BEWARE THAT GIRL CHAPTER#08


Ilang oras rin ang tinagal ni Jasmin kakabasa sa background information na binigay ni Parker sa kanya. Kakaiba talaga ang taong ito, base sa information na nakasulat doon kasusyo pala niya ang Valdemoria Company. Mahigpit 25 na taon ang tinagal ng kanilang organisasyon. Habang nag- iisip si Jasmin dumako ang paningin niya sa mga litratong nakadikit sa dingding. Crisanto Valdemoria? Parang pamilyar sa akin ang pangalan niya. Inulit uli niyang bigkasin ni Jasmin ang pangalan na yun gamit ang utak. Hanggang sa…….
“Crisanto Valdemoria?” di niya pala namalayan na nabigkas niya ito.
“ What did you say?” halos mahulog ako sa kinaupuan dahil sa gulat nang magsalita ang kasama ko. Sumeryuso rin ang mukha nito parang ayaw niyang marinig ang pangalan na yun.
“ May sinabi ba ako?” pagsisinungaling ko. Ano kaya ang mayron nabigkas ko lang ang pangalan na iyon parang mangangain ng tao ang lalaking to. Natigil ako sa pag- iisip nang may maalala ako. Valdemoria Company? Iyon kasi ang pangalan ng kompanya na tinatrabahoan ng pinsan ko.
“ Parker may alam kabang impormasyon sa babaeng pinatay sa Tagaytay?” kumbinsido talaga akong may alam siya. Umaangat ng tingin ito sa akin.
“ Ba’t mo natanong? At isa pa hindi iyon ang pagtuonan natin ng pansin.” imbis na sagutin niya ang tanong ko ibinalik niya ang paningin niya sa komputer. Sandali pa lang ay bigla itong tumayo saka naglakad patungo sa pinto. Nainis na rin si Jasmin dahil hindi siya pinansin nito malakas talaga ang kutob niya na may alam ito. Hindi pa nga nakaisang hakbang ang lalaki, isang kasa ng baril ang tumamabad sa likuran nito.
“ Alam kong may alam ka.” hindi alam ni...


Jasmin kung saan siya kumuha ng lakas na loob para sabihin iyon, habang nakatutok parin ang baril nito sa ulo ng lalaki. Ginalaw ng lalaki ang kanyang katawan upang humarap. Pagkaharap nito wala man lang makikitang reaksiyon sa mukha nito saka nagsalita.
“ Calm down Rosales, ano ba ang pinagsasabi mo?” maang- maangan nitong sagot.
“ Sasabihin mo sa akin ang nalalaman mo tungkol sa babaeng pinatay sa Tagaytay kung ayaw mong pasabugin ko yang utak mo!” halos pasigaw na lintaya ko. Hindi ko nga alam kung bakit naging interesado ako sa kompanyang iyon.
“ Really? Gagawin mo talaga yun sa akin?” tanong nito sabay ang pagak na tawa.
“ Wag mo akong galitin Parker kung ayaw mong mamatay nang maaga” sumeryuso ang mukha nito saka nagpakawala ng isang lalim na buntong hininga.
“ Fine! Pagbibigyan kita siguraduhin mo lang na makakaya mo” nanindig ang balahibo ko sa huling salita na binitawan nito. Binaba narin ni Jasmin ang baril niya.
“ Bilisan mo diyan dahil may pupuntahan tayo” utos nito kay Jasmin. Mayamaya pa ay may kinuha ang lalaki sa mini ref saka kinuha ang isang boteng alak. Seryuso? Alak talaga? Wag niyang sabihing magkipag- inuman kami.
“ Ano yan? Ba’t may alak? Saan ba tayo pupunta?” sunod-sunod na tanong ng babae.
“ Wag kana lang magtanong bilisan mo na lang diyan” tugon nito. Nakalabas na sila ng bahay saka pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Saan naman kaya kami pupunta? Di naman talaga ako umiinum saka di naman niya alam yun. Hay naku ganito talaga pag may kailangan tayong malaman gagawin ang lahat kahit na ikapapahamak mo pa ito.
Sa tingin niyo, saan kaya sila pupunta?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top