πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ΰΌ„ βœοΈŽβ„‚β„π”Έβ„™π•‹π”Όβ„ π”Όπ•€π”Ύβ„π•‹π”Όπ”Όβ„•βœοΈŽ


“ANG DAMING dumi sa paligid. Yuck!”
Napaismid na lang si Claire ng paringgan siya ng isang estudyante. Napabuntong hininga na lang si Claire at nagpatuloy ang pagwawalis.
Yong saya pala na naramdaman kahapon napalitan ng matinding kapalit.
“Claire!”
Napatigil siya sa pagwawalis ng marinig ang pamilyar na boses. Agad siyang lumingon.
“Ace?” tanong ni Claire. Lumapit sa kanya si Ace at napakunot noo ako at saka napatingin sa hawak niyang paper bag.
“May k-kailangan ka po?” Alam naman niyang mabait si Ace pero member pa rin ito ng BTS Group.
“Sayo yata to, nakita ko kanina sa kusina ng hide out. Siguro kay Rain yan galing,” sabi ni Ace at inabot. Nag aalangang kinuha naman yon ni Claire.
“Baka naman hindi sakin to, imposibleng bigyan ako ni Rain ng kahit ano,” sabi ni Claire at akmang ibabalik niya kay Ace peru agad siyang pinigilan.
“May nakalagay na pangalan mo, oh!” Tinuro ni Ace ang parte ng may pangalan ‘CLAIRE’. Napakamot nalang sa batok si Claire at tipid na ngumiti.
“S-Sige, salamat.” sabi na lang ni Claire. Ngumiti si Ace at tinapik siya sa balikat bago umalis.
Umupo si Claire sa bench at tinignan ang laman ng paper bag. Natigilan siyang nakita ang lama, kanin at sinigang. Tinignan niya pa ang loob, gamot at bottled water.
πŸ’­ Kaya niya ba ako pinapapunta kanina sa hide out dahil dito? πŸ’­
Agad niyang ibinalik sa paper bag ang laman at saka tumayo. Kailangan niyang makausap si Rain, nakonsensya tuloy siya bigla.
Inilagay niya ang walis sa gilid at patakbong pumunta sa hide out.
Natigilan siyang naabutan niya ang ilang member ng BTS Group sa hideout, si Mike, Clarence at Luke na prenteng nakaupo sa couch.
“You’re looking for Rain, I suppose,” sabi ni Luke habang nagbabasa ng libro.
“Oo nandito ba siya?”
“Nandoon siya sa kuwarto niya, pwede ka ng pumasok. Wag kang mag-alala dahil sound proof naman yon. Hindi namin maririnig ang gagawin——–aray!” napahawak si Clarence sa braso ng batuhin siya ng sapatos ni Luke.
“Puro ka kabalastugang hayop ka!” napapailing na sabi ni Luke.
“Sus, kunwari pa eh isa ka ring hayok sa ———” hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil tumingin sa kanya ng masama si Luke.
Napakibit balikat na lang si Claire at dumiretso na sa kwarto ni Rain. Huminga muna siya nang malalim para magpatanggal ng kaba.
Binuksan niya ang pinto at agad na pumasok. Naabutan niya si Rain na nakatutok sa laptop. Sinara niya ang pinto at nagaalangang lumapit siya kay Rain.
“Rain……”
Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa kanya, napalunok si Claire habang mapansing walang bahid na emosyon sa mga mata nito.
“Pasensya na nga pala kung hindi ako nakapunta kanina. Sayo ba galing to? Salamat,” sabi niya at napatungo.
Natigilan si Claire nang lumapit sa kanya si Rain at saka hinablot sakanya ang paper bag at tinapon sa basurahan.
“B-Bakit mo tinapon?”
“Kumain kana diba? Para saan pa yon?
Hindi nakasagot si Claire. πŸ’­Bakit ba siya nagkakaganito? Pwede ko namang kainin yon tutal matakaw naman ako. πŸ’­
“Umalis ka na, may trabaho ka pang tatapusin,” pagtaboy sakanya ni Rain at saka umupo ulit.
Napabuntong hininga na lang si Claire.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
NAGBIBIHIS si Claire nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuntong hininga siya nang tumunog ang kanyang cellphone at makita kung sino ang caller. Si Angenica……..
“H-Hello?…..”
“Go to the canteen, right now.” utos nito.
“Okay.” sabi nalang niya at pinatay ang tawag.
Natigilan si Claire nang makita ang isang pahirap din sa buhay niya.
πŸ’­ Ano ba naman yan? Kakatapos lang kay Rain at siya na naman. πŸ’­
“May iuutos ka ba? May gagawin kasi ako eh,” sabi niya kay Angenica saka napakamot sa batok.
“Here’s the list,” sabi nito saka may papel na inabot. Napakunot ang noo ni Claire habang nakatingin sa mga nakalista doon.
“Anong gagawin ko sa mga listahang to?”
Kung ano-ano ang nakalista sa papel, merong napkin, shampoo, facial wash at kung ano-ano pa. Basta mahaba ang listahan, as in sobrang haba na parang listahan ng nanay na mag grocery.
“Tinatamad akong bumili ng mga yan sa grocery store, ikaw na maghanap at bumili ng mga niyan. At pagkatapos pakidala mo dito sakin, here’s the money.” Napaawang ang mga labi ni Claire.
“Pwede mamaya na? Kapag tapos na ang klase ko?” pakiusap ni Claire kay Angenica.
“No, I need it as soon as possible,” nakataas ang kilay na sabi.


