Touch of an Angel Chapter 7


Kinabukasan may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila Angela. Si Derek.
“Maam Angela, ako po ang ipinadala ni sir
Dilan para samahan ka. Derek po ang pangalan ko”, Saad ng lalaki sabay abot ng kamay sa dalaga. Kinamayan din naman ito ng babae.
“Sir Derek, pwedi bang tumanggi?, nagbago na isip ko, hindi ko na tatanggapin ang offer ni sir
Dilan..”, Saad niya sa lalaki
“Okay ma’am tatawagan ko si sir Dilan..
Umalis ang lalaki matapos ang ilang saglit ay bumalik din ito.. “Maam, pinapasabi ni sir
Bawal daw po kayong tumanggi, dahil Hindi nyo daw po maggugustuhan ang gagawin niya..” wika ng lalaki.. “Kilala niya daw po si Mando at alam niya daw, kung saan nagtatrabaho ang mga kapatid mo” .dagdag pa ng lalaki. ” Malaking gulo daw po ang mangyayari kapag tumanggi kayo sa nais niya.”
Patuloy pa ng lalaki.
Napapikit ang dalaga sa sinabi ng lalaki. At saglit na ng isip..”Oo na!, susunod na! Nakaka
Inis nananakot na naman sya..! ” ayaw niya kasing madamay pa ang pinsan sa problima nila. Naisip niya na baka mawalan ang trabaho ang mga ito kapag tumanggi pa sya.
Isang buwan ang nkaraan matapos niyang tanggapin ang alok ng lalaki, balik sa pag aaral sya kapag may bakanting oras doon lamang sya nagagawi sa opisina.. Walang nakakaalam
Sa mga katrabaho niya doon ang tungkol sa usapan nilang pagpapakasal oras na sya ay makatapos
“aba nandito na pala ang scholar ni sir Dilan.”
Wika ni Miss Reyes..
” Hello po ma’am!! Bati niya sa babae..
Ngiti lang ang isinukli nito sa kanya.. Ng araw na yon ay maghapon ang schedule niya sa opisina .boung sipag niya pa ring gingampaman ang trabaho sa kabila ng pagiging Abala sa pag-aaral.. Mahigit isang buwan niya ring Hindi nkikita ang lalaki.
Ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho
Napunta doon si Dilan, nagkakataong wala
Nga lang siya.. Tulad ngayon.. Busy sya sa pag tatype sa cumputer ng mapatingin sya sa opisina ng lalaki madilim, ibig sabihin wala na nman ito..
, Hays mabuti nman at wala dito si sir malaya akong gawin kung anu ang gusto ko!! Hay sana Hindi na kami magkita, kinakabahan ako sa kanya.. Wika niya sa isip..
Ilang sandali pa breaktime na papunta sya sa canteen.. Mag isa lang sya.. Pagtingin niya sa unahan nakita Niya si Dilan makakasaulubong
Niya ang lalaki. Bigla syang pumihit patalikod
Balak niyang bumalik ng office…. ‘nandito na pala sya akala ko wala.! Nilakihan pa niya ang hakbang…”Angela!” Wika ng lalaking Nasa likuran niya.. Dahan Dahan syang pumihit..
” Hi ser!”
Nakatingin lang sa Kanya ang lalaki ng ng ilang saglit.
” Halika punta tayo sa office ko!”
” Hindi pa po ako sir nakain, pwde po mamaya na breaktime, Wla naman po siguro kayong ipag uutos sakin!”
“Okay halika sabay na tayong mag lunch!”
“Okay lang po sir? Hindi po ba nkakahiya
Makikita tayo ng mga empleyado nyo, n mga katrabaho ko din”..
“Okay lang, hindi magtatagal magiging mag na asawa tayo, palagi na tayong magkasabay kumain, kaya sanayin mo na ang sarili mo
Magkasama tayo.” nakangiting Saad ng lalaki.
“Seryuso ba talaga kayo sir na pakasalan ako?”
