Marahas na binawi nito ang bag nito. “Wala na akong pambili ng Prozac, gaga!”
“But what are you going to do, Tita?” tanong ni Jonathan.
“Hindi ko alam. Wala akong alam.”
Inakbayan ito ni Jonathan. “You’ll be okay.”
“I will never be okay! Saan kami titira ni Matilda? Saan kami kukuha ng kakaininsa araw-araw?”
Umiling-iling sina Laila at Luchie.
“Hindi ka kasi nakinig sa akin, Lisbeth,” ani Laila.
“Sinabihan na kita noon na mag negosyo ka.”
“At sinabihan kitana mag-ipon habang may naibibigay sa’yo si Ramses. Alam mo naman ang ugali n’on. Dapat ay naging marunong at praktikal ka noon pa,” wika naman ni Luchie.
“Paano ko maiisip mag ipon, ha? Ang kaligayahan ko lang ay ang gumasta. At paano ako mag nenegosyo gayong hindi naman ako binibigyan ng lintik na Ramses na iyon ng puhunan?”
Hindi na nagsalita uli sina Luchie at Laila. Alam na ng mga ito na talagang hindi rin marunong humawak ng pera ang kanyang mama. Hindi niya masisisi ito. Paggasta lamang ang naging konsolasyon nito sa pananatili sa piling ng kanyang papa.
“Kasalanan ninyo,” paninisi nito kina Luchie at Laila. “Kung hindi kayo pumatol sa magaling kong asawa, hindi sana naging ganito kamiserable ang buhay ko.” Supalpal ang dalawang ginang.
Si Luchie ang unang nakabawi. ” Pinagbayaran naman namin ang kasalanan namin sa’yo, Lisbeth.”
“At bayaran n’yo ako ngayon sa mga ginastos ko sa libing.”
Agad na naglabas...