/> Naiwan siyang tulala nang makaalis si Angenica. Napabuntong hininga siya at naglakad na para pumunta ng grocery store.
3πš‘πšπš‚. π™»πšŠπšπšŽπš›……..
Bitbit ni Claire ang napakadaming supot na inutos ni Angenica.
πŸ’­ Ang lakas din talaga ng trip ng babaeng yon eh, basta may maiutos lang siya sakin. πŸ’­
Pawis na pawis siyang nakarating ng school, wala sa canteen si Angenica. Ang bigat bigat ng mga dala niya.
“Claire! Akin na yan!”
πŸ’­ Dumating ang hero ng buhay ko na si Mark. Bakit hindi nagmana si Angenica kay Mark? πŸ’­
Kinuha ni Mark ang mga bitbit niya.
“Saan to dadalhin?”
“Sa arts department nalang,” sagot ni Claire na humihingal.
“Si Angenica na naman ngayon?” Tipid na ngumiti si Claire at tumango.
Napabuntong hininga nalang si Mark at saka naglakad na sila. Pagkarating nila sa arts room, naabutan nila si Angenica na parelax relax lang habang nagpipinta ng kung anu-ano.
“Hoy ikaw!”
Natigilan si Angenica at gulat na napatingin kay Claire. Naiinis na kinuha ni Claire ang isang plastic bag at hinagis yun sa paanan niya. Napatili naman sila ng kaibigan niya dahil sa gulat.
“Are you nuts?” naiinis na sigaw ni Angenica.
“Nakakapikon ka na, ah! Kunwari ka pa na nag-iinarte kay Rain, gusto mo rin naman makipagbalikan sa kaniya diba?” Gusto mo lang talaga akong pahirapan na bwisit ka!”
Narinig ni Claire ang mahinang pagtawa ni Mark sa likod niya pero hindi niya ito pinansin, nag-iinit talaga ang ulo niya sa babaeng to.
“What’s happening here?”
Literal na natigilan si Claire nang marinig ang boses na yon. Naikuyom niya ang kanyang kamao.
“Pinagdadabugan niya ako Rain, natamaan ako sa paa.” lumapit ito kay Rain at kumapit sa braso.
Napaiwas ng tingin si Claire na para bang may tumutusok sa kanyang puso.
Naramdaman niyang humawak sa kanyang balikat si Mark na tila ba sinasabi niya na dadamayan siya. Bumaba ang tingin ni Rain sa balikat ni Claire kung saan nakadantay doon ang kamay ni Mark.
“Inutusan ko lang naman siya eh, wala siyang karapatan magreklamo diba?” Nag-init lalo ang ulo ni Claire sa sinabi ni Angenica.
“This is too much Angenica, marami ring kailangan gawin si Claire. Hindi lang kayo ni Rain ang kailangan niyang asikasuhin, grow up will you?” malamig na sabi ni Mark.
“Gagawin ni Angenica kung ano ang gusto niyang gawin kay Claire, wag kang mangialam kung ayaw mong tayo ang magtuos.” mapanganib na sabi naman ni Rain saka walang salita na lumabas ng arts room kasama si Angenica.
Napabuntong hininga nalang si Claire at dali daling umalis din.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
AGAD NAGTUNGO si Claire sa locker room at kinuha niya ang mga gamit niya doon at pinasok sa bag.
“Claire, a-anong nangyayari? Bakit mo kinukuha mga gamit mo sa locker mo?” tanong ni Lara.
