𝐀𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐌𝐘 𝐇𝐎𝐏𝐄 𝐎𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐀𝐒𝐓𝐄𝐑 ? 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 5


Habang nasa trabaho ay tumutulo ang luha ni Rhea. Kaya nagtanong na ang mga kasamahan niya. Lalo na ang katabi niya sa pagpapackage na si Mae.
“Rhea, ano ba ang nangyari?”
Hindi umimik ang dalaga sa kadahilanang nasa trabaho sila. Wala rin naman silang magagawa kahit sabihin niya. Makakaapekto lang yung sa concentration nila. Pagkatapos na nang trabaho, saka nalang niya sasabihin ang mga nangyari kay Messy.
” Wala, bumalik ka nalang sa trabaho Mae. Marami pa tayong tatapusin.”
Nakakatitig ng may pag-alala ito kay Rhea pero hindi na niya ito pinilit kasi baka may pinagdadaanan lang. Mabilis tumakbo ang oras. Hanggang sa tapos na nga ang duty.
“Everyone come here!” isang anunsyo mula kay Sir Alex.
Tumalima naman ang lahat matapos marinig iyon kahit ang iba ay inihahanda na ang sarili sa pag-uwi. Nang matipon na ang lahat ay mahihinuha sa mga mata ng kanilang Boss ang lungkot. Marami naman ang nag-alala. Kako ng iba, baka may tatanggalin.
Narinig naman iyon ni Alex kung kayat nagsalita na rin ito.
“Walang ipapatanggal ngunit may natanggal,” sabi nito na ikinataka ng marami.
“Ngayon ay naguguluhan kayo sa mga sinasabi ko. Normal lang iyon lalo na sa mga di nakaka alam sa mga nangyari,” paliwanag naman nito na mas ikinagulo pa ng isipan nila kung kaya, nanahimik pa silang lalo.
“Isa sa mga katrabaho ninyo ang pumanaw kaninang tanghali lang.”
Biglang umingay ang paligid. Pati si Manager Febie ay kinabakasan ng lungkot sa nalaman. Bawat isa ay umugong at kung anu-ano na ang sinasabi nila kung kaya pinatahimik sila ni Sir Alex.
“Quiet…”
Agad naman tumigil ang mga ‘to.
“Kaninang tanghali, nagtungo kami sa bahay nila Ms. Messy. Kasama ko si Miss Sintementi upang ituro kung saan siya nakatira. Balita ko rin kasi ay binubugbog ito ng kaniyang asawa. And sad to say, iyon ang naratnan namin,” saglit na tumigil ang Boss.
“Pagdating namin doon ay naratnan pa namin ang asawa niya. Nagkaroon ng tensyon doon dahil sa paghahanap namin sa asawa niya. Kaya pala hindi makalabas si Ms. Messy ay sa kadahilanang, malala na pala ang pagkabugbog sa kaniya.”
Mas lalong umingay ngunit agad nagsitigil nang magsalita ulit si Sir Alex.
Ipinagpatuloy ng lalaki ang kwento at doon nagsiiyakan ang mga tauhan sa factory. Alam nila ang hirap na dinadanas ng kasamahan nila ngunit hindi nila inaasahan na ganun kalupit ang sasapitin niya.
Napahagulhol ulit si Rhea kaya agad itong lumabas. Dahil doon ay hinabol siya ni Sir Alex.
“Rhea wait.”
Huminto ang babae. Liningon ang Boss nito na may namumutawi sa mga mata nitong pag-aalala.
“Sir, bibisitahin ko muna ang mga anak ng kaibigan ko upang mai-check sila,” sabi nito.
“Samahan na kita.”
“Wag na Sir. Marami na kayong naitulong sa akin,” pagrereject ng dalaga sa offer ng Boss niya.
“No, tauhan ko siya kaya, nagbibigay dalamhati din ako,” pagpupumilit ng Boss niya.
Sa kabila nun ay wala na ngang nagawa ang dalaga kundi isama si Sir Alex.
Sa kanilang biyahe ay nagkwento ng wala sa sarili si Rhea kung paano sila nagkakilala at naging mas close pa ng kaibigan niya.
” She’s like your sister huh,” komento ng Boss niya.
Tumango si Rhea na nakangiti habang walang tigil ang mga luhang umaagos. Nang makarating sila sa MSWD ay agad ipinagtanong kung nasaan ang mga bata.
Nang maihatid sila sa isang kuwarto kung saan ipinamalagi ang mga bata ay naiyak ulit si Rhea. Magkakadikit...


