Matapos mailagay ni Ben ang mga bagahe nila sa likod ng sasakyan ay ipinagbukas na sila ng pinto nito para makasakay ng sasakyan.naunang sumakay si faith at puwesto sa likod ng driver,sumunod siya.
“Ayos na po kayo diyan ma’am?”Tanong pa nito sa kanila.Hindi niya ito sinagot dahil agad na napunta ang paningin niya sa lalaking nakaupo sa driver seat.Hindi niya makita ang mukha nito dahil May hawak itong dyaryo na nagtatakip sa mukha nito.Napakagat nalang siya ng labi sa inis dahil hindi man lang ito natinag sa pagbabasa at kahit batiin lang sila ay hindi nito ginawa.
“Tara na Pab”Wika noong Ben dito pagkapasok ng sasakyan tsaka lang din nito binababa ang dyaryo at tinabi.Hinawakan nito ang manibela at nagsimulang paandarin ang sasakyan.Talagang hindi sila pinansin ng mok*ng.
“Bast*s”Gigil niyang bulong habang nakatingin ng masama sa lalaking nagmamaneho.
“Ha?May sinasabi ka cuz?”Tanong ni faith sa kanya sa pagkakaakalang kinakausap niya ito.
“Ang sabi ko,Kahit talaga saan may makikita kang BAST*S na tao at MAK*PAL ANG MUKHA”Sabi niya na may kalakasan at pinagdiinan pa ang saltang BAST*S at MAK*PAL ANG MUKHA para iparinig sa nagmamanehong lalaki.
“Huh?”
Nilingon niya ang pinsan.Nakatingin din ito sa kanya na may nagugulohang mukha.
“Anong sinasabi mo?”Tanong pa nito.Napairap nalang siya sa pinsan at napatingin muli sa lalaking nagmamaneho,napalingon rin dito ang pinsan.
“Ahhh,Alam ko na,kaya pala”Bulong nito at lumapit pa sa tenga niya.”At mali pala ako di naman pala siya old,Young pa naman pala at mukhang hot.Diba cuz”
Tiningnan niya ito ng masama kaya napalayo ito sa kanya.
“Seriously Faith?,Eh ang bast*s Kaya niyan at Hot?Anong Hot?Malabo na ba ang mga mata mo?Hindi siya hot okay,Masarap kamong s*nugin ng buhay “Malakas na sabi niya.wala na siyang pakialam kong marinig ito ng nasa harapan nila dahil totoo naman ang sinasabi niya.
“Shhh naririnig ka niya oy”
“So what?,Eh totoo naman talaga eh.Di siya hot,”
“Oo...