Hindi niya sinagot ang tanong ni Lara. Agad siyang lumabas ng locker room matapos kuhanin lahat ng gamit niya at umalis.
Agad pinahid ni Claire ang kanyang luha habang tinatahak ang papuntang hide out. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa galit. Galit na galit siya at sobrang nasasaktan.
Napalingon ang BTS Group pagpasok niya sa hideout nila.
“Hi Claire, ano yang dala mo?” hindi niya pinansin ang tanong ni Clarence. Agad siyang nagtungo sa harap ni Rain. Natigilan si Rain nang ihampas niya ang bag niya sa harap ni Rain. Agad napatayo ito.
“What the f*ck is your problem?” bulyaw niya kay Claire.
Natahimik ang BTS Group na nakatingin sa kanila maliban kay Mark na lumapit at hinawakan siya sa balikat.
“H-Hayop ka! Hindi pa ba sapat na araw-araw mo akong pinapahirapan? Hindi ka pa ba nakukuntento? Nakukulangan ka pa rin ba kaya pati si Angenica inuutusan na din ako?”
Natulala lang si Rain sakanya. Hindi na ni Claire napigilan ang mga luha na naglandas sa kanyang mga mata. Hirap na hirap na talaga siya sa mga pinaggagawa sakanya sa school.
“D-Diba sabi mo titigilan mo na ako kapag umalis ako ng school na to? S-Sige pagbibigyan na kita! A-alis na ko ng school na to kaya please lang nagmamakaawa ako tigilan niyo na ako. Sawang sawa na ako, Rain. P-pagod na pagod na ako. Sobrang pagod na.” sabi ni Claire na tuluyang napahagulhol ng iyak.
Nakatitig lang si Rain sakanya. At inaalo naman siya ni Mark. “Claire, ihahatid na kita.”
Kahit na nanghihina pa siya, pinilit niyang kinuha ang bag na hawak ni Mark at di nito pinansin ang sinabi.
“A-ayoko ng makita ang demonyong tulad mo kahit kailan!”






Share On Whatsapp

"8" Comments
  1. Amazing! Your site has quite a few comment posts. How did you get all of these bloggers to look at your site I’m envious! I’m still studying all about posting articles on the net. I’m going to view pages on your website to get a better understanding how to attract more people. Thank you!

  2. While this issue can vexed most people, my thought is that there has to be a middle or common ground that we all can find. I do value that you’ve added pertinent and sound commentary here though. Thank you!

  3. I like this weblog very much so much great info .

  4. Advanced reading here!

  5. My brother suggested I might like this websiteHe was once totally rightThis post truly made my dayYou can not imagine simply how a lot time I had spent for this information! Thanks!

  6. This website has lots of really useful stuff on it. Thanks for informing me.

  7. I was referred to this web site by my cousin. I’m not sure who has written this post, but you’ve really identified my problem. You’re wonderful! Thanks!

  8. Have you always been concerned about these issues?

Leave a Reply


top