ang apat sa isang sulok kahit maluwang ang espasyo ng kuwarto. Nandoon pa rin ang lubos na takot dahil sa kanilang ama. Idagdag pa na nasaksihan nila kung panu kitlin ng sariling ama ang kanilang ina.
Isang beses lang nakita ni Rhea ang mga bata ng minsan sumama siya sa bahay nila ngunit, napahamal pa rin sa kaniya ito.
Hindi lubos maintindihan ni Alex ang labis na paghanga sa dalaga dahil sa taglay nitong malasakit. Ayun sa head ng MSWD, ay hindi makausap ang mga bata. Tila na pepe sa takot.
Kahit sino ay wala sila kinakausap pero ngayon, nagsiyakapan sila kay Rhea. Kitang kita niya kung panu magsumbong ang mga bata sa kaniya. Dahil siguro, siya lang ang nakita nilang malapit sa kanilang Mama.
Pagkatapos pakainin ang mga bata at mapatulog ay umuwi na sila. Pero bago iyon ay inanyayahan ni Sir Alex si Rhea na kumain muna sila.
Tatanggi sana ang dalaga subalit biglang kumalam ang sikmura niya kung kayat napangiti si Sir Alex.
“Sorry, Sir,” nahihiya nitong sabi sabay himas pa sa kaniyang tiyan.
“Pati ako gutom kaya kumain na muna tayo,” sabi ng Boss niya.
Kumain sila sa isang resto.
“Bakit dito Sir, ang mamahal ng pagkain dito,” reklamo ni Rhea.
“Its my treat okay?”
Ngumiti nalang siya. Nang mag oorder na sila ng menu ay hindi makapili si Rhea dahil halos malula ang mga mata niya sa nakikitang presyo.
“Ikaw Ms. Sintementi? May napili ka na ba?”
“Ahh eh, wala pa Sir eh,” nahihiya niyang sagot.
“Kumakain ka ba ng Butter- Basted Rib Eye Steaks?” tanong nito sa kaniya.
Actually hindi alam ni Rhea kung anong pagkain yun. Ang alam niya ay may Steak kung kaya umoo nalang siya.
Iyon naman ang sinabi niya sa waitress na nakatayo sa side table nila. Nang maka alis ang waitress ay nag – usap na silang dalawa.
Hindi nila namamalayan na may nakatingin na pala sa kanilang babae. Nanggagalaiti ito saka kinunan ng picture.
Inihatid ni Sir Alex ang dalaga saka umuwi.
Pagdating sa kanilang malaking bahay ay nakita pa niya sa garahe ang sasakyan ng nobya. Nakalimutan pala niya rin itong e message. Malamang ay nagtatampo na naman ito sa kaniya. Iyon ang ayaw niya rito. Masyadong matampuhin kahit sa maliliit na bahay.
Bumaba ito sa sasakyan saka pumasok sa bahay. Pagbungad niya sa sala ay nakita niya ang kaniyang Lola Divina at ang girlfriend nito.
Magmamano sana ito ngunit isang malutong na sampal ang inabot nito sa matanda. Dahilan upang magtaka siya.
“Bakit ka makikisama sa hampas lupang iyon!” pagalit na sabi ng Lola ni Alex.
“La, may inasikaso po ako kasama siya. Eh bilang pasasalamat sa kaniya ay kumain kami,” pangangatairawan ng binata dahil alam na nito kung sino ang tinutukoy nito.
Look at this picture! Ito ba ang kumain lang? Mamahaling restaurant habang nagtatawanan kayo?
Kunot ang noo niyang tumingin sa babaeng si Shiela. Nahuhulaan na niya kung saan nanggaling ang pictures.
Hindi na sinagot ni Alex ang akusa ng kaniya Lola dahil nag walk na ito.
Tinawag siya ng kaniyang lola subalit hindi ito nakinig. Hinabol siya ni Shiela hanggang sa kuwarto. Umakap ito mula sa kaniyang likuran ngunit dahil sa ginawa nitong pagsusumbong na wala namang katuturan ay tinabig niya ang mga kamay na nakapulupot sa kaniya.
Saka pinagsarhan ng pinto ang babae. Tinatawag niya ang binata ngunit hindi na ito sumagot.

©𝗦𝗵𝗮 𝗖𝗵𝗮






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top