Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 18


Author: Miss J
Nanginginig ang aking buong katawan, sobrang lamig ng aking pakiramdam at mabilis nagunahan sa pagtulo ang aking mga luha ng dahil sa sobrang sakit na nadarama.
” Sumagot ka, sagutin mo ako ng mata sa mata Jane, bakit mo to nagawa sa akin? ” si Jojo na halata din sa kanyang tinig ang labis na pait ng kanyang nadarama. Hagulhol, diko sya magawang sagutin agad, naninikip ang aking dibdib na dko mawari ” Please! Sagutin mo ako ” hindi na napigilan pa ni Jojo ang pinipigilang damdamin,.luha, luha ang aking nasilayan buhat sa kanyang mga mata. Ako na kumuha ng isang daang lakas ng loob para makapgsalita at isatinig ang aking nadarama ” Bakit ka lumuluha? Dahil ba nasasktan ka o dahil lang yan sa Ego mong nasaling ko dahil sa nagloko ako? Dapat bago mo ginawng puntahan ako tinanong mo muna ang sarili mo kung bakit ko ito nagawa sayo ” sa wakas naumpisahan ko ng maisiwalat ang sakit sa dibdib na...


aking pinipigilan ” Matagal na panahon ako naghintay sayo, matagal na panahon akong umasa na isang araw pagbibigyn mo ang kahilingan Kong uwian mo pero wala eh, walang nangyari, binaliwala mo akong pilit at isinantabi ” mapakla akong ngumiti sa kanya at saka tumingin sa malayo ” Mahal kita, minahal kita buhat noong una hanggang pinag aralan Kong ibaba masyado ang sarili ko sayo at sa pamilya mo, pero di yatat nakulangan kapa, di yatat tumamlay lalo ang ating pagsasama. Sakripisyo? Madami ako non, dinamihan ko para sayo at sa pamilyang ating binuo pero pinabayaan mo ako, kami ng mga anak mo ” patuloy sa pag agos ang aking mga luha, sobrang sakit pa pala.
” Patawarin mo ako, hindi ko sinasadyang kalimutan ang pagiging asawa sayo at pagiging Ama sa mga anak ko. Akala ko maayos lang na ganun, na kapag nangailangan kayo ng pera meron akong maibibigay kaagad ” matiim nya akong tiningnan at ramdam na ramdam ko ang sakit sa kanyang tinig!
GoodmorningpošŸ˜˜






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top