabuti pa manghiram ka ng lighter sa tito mo para masindihan ko na tong gasera ng makapag asikaso na tayo kase alas kwatro na. Manglalaot pa nman sila tito mo ngayon… “mahabang sabi ni tita.
Napansin ko ngang wala pa palang sindi ang gasira.. Tanging ang liwanag lamang ng buwan na pumapasok sa siwang ng aming dinding ang tanging ilaw para maaninag ko si tita na nakaupo sa pinto ng kwarto..
“bilisan mo na.. Iihi muna ako. “sabi nitong nagmamadaling pumunta sa may kusina.
Bumaba na ko sa papag at binuksan ang pinto ng bahay..
Katabi lng ng bahay namin ang payag ni tito..
Lumakad ako ng dahan dahan pero di ko parin mawala sa isip ko ang napanaginipan ko kani kanina lng..
DahiL sa takot namin kay MaryaLabo ay d na namin naisipang bumili ng posporo kanina bago matulog.
Nakita ko na si tito.. Nilapitan ko ang bandang paanan nya para sana kalabitin sya para magising ng bigLang..
SINIPA AKO NI TITO SA SIKMURA 😭
Tumalsik ako at naramdaman kong tumama ang uLo ko sa may malaking puno ng kahoy na nakatambak sa aming bakuran .
Hindi ako makahinga.. Subrang sakit ng ulo ko at ang hapdi ng sikmura ko.
Tumatakbong palapit sa akin si tito at akmang susuntukin pa ko neto …
Kahit hirap ay pinilit kong magsalita .kahit hinahabol ko ang aking paghinga dahiL sa pagsipa ni tito ay pinilit ko talaga para d na ko masuntok pa ni tito at baka yun na ang ikamatay ko..
” ti.. — to..”mahinang boses na sabi ko.
Huling salitang nabanggit ko bago ako malagutan ng hininga.
WAKAS 😂
Natuwa po ako dun sa mga magulang na nagmention na ng kanilang mga anak..
Sa mga tita/tito na nagmention na rin ng mga kapatid nila dahiL problemado sila sa mga pamingkin nila.
At sa mga napakwento sa mga nakaraang karanasan nila sa buhay…
Lubos po akong NAGPAPASALAMAT. ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top