“Mukha ba akong nagbibiro..?”
“Hindi...


ko po alam, baka mag- bago pa ang isip nyo?”, nakangoso nitong sambit.
“Hindi na magbabago pa ang isip ko,” ani ng lalaking nakatitig sa mukha niya at seryosong nagsasalita.. “ikaw ang gusto ko Angela, ikaw ang gusto Kong maging ina ng mga anak ko balang araw” wika niya sa dalaga..
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya..
Napapangiti siya sa itsura nito ngayon He found her so cute with her angelic facial expression.
Napakainosente nito sa usaping marital
Topic, alam niyang napakababaw pa ng dalaga
Pag dating sa usaping pag aasawa at yon ang gusto niyang hukayin.nais niyang turuan ang babae kung paano sya mahalin, alagaan at kung pano maging asawa, nais niyang sya ang una sa lahat kay Angela,
. Nais niya itong hubugin ayon sa gusto niya. para sa kanya si Angela ay isang bukal
Na kung alalagaan nya at mamahalin ay magbibigay sa kanya ng walang hanggang kaligayahan.
Kahit minsan ay Hindi pa niya naranasan ang
Umibig ng tulad sa pagmamahal niya sa dalaga.. Maraming nakapaligid sa kanya na
Magaganda at seksing babae ngunit walng
Dating yon sa kanya.. Para sa kanya dati ang babae, ay hadlang lamang sa pag angat niya sa
Buhay hadlang sa mga ginagawa niya.. Kukuntra sa mga desisyon niya at ayaw niya yon.. Kung usapang sex naman ay Hindi sya mauubusan ng babae marami ang nag aalok sa kanya ng aliw, kapalit ng malaking halaga at kuntento na sya doon..
Subalit ng makita nya si Angela ay bigla niyang naalala ang ina nya.
Ng haplusin nito ang Kanyang likod ng gabing nalasing sya, nangarap sya na isang araw ay gusto niyang umuwi
Sa bahay na may ganitong babae na mag alalaga sakanya..
Ngayon handa na syang Ibahagi sa dalaga
Ang sarili nya.. Sa ayaw at sa gusto nito.
Nararamdaman naman niya ang mapapa
Sunod niya ito sa gusto niya..
Pumunta sila ng canteen. Pagdating nila doon ay nkahanda na ang kanilang pangkain..
Ang ibang empleyado ay patingin-tingin sa kanila ang iba naman ay sanay ng makita silang mag kasama tulad ng manager na si
Miss Nicky Marasigan. “Hi sir” bati nito sa
Lalaki at tinaasan lang ito ng kilay ng lalaki. nginitian naman ito ng si Angela..ngiti lang din ang isinukli ng dalaga sa babae.
Tanging silang dalawa lamang ni Dilan sa mesang yon. Magkaharap silang naupo.
Kakain sana si Angela ng mapatingin siya sa kaharap Nakatingin ito sa kanya.. Bigla syang nakaramdam ng pagkailang.
“Sir, bakit po kayo Nakatingin ng ganyang sa akin?
” Wala, namis lang kita..”.
Parang kinilabutan si Angela sa sinabi ng lalaki
” Ala si sir ngsisimula na naman.. Wika niya sa isip.. Naiilang siya kapag usapang pagibig ang topic nila.. Hindi pa sya handa sa ganun topic..
” Ikaw Hindi mo ba ako namis?
” Hindi po. ” matipid niyang sagot.
Tsk! nakakasama ka naman ng loob, ako nga namis kita tapos ako Hindi mo man lang ako namis. But ,I like that! Hindi ka bolera.
Totoo ka sa mga sinasabi mo. Hindi ka nagsisinugaling, yan ang Nagustuhan ko sayo”!
Pero sir,hindi sa lahat ng oras ay tapat ako
Minsan nagsisinugaling din ako.
Alam ko, wala namang taong perpekto.
Lahat naman tayo minsan kailangang nagsisinugaling.
Tama po kayo..sir..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top